Chapter 12

1K 37 4
                                    

Kinabukasan ay hindi mapagtabi si Yael at Karylle. Habang kumakain ng breakfast katabi ni Karylle si Anne si Yael naman ay katabi si Teddy at Jugs.

"Guys may joke ako." Anne said at sumubo ng salad na nasa plato nya

"Siguraduhin mo lang na havey yan Anne ha?" Sabi ni Billy

"Of course! Haha! Hmm.. Anong sabi ni nemo sa mga isda?"

"Osige na. Ano?" Sagot ni Vhong habang kumakain ng hotdog

"Anong nemo?" Anne burst out laughing. Nakisama rin sa pagtawa ng girlfriend nya si Erwan.

The rest ay nag shrug na lang at natawa sa kawaleyan ni Anne.

"What the heck? Isn't it funny?!" Sigaw ni Anne

"Aww. That's so funny mon amour. Haha!!" Sabi ni Erwan at niyakap si Anne

Anne looked at Vice na busy lang sa pagkain. Akala nya ay pagttripan sya nito dahil sa waley nyang joke pero hindi. Nakayuko lang itong kumakain. She then looked at Karylle at her right at nakitang busy ito sa paglalaro ng hotdog sa plato nya.

"May kailangan ba kaming malaman?" She asked Karylle

Napatingin si Karylle sa direksyon ni Yael na nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay tumingin saglit kay Vice.

"Nothing.." She lied.

"Oh come on Karylle. You're not good at lying." Pang uusisa pa rin ni Anne

"Pwede ba Anne? Wala nga diba? Bakit ba ang kulit mo?" Sabi ni Vice tsaka ng walk out sa dining area

Nagkatinginan ang mga magkakaibigan. "Hindi naman sya yung tinatanong.. Masyado si yokaba" Anne said at nag cross arms

~

After what happened sa dining area they found Vice na nasa ilalim ng puno at nakahiga.

Lumapit sa kanya si Liz at tinapik ito sa balikat.

"May problema ba?" tanong ni Vice at umayos ng upo

"Ikaw? May problema ka ba?" Pagbabalik na tanong ni Liz. Vice sighed.

"Sorry kanina ah?"

"Diba sabi ko ayos na? Ang kulit mo" Natatawang sagot ni Liz

"Dapat kasi hindi ko na kinausap si K" Napayuko si Vice sa dahil hiyang hiya sya sa nagawa nya.

Liz held his cheek to make him look up at her "Tama na ok?"

"I'm so~"

"Diba sabi ko tama na? Kailangan pa ba in english?"

"Liz kasi nahihiya na ko sayo.. Nanliligaw ako tapos.."

"Ako naman yung umamin sayo e. Kaya ka nanligaw. Vice naaawa ka ba sakin?"

"H~hindi! Ano ba namang tanong yan?"

"Vice kung si K pa rin ready naman akong tanggapin na hindi talaga ako. Pero bakit nililigawan mo ko?"

"Gulong gulo na rin ako Liz.. Sorry ha?"

"Ayoko naman maging rebound lang Vice."

"Liz hindi. Hinding hindi ko gagawin yan sayo.." He moved forward para yakapin si Liz

"Ayokong masaktan Vice"

"Ayoko rin makasakit Liz. Siguro dapat itigil muna natin to bago pa may masaktan.." Sabi ni Vice kahit naman anong gawin nya ayaw nya pa rin masaktan si Liz. Ayaw nya itong gamitin para lang makalimutan ang nararamdaman nya kay K.

Let Her Go | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon