"Welcome back Vice Ganda." Bati ni Direk
"Correction Direk. Vice POGI" Vhong said ephasizing the word
"Baliw."
"Hi Sam." Bati ni Direk kay Samantha na naglalaro ng Flappy Bird
"Hi po."
"Kilala mo sya Direk?" Tanong ni Vhong
"Of course. So Vice we need to talk." Sabi ni Direk at pumunta sa opisina nya
"Sam sama ka muna kay Tito Vhong ha?"
"Ok po Dad" She smiled at him
"Vhong kaw muna bahala kay Sam ha?" He tapped Vhong's back at umalis na
~
"Vice... alam mo naman siguro ang nangyari after mong umalis?" Sabi ni Direk
Tumango lang si Vice.
"Natigil ang airing ng GGV. Vice LEAVE yung hiningi mo bakit parang nagresign ka na? Five years?"
"I'm sorry Direk."
"Hindi ganun kadali ang ibalik ka ulit sa Showtime. Hindi rin ganun kadali ang pag air ulit ng GGV."
"Alam ko po Direk"
"Hinahanap ka ng Big Bosses. They gave you a temporary leave pero sumobra naman ata Vice?"
"Sorry po. I promise babawi ako."
"Hinahanap ka ng mga fans mo."
"I'll let them know po kung saan ako nagpunta."
"Bukas ang meeting mo sa Big Bosses. Hmm. Later siguro we'll have dinner."
"Hindi ka na galit Direk? Hehe"
"Lumabas ka na kung ayaw mong magalit talaga ko" Pagbibiro ni Direk at binato ng crumpled paper si Vice.
"I miss you Direk."
Direk gave him a smile bago lumabas si Vice.
~
"Bahay daw ni Kuya Kim ang dinner six pm" Sabi ni Billy na nakaupo sa couch
"Sam.. Can I ask something?" Tanong ni Anne kay Samantha na nakaupo sa lap nya
"Ok po Tita..."
"Tita Anne."
"Ok po Tita Anne.." She said and gave Anne a smile
"When is your birthday?" Tanong ni Anne habang inaayos ang loose strands na buhok ni Sam
"February 15 po"
"Ah. Hmm. Can I ask pa?" Tanong muli ni Anne. Sinaway naman sya ni Billy.
"Sige po. Hehe"
"Who's your... mother?"
Samantha's mouth was about to open nang biglang pumasok si Vice sa lounge.
"Hi Sam!" Bati ni Vice at inspread ang arms nya
Nagtatakbo naman si Sam sa Daddy nya at niyakap ito ng mahigpit."I missed you Dad"
"To naman ilang minuto lang nawala miss na agad. You know them na?" Tinuro ni Vice ang mga hosts sa lounge
"Si Tita Anne, Tito Billy and Tito Vhong po"
"Ahh. Halika dali" Sabi ni Vice at hinawakan ang kamay ng anak.
"Eto si Tito Teddy, Tito Jugs,Tito Eric, Lolo Kim..."
"Huy Vice anong Lolo Kim?"
Nagtawanan naman ang mga kasama nila. "Tito Kim ha baby?" Samantha nodded.