DAY 54
“GIRLFRIEND!!! May nalaman ang hearing aids ko.” Gising ni Boyfriend.
“naman... ano na naman nalaman mo? Dali pagod ako. Pahinga muna ako please.”
“k. sabi mo ‘yan eh.” Tumayo siya “Girl, ang ganda ng movie na nakwento mo sa akin. May bugbugan pa... may drama... may wedding... patayan... kidnapan.” Medyo nilakasan pa niya yung boses niya at tinapat sa tenga ko.
Teka ito ata nangyari kahapon ehh.
“oo nga, hindi ko alam mga blackbelter pala sila kaya ang galing nilang makipaglapan.” Arie
Patuloy lang ako nakikinig habang nakatalukbong ng unan, sympre curiosity kills kung ano bang pinagsasabi ng dawalang to’. Sila Ren, Migs, Gin, at Caly ba ito.
“yes girl, balita ko may kasalan dapat ngunit si Groom ayaw maniwala sa banta ni Bride na kasalukuyang self proclaim bride niya. Galit na galit ang kanyang amain ng hindi ito pumunta take note kay junakis nagalit kasi nalaman wala naman talagang kasalang magaganap. Invited pa ang kinidnap” Boyfriend.
Kaya pala niya ako kinidnap ang alam niya susundan ako ni Senna at magpapakasal sila. Pugay! Wish niya lang... teka yun nga ba pinag-uusapan nila
“ACTION ROMANTIC DRAMA ang peg.” Arie.
“RO...MAN...TIC... may isa diyan di nagkkwento na niligtas pala ni Prince Charming niya. Hay, may arti arti pa sa pagtalon... sasaluhin naman pla.” Boyfriend.
“Hoy, kayo kaya magsuot ng gown.” Depensa ko...
“tamaan na ang defensive.” Sabi ni Arie na may pang-aasar na tono
“di ako defensive... nagsasabi lang.” irita ko, balik ulit sa pagkakahiga.
“sabi mo yan ehh.” Sabay iwas ng tingin nila na nakangisi pa.
“teka nga, paano niyo nalaman ang mga yan?”
“simple. Technology exist my dear. CCTV.” Sabi ni Boyfriend.
“pabayaan mo na sila, wala lang silang magawa.” Pag-aayos ko ng sarili ko. Gising na ako eh... wala na.
“gosh my dearest bestfriend, KINIDNAP KA. Wala kang gagawin.” Takang pagsasabi ni Arie sa akin, taas balikat at kamay na parang naghhihingi.
“okay na naman, wag na kayo... maliligo na ko.” Tumayo ako at kinuha ng tuwalya sa upuan. Tapos na kaya okay na, kung papansinin ko pa... wala akong mapapala.
“well, Boy... mabait mode ang babae. Buti na lang madami siyang shinning armor.” Sabi ni Arie kay Boyfriend.
Madami daw di nga nila ako hinap di ba? Narinig kong sumarado na ang pinto. Papasok pa lang ako sa banyo ng...
“HANNA ISABELLE SUMMER CRUZ!!!!~” sigaw ni Arie.
“ano naman ba??? May nasagap na naman ba kayo? Sarilinin niyo na lang... PALIGUIN NIYO NA AKO.” Sigaw ko. Ah ah mong yan... pati paliligo pinagkait pa... ToT init init kasi kaya apurado na akong maligo.
“taray huh... kanina ka pa. dali na tingnan mo muna to’” paghila sa akin ni Arie.
“oo nga dali!” isa pa si Boyfriend.
Hinila nila ako at nagpadala naman ako, o ‘yan na... titingnan na ng matahimik ang dalawang to’.
“CONGARATULATIONS! You’re ACCEPTED to perform in Night of Music singing competition.”
“okay.” Sabay talikod
“EHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Paanong...” balik ulit at hinawakan ang papel na nasakanila... SHOOOTING STAR..
BINABASA MO ANG
Troublemaker Meets Heartbreaker
Teen FictionEveryone has its own love story. The TROUBLEMAKER at THE HEARTBREAKER pinagsama? paano kaya sila mapapagkonekta ng musika? May matatawag kayang 'SILA'? o isang 'SILANG' malaking disaster? Paano kaya papaikutin ni Kupido ang kapalaran ng dalawa... ...