Chapter 8

1K 33 1
                                    

Karylle locked her dressing room pagkatapos magwalk out sa lounge. Umupo sya sa couch at hinawakan ang ulo nya.

Ano bang ginagawa ko? Bakit nagseselos ako? Hindi ko sya gusto e. Hindi. Kasi kung gusto ko sya dapat hindi ko pinakasalan si Yael. Sana iniwan ko si Yael sa kasal at sumama kay Vice nung umamin sya sakin.

"Can I ask you out sa monday? After showtime sana?" She said sarcastically. Naalala nya yung ginawa sakanya dati ni Vice. Ganun din yung pagkakasabi ni Vice pero personal hindi through text.

He's asking me for a date though alam nya na kami pa ni Yael. Bakit ba kasi hindi agad sya umamin? Nung kasal ko pa sya umamin. Syempre natatakot ako kung sasama ako sakanya. Ano na lang sasabihin ng mga tao? Pero bakit ngayon nagsisisi ako sa ginawa ko? Bakit ang manhid ko noon?!

Flashback

Nasa dressing room si Karylle ng may kumatok sa pintuan.

"Pasok" She said without giving any attention sa pumasok

"Hi Kurba!"

She looked at him. "Bakit?"

"Waley lang. Gusto ko lang makita ka. Haha!" He said at sumalampak sa sofa

"Baliw ka talaga Vice Ganda"

"Vice Ganda talaga? Sa suot kong to?" Vice said at tinuro ang suot nya.

He's wearin' plain black shirt , ripped jeans and jeremy scott may suot rin syang dogtag that compliments his shirt.

"That's your usual attire Vicey" Tumabi sya kay Vice sa sofa at inayos ulit ang gamit nya.

"E pano to?" Sabi ni Vice na tumuturo naman sa mukha nya

She looked up at him at natawa "What about your face?"

Napahinga ng malalim si Vice at yumuko "Walaaaa.."

Karylle just shrugged her shoulder at bumalik sa ginagawa nya. Vice stared at her. Ang manhid naman neto he said to himself still staring at K.

"K?"

"Hmm?"

"Can I ask you out?"

"Saan?"

"Basta! Sama ka na lang sakin" He said at hinawakan ang kamay ni Karylle

K looked down at their hands.

"Tara na Kurba? Huy!" Vice said shaking Karylle and his hand.

Natauhan si Karylle kaya tumayo na sya at nagpahila na lang kay Vice papunta sa parking lot.

They reached an Italian Restaurant.

"Vice ang mahal dito."

"Don't worry ako ang magbabayad. Alam ko namang kuripot ka." He laughed

Hindi na nakipagtalo si Karylle sakanya dahil alam naman nyang talo pa rin sya dito.

They stayed there chatting without knowing what time is it. Karylle looked at her watch habang nagkukwento pa rin si Vice.

"Ten pm?!"

"Bakit?" Vice asked

"Vice lagot na ko kay Mama. My curfew is nine in the evening."

"Tara na? Hatid na kita" Vice opened his wallet at nilagyan ng pera yung plate nila tsaka umalis at inihatid si Karylle. Sya rin ang nagpaliwanag kay Miss Z kung bakit ito nalate.

Let Her Go | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon