Chapter 39 (real)

160 3 0
                                    

(A/n: wooooaaah! I kennot believe it! I kennot! XD, umabot na pala ako sa Chaper 39?!, tapos 40 na pagkatapos nito?,HAHA! great job Shyll! pagpatuloy mo yang kasipagan ah! haha!, wala pa po kasing school activities kaya ganun (-3-),anyways...keep reading guys! love you all! ;">)

---

Chapter 39

~Michelle's Pov~

"Mimi..."

Isang mahina at mahinhing tinig ang narinig ko mula sa malayo.Pinilit kong buksan ang mga mata ko pero sadyang mahina ang katawan at pati ang mga pilik mata ko'y hindi ko maigalaw.

"Don't let them invade you...Michelle"

May halong pagaalala at medyo lumalakas na ang boses nito pero still...hindi ko parin maimulat ang mga mata ko.

"Don't open your door when they knock at you"

Nagmamakaawang boses nito at sinundan ng mahinang paghikbi.

"Don't let them eat you"

"Riri..."

"Please...I don't wanna be alone....again,when the time come"
.
.
.
"I will come back"
.
.
.
.
.

----

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko dahil sa sobrang liwanag na nagmula sa kung saan at ingay ng mga taong nakapalibot saakin.

"Gising na si Michelle!"

Rinig kong sambit ng isang pamilyar natinig.Nasundan ito ng iba't ibang reaksyon hangang sa maramdaman ko ang paglapit nila saakin.

"Michelle?"

Nang tuluyan kong imulat ang mga mata ko,unang bumugad saakin ang mukha ni Szannine.Maluha luha pa itong tumingin saakin bago ako yinapos ng yakap.

"Buhay ka!"

She exclaimed as she jump in joy,happily.Nakarinig ako ng mahinang pag 'tsk' kaya agad kong nilingon kung sino ito.

"Ka OAhan"

Sabay irap ni Maki kay Szannine.Oo,si Maki nga ay nasa kwartong ito,at napansin kong halos lahat ng 'The Elements' ay nandito rin...maliban nalang kay Nathan.

Mukhang napansin ni Szannine ang biglang pananahimik ko at bigla itong napatingin sa paligid bago bumaling saakin na may nakakalokong ngite sa labi.

"Hinahanap mo si Fafa Nathan?"

She giggled as she teasingly tap my shoulder.Nakaramdam ko nang paginit ng pisnge kaya agad akong umiwas ng tingin at bumaling kay Shanna na nakangite rin at tila may pinapahiwatig.

"Anong ginagawa ko dito?"

Tanong ko sa kanila pero nakay Shanna ang tingin.Sandali'y humawak si Shanna sa kamay ko at ikinulong sa mga kamay niya saka bumitaw at ikinumpas ang kamay para makuha ang mansanas na nasa lamesa.

"Nahimatay ka sa RestRoom,at halos tatlong oras ka nang tulog"

Si Maki ang sumagot,maya maya'y lumapit saakin si Shanna at ibinigay saakin ang buong mansanas.

"Mabuti nalang talaga't napadaan si Nathan sa may Restroom,kung hindi baka hindi ka agad maagapan"

Saad ni Shanna saka hiniwa ang mansanas na nasa kamay ko gamit ang kanyang air blade.

"Si Nathan?"

Takang tanong ko nang mabanggit niya ang pangalan ng Beast na yun.Pano naman narating ang beast na yun,doon?.

Napaangat naman ang tingin ni Shanna saakin habang nakangisi ito ng malaki.

"Bakit?"

Kunot noong tanong ko sa kanya,pero umiling lang ito saka umupo sa tabi ni Maki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 'HALF' Blood PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon