28th Chapter. [His Other Side]

256 14 4
                                    

  SCARLET'S POV

"Nakaantok!" Sigaw ni Xandra nang sumalampak siya sa sofa.

Sabado ngayon, ilang araw na ang nakalipas ng mangyari ang inisidente. Patuloy ang imbistigasyon. Dahil din don ay nabalitaan ko kay Dad na nais ng buong Allure na bigyan ako ng proteksyon. Pinakiusapan nila ang Three Phantoms na bantayan din ako paglumabas ng school at nasa labas lang din lagi halos sila, nagmamasid kung may kahina-hinala na naman.

Hindi parin naman maalis sa isipan ko na kaboses ni Red ang taong umatake sakin. 'Di ko alam kung guni guni lang o ano pero siguro ay kailangan ko na lang magtiwala sa kanya.

Balik sa dati na ang lahat. Ang Finals ng HGR ay next month na. Lahat ay nagaayos talaga. Ang kasalukuyang HGR naman ngayon ay nasa meeting. Balita ko ay nandon din ang mga may shares dito sa Hellian. Kahit si Hera ay nasa meeting din.

"Lalabas muna ko. Sama ka?" Tanong ko kay Xandra.

"No, thanks. Matutulog na lang muna ako." Sabay hikab nya. I shrugged and went out.

Nagpasya ko na magpunta sa Red Woods. Tahimik naman don at hindi naman siguro delikado. Nang makarating ako sa gitna ay tanging huni lang ng ibon ang naririnig ko. Umupo ako sa ilalim ng isang puno.

Malakas ang ihip ng hangin. Malamig pa. Masarap matulog. Ipinikit ko ang mata ko. Saglit lamang siguro yon ng naramdaman kong may tao sa paligid. Nagmulat ako tiningnan ang paligid.

Sa di kalayuaan ay may anino ng isang tao. Napatayo ako at kinuha ang isang makapal na sanga malapit sakin.  Nagtatago ang tao sa likod ng puno.

"Sino yan?!" Sigaw ko. Unti unting lumabas ang tao iyon.

"Scared?" Sambit nito ng lumapit at nakita ko na ng maayos ang mukha niya. What is she doing here? Ang alam ko ay sa office ang meeting.

"Why are you here?" I asked.

"Is it bad, Ms. Rannaya?" Tanong nya at ngumiti.

"No. Just.. Asking." Tsaka binato ag sangang hawak ko palayo. "What brought you here Ms. Broles?" Pormal kong sambit.

Pinsan man 'to ni Keith, mataas padin ang pwesto nya dito sa Academy. Tapos na kaya ang meeting? Masyado naman atang mabilis.

"Nothing. Just strolling around and  found you here." Mapait ang tono niya. May problema kaya?

"And? Is the board meeting over?"

"No. Actually, 'di pa nagsisimula. So... Malapit na ang HGR Exams."

Tumango ako. "I'm already preparing hard for it."

"Buti naman." Ngumisi siya. "Prove me that you're better than Yukino. That is if you can."

It was the time for me to smirk. "Well, I can even beat her up in front of you, right here, right now."

Tumawa siya. Mala demonyong tawa. Alam ko may mali dito. I don't trust this cousin of Keith. Masyadong iba ang aura niya.

"That's the spirit." Tumigil siya at seryosong tumingin sakin. "Hope you still have guts until the finals, dear."

Tumalikod na sya at naglakad palayo. Nang 'di ko na nakita ni likod niya ay napasigaw ako at sinuntok ang puno. That demon! I know she's up to something. Of course she likes Yukino for Keith!

Nagpalamig muna ko ng ulo bago umalis ng Red Woods. Nadaanan ko ang malaking fountain ng Academy papuntang cafeteria.

Palapit na ko sa cafeteria nang may narinig akong sumisigaw. Napalingon ako at lumapit sakin ang isang babae na hinihingal.

Gangster Royalties (Meet the HGR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon