“bye Arie…” taas ko na naman ung isang kamay ko ng parang panatang makabayan. “di ka na talaga nagbago” sabi nito saakin habang kumakaway naman.
“ teka, Hanna… mag-iingat ka huh tanga pa man din, yan na si Honey oh” sabay turo sa dereksyon ni Hiro. Bigla akong nakaramdam ng pagka-aligaga.Wait wait… Yan na siya yan na siya sabi ni konsensya. Isip isip isip tumigil ka
kruuu~
“hanna???! Tinawag ka niyang Hanna? Wag mong sabihing ikaw si… “ taka nito sabay nataturo saakin… tumango ako at ngiting ngiting ko sakanya.
Ang kyot nya padin kahit nagulat. Sa tawagan namin may kwento yan, si Arie at Hiro, noong bata pa kami naglalaro kami ng kasal kasalan, kasalang bata ako ang flower girl sakit sa heart at sila ang kinakasal at tawagan nila noong kasal na sila ‘Honey’ kaya yon hanggang tumanda Honey pa din. Yang dalawang yan may tinatago ehh malalaman at malalaman ko din yan sa takdang panahon….
At kami naman ni Hiro Babes ko, isang matabang bata ako noon at siya din naman kaya Baboy at bestfriend, ang magbestfriend na baboy forever, BABES… pero ngayon sexy na ako at siya ayon nabiyayaan ng ganda ng katawan.
Wait
wait
wait… lumalapit siya papalapit ng papalapit..
ng papalapit!!!~
*booom~ kruuuuu!
Niyakap niya ako. HUWATTTTTT!
“bakit ngayon ka lang, bat di mo sinabi samin? Kakainis bat kasi ngayon ko lang napansin ikaw pala yan” sabi niya pero ung huling linya hindi ko na masyadong narinig.
“ahhmm.. sa----ggg—lliit.. di akkkoo- maka—hi—nga…” sambit ko sa sobrang yakap niya si ako makapagsalita.
“ ay sorry babes.. naexcite lang ako kasi ang tagal mo nawala, ikaw na talaga yan? Sabi ko na nung nakita pa lang kita ikaw na talaga yun” kumawala siya sa pagkakayap at hinawakan ang balikat ko nakaharap sa kanya.
Sa totoo lang wala siyang sinabi na ako yon.Chosero tong si Hiro ehh, Hahaha pero Masaya talaga ako na nagkakitakita kami ulit.
“Ako nga din nagulat talaga ako nung nakita ko ung maleta ni Arie, ndi ko din napansin na kayo un pano ba naman nagpalit palit kyo ng pangalan at ikaw tinganan mo naman ang payat mo na,” tulak ko sakanya.
“ ganun talaga. At ikaw ang liit liit mo pa din.. hhahah ahh teka bakit Sei ang papakilala mo saamin.” ginulo niya ung buhok ko dating gawi. kinilig naman ako. ^O^
landi landi landi ----> sabi ni Mr.konsensya, to naman ngayon lang...
”ang haba haba kasi ng pangalan ko kaya dun sa nilipatan namin Sie na ang tinawag sakin” sagot ko sakanya nakangiti pa din, di talaga ako makapaniwala sa nagyayari swerte ko..
nakabingwit ko ang dalawa kong bestfriend.
At pumunta na kami sa classroom namin swerte ko ulit, pwede na ako manalo ng lotto!
at klasmate ko tong Hiro babes ko. Si Arie kahit pasaway yon matalino yon at officer sa school, di lang halata, siya sa class A at kami ni Babes ko, uy! Ko daw hahha.. sa Class B dahil transferee ako dito ako, pasaway lang tagala tong si Babes kaya nandito.
Pero punta muna ako sa aking guro, para malaman niya na dumating na ako.. pa-special siya ehh.. pwede naman deretso na! -____-
Hala, kinakabahan ako.. =o
Caly’s POV
“okey class. Good morning. We have our new classmate she is Hanna Isabelle Summer Cruz. Please come in Miss Cruz.” Dada ni Sir. Jimenez
Sir. Jimenez----> isang malaking matangkad matabang lalaki, mabait daw siya sabi niya, palabiro, dami niya alam sa amin... may paka- PAGKACHISMOSO..
Naexcite naman ako, nandito na si babes. Ang saya ko talaga akala ko hindi na siya makikita. Naku wag ninyong gagalitin ang liit na yan amazona yan. Kaya lang…
“wiitweeew.. sir maganda po ba??? Akin na lang???” sigaw nung nasa likod
“haba ng pangngalan ibigsahin maganda yan… “ ung isa sa unahan
“sir… sexxyyy ba??”
“yiiieee” sabi naman nung nasa gitna...
Sigawan nila.
Aistt! Gusto ba nila matanggalan ng baga. Sinamaan ko sila ng tining. mga walang magawa sa buhay.
“easy lang boy!” asar ni Migs
“good morning, im Hanna Isabelle Summer Cruz. Nice to meet you all.” sabi ni Babes inosenteng inosenteng eh. Bakit ganun bihira na siyang ngumiti. Taka ko lang.
“ser.. pwede na pagtiyagaan” hiyaw nung nasa likod.. ahh talaga naman. pwede na ba pumatay???
“kala ko pa naman..” disappointed nilang bulungan.
Tatayo na sana ako para upakan tong mga mokong na to’, ngunit pinigilan ako ni Migs.
Si Migs at Gin ay mga pinsan ko, pinsan ko ang dalawa sa band ng UNKNOWN. Kaya naman tong si Arie di ako lubayan sa UNKNOWN..
“Caly, bat ka ba nagkakaganyan? Gusto mo ba yung bagong saltang yan?” tanong ni Gin.
“siya ung bestfriend ko na matagal nang nawawala.” Sagot ko naman sakanila. nakatingin lang ako kay babes..
“may Bestfriend ka pa pla? Hahhaha akala ko ung makulit na si Ariel lang ehh” sabay apir nung dalawang Angeles na magkapatid. Yong dalawang yon talaga wala nang matinong ginawa.
Dahil madami silang gig sa class B ang buong UNKNOWN.
“babes, dito ka na lang umupo” niyaya ko siya umupo sa tabi ko dahil wala pa din siyang alam dito.
“woow! Babes agad!” pang-asar ni Migs. “hahahha”
“ahh~ hindi” tanggi nitong si Babes.
“hindi,hindi ka pa.. maliwanag pa buwan ohh ‘BABES’ ang tawagan niyo” asar ni Gin, sige lang pagpatuloy niyo lang.. kayo kawawa sa kanya , tingnan lang natin.
“ahh hindi talaga, bestfriend ko lang siya. BESTFRIEND simula pagkabata.” Bawing sagot ni Babes. May pag-Emphasize sa Bestfriend??
Ang laki na nang nagbago dito kay Hanna, dati dati pag may nang-aasar sa kanya, bulway at bara ang matatanggap nila, bakit ngayon ibang-iba siya. Kakapanibago lang.
“tama siya, Bestfriend lang talaga.” Pagkampi ko kay Hanna. Sakit sabihing BESTFRIEND lang, nakahit noon pa Bestfriend lang talaga… ang pinakamasakit na salita na narinig ko sakanya.
Hanna's POV
Buti nalang at may bakante sa tabi nitong si Hiro, kundi may mga jombag na sakin tong mga to' kalalandi... BESTFRIEND nga lang di ba???
Galit na galit ka naman----> MR. Konsensya.. Di naman.. -.-'
nadalihan na ohh~ ung mga ko hindi kilalang nilalalang nadito. UNKNOWN daw? pero may hitsura sila, bakit ganun kulang ata. di bale no pakels.. well well well--- balon balon balon... Sorry Arie masyado ka kasi nagpakatalino… pero wag kang mag-alala sayong sayo na sila. Iyong iyo na, at akin na si Hiro ko. ano daw?
Sa kasalukuyan wala 'PA' naman problema... matiwasay pa ang pananatili ko dito.
merong mayaman, nagmamayaman, at mukhang yayaman pa palang---> ako yon bwahahaha may mga mukhang kulugo, ui! may palaka din pala, may nerd, may mga hitsura, infairness may mukhang tao din, kapre tol ang laki niya... =0 animalistic ang tipo.. may mga mahaharot. lahat na ata ehh.
buti na lang di ako pansinin, liit ko ehh. aminado naman. -.-' di lang yon di naman ako ganun kagandahan UBOD lang. peace tau. pero sabi ng kapatid ni Arie ko na si Casey, maganda ako di lang pansin ng iba yon.
-------------------
natapos na naman ang araw, wala na naman nangyari... Aus na din matiwasay NGUNIT BORING dito sa school na to'!
-Hanna Isabelle Summer Cruz.
BINABASA MO ANG
Troublemaker Meets Heartbreaker
Novela JuvenilEveryone has its own love story. The TROUBLEMAKER at THE HEARTBREAKER pinagsama? paano kaya sila mapapagkonekta ng musika? May matatawag kayang 'SILA'? o isang 'SILANG' malaking disaster? Paano kaya papaikutin ni Kupido ang kapalaran ng dalawa... ...
