Chapter 37

138 3 0
                                    



Chapter 37

~Nathan's Pov~

"I am so disappointed at you"

Unang salita palang ni Valle,bakas sa tono nitong disappointed talaga siya.Nayuko naman ako sa narinig habang nakatingin sa kamao ko.

Ramdam kong naglakad papalapit sa may bintana si Valle.Ako naman ay prenteng nakaupo lang sa couch ng office niya.Hindi ko alam kung bakit ako pinapunta si Valle dito,kung pagsasabihan niya man ako,wala ring mangyayari.Never ko siyang sinunod.

"What do you really need to ask? to talk about?,diretsoin mo na ako,ayokong pinaghihintay Valle"

Dirediretsong saad ko saka itinaas ang ulo ko't sumandig sa pang likuran ng couch.

"Hindi ka parin pala nagbabago,wala ka paring modo"

"Wow,thank you sa compliment ah"

Sarcastikong saad ko saka tumayo't naglalakad lakad sa buong office niya.Hindi parin naman nagbabago,old style parin.

"I wouldn't ask kung anong nangyari sa inyo,the most important is nandito na ulit kayo."

"So? What's your up to?"

Pabalang na tanong ko saka kinuha ang isang figurine na hugis tao,para itong isang pamilya,hugis lalaki yung isa,babae naman sa gilid nito habang hugis baby naman ang bitbit ng dalawang tao.

Kung titignan sa malayo para lang itong kahoy na nadeform dahil narin sa maitim na kulay nito.Pero pagtitignan nang malapitan,makikita mong isa pala itong pigura ng mga tao.Nang iiikot ko na ito,bigla nalang may humablot nito.

"Didn't I tell you a long time ago not to touch anything?"

Madilim ang aura nito kaya hindi ko na siya sinagot sagot pa at bumalik nalang sa pagkakaupo.

"Ano bang gusto mong pagusapan Valle?"

Naramdaman kong naglakad ito papalapit saakin,halos manigas naman ako sa kinauupuan ng dumapo ang mabigat na mga kamay nito saaking balikat saka bumulong.

"I want you to investigate..."

Paunang salita nito,halos manlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya.Matagal nang ibinaon sa limot ang tungkol dun pero ngayon,nakapagtatakang inuungkat nanaman nila ang ma alamat na kwentong iyon.

"The Curse Twin"

*****

~Lipple's Pov~

"Araaay!"

Kaagad nabaling ang tingin namin kay Terrence ng bigla nalang itong sumigaw.Halos mapa hampas naman ako sa ulo nang makitang nadapa lang pala ito.

"What the- Terrence! Magdahan dahan ka nga!,para kang babae sa sobrang lampa!"

Sigaw ni Kyle kay Terrence.Halos manlaki naman ang tenga ko sa narinig,hindi ko na sana sila papakialaman eh...hindi na sana,kaso...SABIHAN BA NAMANG LAMPA ANG MGA BABAE?! ,pwes Not all!

"Sorry!"

"How dare you to insult women's?!"

Nanlilisik na sigaw ko sa kaniya,para naman itong balewala lang na tumingin saakin sabay irap pa.

(°___°)

(−_−#) pigilan niyo ko,masasakal ko tong lalaking to!

"Bwesit!"

Nasabi ko nalang saka ipinagpatuloy ang paglalakad,naramdaman ko naman nakasunod silang dalawa kaya hinayaan ko na lang.

"Ako na ang mag sosorry for Kyle"

"Well...I am not accepting it until he stood in front of me and says it in my face"

Galit na saad saka nagpatuloy sa paglalakad.Narinig ko naman ang pagtakbo nito papalapit kay Kyle at pati ang paghampas nito.

"Magsorry ka nga dun!"

"Why would I?"

"Pag tayo hindi makarating sa Academy,lagot ka sakin"

"Ikaw pa ang may ganang sabihin yah ah"

Hindi ko na sila pinansin pa,para san pa? para marinig ang nakakainsultong salitang lumalabas sa bibig ni Kylito? heh! wag na nuh!.

Sa kalagitnaan nang pagkakad namin,napansin kong parang may kung anong kumakalabit sa paa ko,kamuntikan pa akong matumba nang makitang isang Bipobunny (Baypobani) ang kumakalabit saakin.

Buti na nga lang nasalo ako ni Terrence bago pa ako bumagsak sa lupa.Napahinga naman ako ng malalim bago tumayo.

"Hooo... kamuntikan na iyon ah,thank you Terre-"

Halos manlaki ang mata ko nang makitang hindi pala si Terrence ang nakasalo sakin kundisi.... Kyle.

At dahil sa sobrang taranta,wala sa sariling natulak ko siya at napaatras pero nang maihakbang ko paatras ang isang paa ko,bigla akong natisod dahil nandun parin pala ang Bipobunny.

Halos manigas ako habang hinihintay ang pagbagsak ko sa lupa pero makaraan ang ilang segundo.Wala parin akong maramdaman hangang sa narinig ko ang mahinang pagmura ni Kyle.

Wait... si Kyle nanaman?!

"F*ck,ang hilig mong magpasalo no"

Agad akong napadilat sa narinig,pero agad din akong nanigas nang mapagtantong...isang maling galaw nalang pala...ma...ma... maha.. mahahalik...an niya na ...a...ko.

At that moment,parang huminto ang oras,parang ako lang at siya ang nandirito ngayon sa mundong hindi ko alam.Hindi ko alam kung bakit pero parang siya lang ang tanging nakikita ko.Parang musika rin sa pandinig ko ang bawat pintig ng puso ko,parang sobrang lakas nito.Parang-

"Bipobunny!"

Dahil sa sobrang gulat ,at sa sobrang talas ng reflexes ko,bigla ko nalang kinawit ang mga braso ko sa ulo ni Kyle.Mukhang di yun inasahan ni Kyle dahil,hindi agad ito nakapag react kaya kaya unti unti itong nawalan nang balanse hanggang sa...

*blaaag!*

Dilat na dilat at hindi makapaniwala ang tanging rumihistro sa mukha ko,pati narin sa kanya,nang mapagtanto naming...
.
.
.
Aksidente kaming nagkahalikan.

***
EndOfChapter 37

A/n:HOHOHO! hindi ako marunong magpakilig! hahaha! Epic siya praaamis! XD.

The 'HALF' Blood PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon