Chapter 34

234 7 0
                                    


(a/n: see the picture of Shanna Jamonier :D )

~Michelle's Pov~

"Aalis ka na ba talaga baby Mitchiey ko?"

Teary eyes na tanong ni Mamita habang yakap yakap ako.Sikreto naman akong napa irap sabay himas ng likod nito,kanina pa ito eh,aalis na sana kami pero bigla nalang ako nitong pipigilan kaya heto kami,hindi pa nakaka alis, bagot na bagot na nga ang mukha ni Nathan eh,si Shanna at Maki naman mukhang inaantok na,hapon narin kasi at malayo layo pa ata siguro ang byahe nila.

"Mamita,let go...aalis na po kami"

I calmly said,malungkot naman itong napabitaw ng yakap sakin pero nakahawak parin sa mga kamay ko.

"Mamita,kailangan na po talaga naming umalis, medyo matagal na din po kasi kaming nawala sa Academy,panigurado...nagtataka na ang mga tao dun"

Singit naman ni Szannine,mukhang naiinip narin kasi sya,mula kasi nung nagkita kami sa Majo De Academy, pinipilit na nya akong mag Dimension Travel,syempre hindi ko sya sinusunod!,nakakapanghina kasi yun eh.

"Mami miss kita Baby Mitch"

Maluha luhang saad ni Mamita saka bumitaw saakin at lumapit kay Dadsie.Umakbay naman dito si Dadsie habang inaalo si Mamita.

"Let go of your granddaughter Miranda-"

"shut up,Edwardo"

Mamita cut him off sabay sikmura sa kanya,halos mapaupo naman si Dadsie sa pamimilipit ng tiyan.Napailing naman ako sa inasta nila sabay lingon sa mga kasamahan ko.

"Ready?"

Tanong ko sa mga kasamahan ko,Nakangiti naman silang tumango sabay sabing.

"Ready"

well maliban nalang sa isa,mukhang malalim ang iniisip nya dahil nakatungo lang ito at nakatulala.

"Venus?"

Tawag ko sa kanya,tila natauhan naman ito at napatingin saamin.Ngumiti ito ng pilit at saka dahan dahang tumango.

"R-Ready..."

Saad nito.Nginitian ko naman ito sabay gesture sa kanilang mas lumapit pa sa isa't isa.Kita kong nagbungguan ang nga braso ni Venus at Shanna,nagkatinginan sila pero si Shanna na ang unang umiwas ng tingin.

"Ok guys,closer!"

Nilakasan ko talaga ang boses ko para marinig nila.Mas nagkadikit naman sina Venus at Shanna dahil pareho silang na tabing si Szannine at Makino.Sikreto akong napangisi ng mas nagkalapit pa ang dalawa.

Sana naman magkabati na sila...

"Sinadya mo no"

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng bigla nalang may nagsalita sa gilid ko.This time hindi ko na talaga napigiling umirap...tss.... papansing frog.

"Tumahimik ka"

Banta ko sa kanya tsaka sya pinandilatan ng mata,pero imbis na matakot,tumawa lang ito ng mahina at biglang inilapit ang mukha saakin,hindi ko alam pero bigla nalang akong napapikit.

Nahigit ko na ata lahat ng hanging nasa lungs ko ng bigla itong tumawa ng mahina malapit sa tenga.

"Thank you..."

he said,I was about to say ' your welcome 'ng bigla nalang ito muling nagsalita.

"-Ang cute mong pumikit,na te tempt tuloy ako"

He said,I hissed on what I've heard at malakas na kinalmot ang mukha nya sabay tapak ng paa nya.Nagtatatalon naman ito habang nakahawak sa mukha nya.

The 'HALF' Blood PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon