17th Chapter. [Part 2- Outing With The HGR]

1.2K 61 0
                                    

  SCARLET'S POV

"Cuz' I like him alot." Ayan ang mga katagang sagot ko sa tanong nila.

"Ahhhhh!!!" Tili nilang tatlo. Para tuloy pinagsisihan ko ng sinabi ko sa kanila. Hays..

"OhMyGee. I can't believe this! Magiging future cousin nadin kita, Scar!" Masayang sabi ni Sam.

"Grabe! Parang kailan lang enemies pa kayo." Sinasang-ayunan ko dun si Xandra sa sinabi nya.

"Pero wait lang... Pano si Kenzho?" Tanong ni Hera.

Oh yeah... Napagisipan ko narin yun. I know Kenzho is a very nice, loving and caring person. Gwapo rin sya at matalino at mayaman. Pero wala kasi akong special feeling para sa kanya. I just like him as a friend. Kung may mas hihigit pa dun ay hanggang bestfriend lang. That's all I can offer. Nung umpisa di ko rin akalain na may mararamdaman ako kay Keith. Pero wala eh. Tama nga siguro ang sinasabi ng iba na, "Love comes unexpectedly." Ni hindi ko nga inakalang maiinlove ako.

"Well... I think we should just be friends. Friendship is all that I can offer to him."

"I understand. But you better tell him as soon as possible."

"But Hera.. I'm scared. Masasaktan ko sya. And I don't what that to happen."

"Scar, mapa-ngayon o bukas o sasusunod na araw man yan.. Ganun parin ang mangyayari dahil si Keith ang gusto mo. Mas maganda kung sasabihin mo ng mas maaga dahil mas masasaktan sya kung papatagalin mo."

"You're right, Hera. Thanks." I smiled at her.

"What are friends are for right?" At nagngitian na lang kaming lahat.

~~~~~•~~~~~

Ansarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Gabi na kasi ngayon at nasa loob sila ng kwarto habang ako nandito sa labas, nakaupo sa buhangin at pinapanood ang dagat. Ang ganda. Nakapikit lang ako ng naramdaman kong may tumabi sakin at narinig kong magsalita ang taong yun. That voice.. How can't I recognized the voice which belongs to the person I like?

"Hey. Bakit di ka pa natutulog?" Tanong nya sakin.

"I can't sleep. Where's Kenzho?"

"Tulog na. So... How's your vacation so far?"

Napatawa ko ng mahina. "This is OUR vacation. Well, ayos naman. Even if I was just forced to come here I really enjoyed."

"Same here. Bukas nga lang ng hapon uuwi na agad tayo. Magpa-practice pa raw kasi kayo para sa HGR Exam. Narinig kong iba na ang exam ngayon."

"Really? Mas humirap kaya o bumilis? Oh well.. Eenjoyin ko na lang yun."

At ngumiti na lang si Keith. Nakatingin lang ako sa dagat. Kita rin ang buwan dito at mga bituin. Ang ganda talaga ng view.

"Ang ganda noh?"

"Oo." At napatingin ako sakanya. He's staring at me. I gave him a questioning look.

"Maganda yung view pero mas maganda kung sayo ko titingin."

"Hahaha. Dumali ka naman." Mahina kong hinampas ang braso nya. Naramdaman ko namang hinawakan nya ang kamay ko at automatic na napalingon ulit ako.

"What?" He asked laughing.

"Chansing." I teased him.

"Okay lang yun."

Nagkatinginan kaming dalawa. We're staring at each other's eyes. Bigla namang palapit ng palapit ang mukha ni Keith. Sh*t. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko anytime ay lalabas to dito sa dibdib ko. Pumikit na lang ako pero wala parin akong nararamdaman. After ng ilang seconds ay naramdaman kong may dumampi sa ilong ko. Napamulat naman ako at pinagdikit nya ang noo namin.

Gangster Royalties (Meet the HGR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon