15th Chapter. [Supposed To Be A Normal Date]

1.3K 57 0
                                    

SCARLET'S POV

Nasa mall kami ngayon kasi date nga diba namin ni Keith? Natatawa lang ako kasi halatang ayaw nya sa mga gantong lugar. Pinagtitinginan kasi sya. Masyado kasing gwapo ang Hari ng HGR. Medyo nakakatakot na nga syang tingnan pero gwapong gwapo parin sila. Hay.. Iba na talaga kapag gwapong tunay. Kahit scary pa ang expression hindi parin tatantanan.

"Hey! Kain na muna tayo?" I asked him. Masyado kasing tahimik eh.

"Sige.." Sabi nya. Nagulat naman ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya pero nginitian nya lang ako.

Kumain kami sa isang Itallian Restau. Pasta lang kinain namin at ice cream yogurt. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano nang bigla kong maramdaman ang medyo pagsakit ulet ng tagiliran ko. Pero lumipas ang ilang minuto ay nawala rin agad ito. Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami ng restaurant. Pumunta naman kami sa National Bookstore. Did I mentioned that I like reading books? Kahit anong types and genre of book. Sa huli, bumili ako ng libro ung 'Boyfriend Corp'.

(A/N: Paepal muna! Whaaa! Ang ganda talaga ng Boyfriend Corp! Kahit di ko pa tapos XD Mapansin sana ko ni Ms.Author.. @iamKitin)

Si Keith pa nga ang nagbayad kahit may pambayad ako. Pagkatapos namin dun ay nagyakag naman sya sa sinehan. Action ang pinanood namin. Pinapili nya kasi ako. Ayaw ko naman piliin ung Romantic baka kasi ma-bored si Keith. Bumili kami ng popcorn at drinks. Bumili ako ng hotdog sandwich eh ayaw naman nya edi ako na lang. Nagumpisa na ung movie at tahimik lang kaming dalwa. Isang oras na ang nakakalipas nang bigla akong bahingin.

"Achooo!" At dahil dun napatingin sakin si Keith.

"Are you cold?"

"M-medyo.."

"Eto oh.." hinubad nya ung jacket nya at inabot sakin. Ako naman.. Tinitigan ko lang ung jacket nya. "Tss.." Medyo lumapit naman sya sakin at binalot sakin ung jacket nya at bumalik sa posisyon nya. Bipolar din to eh.

Lumabas na agad kami sa sinehan after ng movie. 6:00 p.m. na kaya lumabas narin kami ng Mall. Naglalakad kami papuntang parking lot ng biglang may humarang samin. Mga naka-tuxedo ang mga eto at naka-shades pa.

"Ikaw ba si Scarlet?" tanong nung isa. Bigla naman ako hinigit ni Keith at nilagay sa likuran nya.

"What do you need?" ma-awtoridad na tanong nito.

"We don't need anything from you but from the girl behind you.. Meron. Kaya ibigay mo sya samin.. Nasa kanya ung susi." sagot nung isa. Susi?

"Hahahahaha!" at hingpitan lalo ni Keith ang kapit sa kamay ko. "NO.CAN.DO." sagot nito while emphasizing every word.

"At bakit naman?"

"'Cuz she's MINE." sabay higit nito sakin.

Tumatakbo kami at hinahabol kami nung dalwang lalaki. Nagpapaputok na nga sila ng baril at buti na lang di kami natatamaan. Madilim kasi at paliko-liko pa kami. Malayo-layo narin ang tinakbo namin. Bigla namang may tumigil na pulang sasakyan sa harapan namin at bumukas ang bintana.

"Keith hop in!" Si Hendrix pala.

Sumakay naman agad kami at sinara agad namin ung pinto. Nagpaputok pa sila at tumama sa bintana. Nagulat ako pero buti na lang at bulletproof pala tong bintana ng kotse ni Hendrix. Pinaandar nya na to at nawala na namin ung mga naka-tuxedo.

"What the fvck happened, Keith?!" tanong ni Hendrix.

"Bigla kaming hinarang nung mga lokong un. Gustong kunin si Scarlet."

"Tss. Buti na lang nakita ko kayo. By the way.. Ayos ka lang ba Lil' Princess?"

"Ahh o-oo.. Medyo kinabahan lang ako. Eh ikaw Keith ayos ka-" bigla kong napatigil ng paglingon ko sa kanya nakita kong may dugo ung braso nya.

"Keith! May tama ka sa braso!" sigaw ko at dahil dun napatingin si Hendrix sa salamin.

"Ayos lang ako... Daplis lang to. I won't die just because of this."

"Takte ka naman! Namumutla ka na nga eh! Hendrix sa ospital tayo pumunta!" Singhal ko.

"Si-"

"No! Bumalik na tayo sa H.A." biglang singit ni Keith.

"Basta Hendrix.. Sa ospital tayo. Kung di tayo didiretso dun, babalian kita ng buto para magkasama kayo dun nitong Monster na to!"

"Sorry Bro. Sa ngayon mas takot ako kay Lil' Princess."

"Tss. Niligtas ko na nga.. Monster pa tawag sakin." napangiti na lang ako ng lihim dun.

Pagdating namin sa ospital agad naman syang inalalayan ni Hendrix at tiningnan agad sya ng doctor. Nasa loob na sya ng kwarto habang ako andito sa labas naghihintay. Bumalik kasi si Hendrix dun sa mall para kunin ang kotse ni Keith. Aba! Andun ang sora ko! Nagtext naman sya na malapit na sya. After ng isang oras, pwede na raw pumasok at ayos na si Keith. Tama sya.. Daplis nga lang.

Pagpasok ko, agad kong nakita ang isang Keith na may benda ang braso. Ouch.. Alam ko ang sakit nun kahit di ko pa nararanasan. Kung simpleng hiwa nga lang ng kutsilyo masakit na.. Bala pa kayo lumapat sa balat mo?

"Hey.. Feeling better?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah.. Si Hendrix?"

"Kinukuha lang ung kotse mo para makauwi na tayo. I'll be the one driving na lang." I said to him.

"No.. Ako na. Kaya ko naman."

"Pero mahihirapan ka pa!"

"Ayos lang."

Di ko na napigilan at napasigaw na talaga ko. "ANONG AYOS DUN KUNG MAKIKITA KITANG NAHIHIRAPAN?!" At dahil dun nagkaroon ng total silence..

"Sige na nga.."

"Hays.. Buti naman at pumayag ka na. So stubborn."

Pagkadating agad ni Hendrix umalis na agad kami. Ako nga ang nagdrive at medyo mabagal ako dahil hindi pa ko ganon karunong. We arrived peacefully and safe naman. 9:00 p.m narin kaya nagtungo na agad kami sa sari-sarili naming kwarto habang dala-dala ko ang Sora ko. Pumasok agad ako sa kwarto at andun sina Hera at Xandra. Nagkwentuhan lang kami saglit tas pumasok na ko sa bedroom ko. Tiningnan ko ang Sora ko at napangiti ako..

Looks like I'm really joining the HGR Entrance Exam.

Gangster Royalties (Meet the HGR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon