Chapter 7

1K 29 2
                                    

"...Vice , I- i love you.."

"Ano?"

"Mahal kita Vice. Nung una hindi ko alam kung bakit. Bakit kita nagustuhan e bakla ka noon. Pero nung nalaman ko na may gusto ka kay K. Nagkaroon ng hope yung puso ko. Vice I love you.."

"Nababaliw ka na ba Liz?" Vice asked at lumayo ng konti kay Liz

"Siguro?" She said as she grabbed his nape and kissed him hard.

Vice held her arms at inilayo ito sakanya. "Liz ano ba?!"

"I love you. Bakit ba ang manhid mo?"

"Liz.. Umuwi ka muna please."

"Pero Vi~"

"Just get out!" Sigaw ni Vice

Tumayo si Liz at kinuha ang bag nya then umalis na. She slammed the door.

Naiwan naman si Vice na nakaupo sa couch at hinilamos ang mga kamay nya sa mukha nya because of frustration.

~

Nakarating na nang Boracay ang Team Vice pero hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalita si Vice. Lumapit na sakanya si Archie at kinausap ito.

"Meme.."

Archie handed him a cup of red horse. "Bakit?"

"Ang lalim naman ng iniisip mo. Kanina ka pa ah?"

Tumingin sa malayo si Vice at uminom ng konti sa binigay ni Archie "Si Liz kasi.."

"Oh?" Archie asked at uminom ng red horse

"May gusto daw sya sakin" He simply said as he sip at his cup

Muntik nang maibuga ni Archie yung ininom nya kaya napatawa si Vice. Pinunasan ni Archie yung red horse na kumalat sa labi nya at tumingin kay Vice.

"Si Liz?" Hindi makapaniwalang tanong nito

He nodded "Hmm.."

"As in?!"

"Yeah. Kagabi kasi umiiyak ako sakanya.."

"Wait. Let me guess. Dahil na naman ni K?"

"E sya lang naman iniiyakan ko e."

"Hindi rin."

Napalingon si Vice sa kanya. "Pinagsasabi mo? Haha!"

"Si Basketball Player. Haha!"

"Past is past sira. Haha!"

"So. Ano nang gagawin mo? Aba! Ang pogi mong bakla ka. Hahaha! Team Wifey or Team Kurba?"

Napatahimik si Vice sa tanong ni Archie. Ano nga ba? Kaibigan ko si Liz. Mahal ko sya pero hanggang kaibigan lang.. Siguro? Masaya rin naman ako pag kasama sya. Si Karylle may asawa na. Guguluhin ko pa ba sya? Should I give Liz a chance? Should I give us a try?

"Huy Meme! Nganga na lang?"

"Hindi ko alam Archie. Dapat bang bigyan ko si Liz ng chance? Give us a try? What if masaktan kp lang sya?"

"San ka ba masaya? Ano ba desisyon mo?"

"Hindi ko nga alam diba?"

"Kung ako sayo. Bibigyan ko ng chance si Liz. Para naman maka move on ka na kay Karylle no. May asawa na yung tao. Bakit naman kasi nagpadala ka sa mga dates nyo noon. At bakit ba kasi hindi ka agad umamin nung hindi pa nya kasal."

Nagflash sa isip nya yung mga araw na dinedate nya si Karylle kahit alam nya na may boyfriend pa ito. Then naalala

niya yung sinabi ni Liz. Pati yung sinabi ni Vhong nung nasa Guilly's sila.

Let Her Go | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon