I closed my eyes. Naalala ko na naman yung usapan at ganap sa kasal nya kahapon. Umamin ako sakanya pero huli na.
"Karylle mahal kita. Minahal kita." I looked at her. She looked so confused. "Pero alam ko huli na lahat. Ang tanga ko kasi e. Ngayon pa ko umamin kung kelan ilang oras na lang. Mrs Yuzon ka na."
"Vice. Ano bang pinagsasabi mo? Joke na naman ba to?" She looked around as if naghahanap ng mga camera
"No Karylle. Hindi.. Mahal na mahal kita. Pero nakikita kong masaya ka sakanya. I'm letting you go" Tears started running down on my eyes. Ang sakit. Masakit isipin na ikakasal na yung taong nagpabago saken
"Vice pwede ba? Nababaliw ka na ba ha?!"
Lumapit ako sakanya at niyakap sya. "Subukan lang nyang saktan ka. Ako ang makakalaban nya. Congrats Kurba." Nag pull away na ko sa pagkakayakap sa kanya at naglakad na pabalik sa simbahan.
~~
"Hoy. Akala ko ba tinigil mo na yang paninigarilyo mo?!" Sigaw saken ni Billy. Nasa likod kami ng simbahan. Tinitigan ko lang sya. Kukuha pa sana ko ulit ng sigarilyo pero kinuha nya yun saken at tinapakan.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko sakanya
"Ikaw!? Anong problema mo?!"
Napayuko ako "Umamin ako sakanya. Alam kong huli na. Ang sakit bestie. Akala ko may pag asa. Wala pala" Nag uunahan na naman tumulo yung luha ko. Kainis. Umupo sya sa tabi ko tsaka tinapik ang balikat ko.
"Alam kong masakit. Pero masaya sya kay Yael e. Let's be happy for her. Matagal na nya tong iniintay."
"Masaya ko para sakanya. Masayang masaya." I said in between my sob.
"Tara na. Magsisimula na" Tumayo na si Billy at inayos ang suit nya.
"Mauna ka na. Susunod na lang ako" Tumayo na ko at pumunta sa CR.
~~
"I now pronounce you husband and wife! Yael. You may now kiss the bride"
Hindi ko na kaya. Lumabas ako sa simbahan dumiretso ako sa kotse ko. Ipinikit ko ang mata ko.
"Meme. Hinahanap ka nila direk. Picture daw kayo"
"Susunod na ko."
~~~
Nandito naman ako sa reception. Looking at Karylle and Yael. Ang saya nila.
"Omygee sis! They're so cute!!" Sabi ni Anne while looking at Karylle and Yael's kiss.
"Yeah."
Umalis ako sa tabi nya at lumapit kay Miss Z at Dr. M at nag bye na. Di ko na kaya. "Tito. Tita. Mauna na po ako."
"Ow? Why? Bakit ang bilis naman Vice?" Tita asked
"Masama po kasi pakiramdam ko e."
"Ay. O sige. Teka. Di ka ba magpapa alam kay K?" Tanong naman ni Dr. M "Halika. Samahan na kita."
Habang papalapit ako sakanya. Bumibilis ang tibok ng puso ko. May mga guests na nagpapa picture sakanila.
"K. Anak." Dr.M said
"Yes Pa?"
"Aalis na si Vice. Masama daw ang pakiramdam nya. Nagpaalam sya samin. And I said magpaalam sya sayo before going. Sige anak. May kakausapin lang ako" On that note. Umalis na si Dr. M . Si Yael naman ay pumunta sa ibang guests at in entertain ang mga ito.
"I'm going. Congrats K. Best wishes"
"Vice. We're still friends right? May ViceRylle pa rin?" She said. She force a smile
"Oo naman. Sige K. Alis na ko" Nag beso na kami. It's so awkward.
~~~
Nakatingin lang ako sa ceiling ng kwarto ko. Naramdaman ko na naman yung luha sa mukha ko.
"Masaya sya. Dapat masaya din ako."
Pinunasan ko ang luha ko tsaka tumayo sa kama. At pumunta sa kusina. I saw Buern and Archie na kumakain ng piattos
"Meme. Ok ka na ba?" Buern asked
Nginitian ko lang sila at dumiretso sa fridge para kumuha ng beer.
"May sakit ka diba? Bakit ka iinom?" Tanong naman ni Archie
"Eto lang ata gamot sa sakit ng puso e"
Namula naman si Archie. Alam din kasi nila na may gusto ko kay K. At alam din nilang umamin ako kanina.
"Akyat na ko"
~~
A/N: WAAAAAAHHHH!!! HAHAHA!! Di ko po alam kung bakit trip ko na naman gumawa ng story. XD
Parang mas bet ko to e. Haha! I'll try to update sa isang story. Kung may magbabasa pa? Hahaha!!