Chapter 20

478 14 3
                                    

Nakapalibot ang kulay na light green at light shade ng light blue sa loob ng simbahan. Nakatayo sa kaliwang parte ng simbahan ang mga choir. At nakarolyo ang pulang carpet sa gitna ng simbahan.

Matatanaw ang isang lalaki sa unahan ng simbahan. Nakasuot ito ng napakagandang Amerincana at may bowtie na kulay light blue.

"Brad. Natatae ka ba?" Tanong ni Billy sa kaibigang kanina pa hindi mapakali

"Brad kinakabahan ako e. Enebe never ke nemen neesep ne megpepekesel eke. Ang iniisip ko kasi ako yung lalakad sa red carpet habang may hawak na bouquet." Sabi ni Vice at humarap sa kaibigan

"Tumigil ka nga. Ikakasal ka na nga feeling babae ka pa rin" Biro no Billy at pinaharap si Vice sa mga tao "Oh ayan na. Malapit na ang bride mo."

Nagsimula nang patugtugin ang Instrumental ng BUKO. Nakasarado ang malaking pinto sa harapan ng simbahan.

Sa kalagitnaan ng pagtugtog ng musika ay dahan dahang binuksan ang malaking pintuan hudyat na papasok na s Karylle. Hindi agad ito masyadong makita dahil sa liwanag na nasa likod nya. Nagsaradong muli ang malaking pinto at nakita ang babaeng mukhang anghel na naglalakad sa harapan ng dambana.

Napapunas ng luha si Vice habang tinititigan ang magiging asawa nya. Nagpalakpakan sa tuwa ang mga tao. Sa gitna ng dambana ay lumapit ang mga magulang ni Karylle sakanya.

"Masayang masaya kami para sayo anak" Bulong ni Zsazsa na sinang-ayunan ni Dr. Modesto.

Nakarating sila sa unahan ng simbahan at ibinigay ang kamay ni Karylle kay Vice. "Subukan mong paiyakin ang anak ko. Ako mismo ang bubugbog sayo." Biro ni Dr. M

"Hinding hindi ko po gagawin yun Dad. Baka nga po ako pa ang umiyak e." Nagtawanan na lang sila at bumaba na ang mga magulang ni Karylle.

Nagsimula ang pagkakasal kay Vice at Karylle. Muli ay nagtanong ang pari.

"Inuulit ko po. May tutol ba sa kasalang ito?" Tanong ng pari

Nagbukas ang main entrance ng simbahan at hingal na hingal na pumasok si......

"Yael?!" Bulungan ng mga taong naroroon.

Hindi sila pinansin ni Yael at nakayukong naglakad sa upuan at tumayo ng maayos habang nginingitian ang dalawang ikinakasal. Nagtanong muli ang pari

"May tutol ba sa kasalang ito?"

Walang nagsalita. Napangiti ang mga tao sa loob. Akala nila ay pipigilan ni Yael ang kasal.

Oras na para sa vows ng dalawa.

"Since ayoko nang patagalin pa to." Ngmiti ng nakakaloko si Vice at nagtawanan ang mga tao sa loob ng simbahan. "Ang gusto ko lang sabihin sayo Ana Karylle Tatlonghari ay mahal na mahal kita at hinding hindi kita sasaktan kailan man. With all of my heart and all of my soul. Sasabihin ko at isisigaw ko sa buong mundo kung gaano ko kamahal ang babaeng sinasabihan ko nito. ILOVEYOU ANA KARYLLE"

Napaluha si Karylle sa sinabi ni Vice. Turn naman nya upang magsabi ng vow.

"At first. I never thought I would fall inlove with you. Kasi mas makapal ka pa mag make up sakin and super kapal lagi ng lipstick mo. But then we cant control our feelings when we are in love. Minahal kita sa kung ano ka at mamahalin kita kahit ano ka pa. I REALLY REALLY LOVE YOU JOSE MARIE VICERAL."

Nagpatuloy ang kasal ng dalawa. Oras na ng pagpapalitan ng singsing.

"Tanggapin mo ang singsing na ito bilang patunay ng walang hanggang pagmamahal ko saiyo" wika ni Vice at nilagay ang singsing sa saliri ni Karylle gayundin naman ang ginawa ni Karylle

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Her Go | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon