Chapter 13

1K 36 3
                                    

"Omygod!! Is this true?! Nasa airport sya kanina?!" Sigaw ni Anne habang nakatingin sa phone nya at tinitignan ang bawat pictures ni Vice na nagkalat sa Instagram.

"Teka. Ano naman gagawin nya dun? Baka may hinatid lang?" Sabi ni Billy na tinitignan din bawat stolen pictures ni Vice sa airport.

"Imposible. Sya yung may dala ng maleta oh! Katabi nya!!" Sabi naman ni Vhong habang tinuturo yung maleta na nasa tabi ni Vice sa isang picture na nakita nya.

Umupo si Anne sa sofa at nilagay ang phone sa pouch bag nya. "Alam nyo sabi nya sakin nung isang araw. Mamimiss nya ko." She looked up at Vhong and Billy na busy pa rin sa pagtingin sa pictures. Dali dali naman umupo si Vhong sa tabi nya.

"Saan daw pupunta?"

"Sinungaling na bakla yan!" Sabi ni Anne na pinanggigilan ang throw pillow na nasa lap nya

"Anong sabi?" Singit naman ni Billy

"Ang sabi nya 'pag sinabing mamimiss may pupuntahan agad?'" Sabi ni Anne na pilit ginagaya ang pagkakasabi ni Vice

Magsasalita na sana si Vhong nang biglang pumasok sa lounge si Karylle. Umupo ito next to Billy. She raised her eyebrow ng makitang nakatingin lang sakanya sina Billy,Vhong at Anne

"Bakit?" She asked still confused

"Hindi mo pa ba nakikita?" Tanong ni Vhong

"Ang alin?" Sabi ni Karylle na lumingon lingon sa paligid

"Sis! Yung kay Vice!!" Sigaw ni Anne

"About Vice? What happened?"

"Nasa airport sya kanina!" Sigaw ni Billy na pinakita kay Karylle ang mga pictures

"Baka bakasyon ulit?" Sabi ni Karylle na iniscroll bawat pictures na makikita nya.

"Hindi papayag si Direk no! Kakatapos lang natin bigyan ng break." Sabi ni Vhong habang kumukuha ng coffee sa lamesa na katapat nila

"So bakit may mga ganyang pictures?" Tanong ulit ni Karylle

"Let's ask Direk na lang mamaya bago pa sumabog utak ko sa kalokahan nyang yokaba na yaaan!!" Sabi ni Anne na ginugulo ang hair nya dahil sa inis.

~

Nakababa na ng eroplano si Vice. He sighed at tumingin sa langit. Fresh start. Start fresh.

Nakita nya ang kapatid nya na may hawak hawak na banner.

Welcome Back Tutoy/Vice Ganda!!

Natawa na lang sya sa kapatid nya. Lumapit sya dito at niyakap ito ng mahigpit.

"Are you going to kill me Bantutoy?" Tanong nito. Natawa na lang sya at bumitaw sa pagkakayakap kay Emma.

"Bakla ka. Tara na!" Sabi ni Vice na naunang maglakad para makalabas ng airport

"Tutoy you're at the wrong way"

Napalingon sakanya si Vice at nagtatakang tinignan ito. "Bakit?"

"That's the entrance!" Sabi ni Emma at tumingin sa taas na may nakalagay na malaking board at may nakasulat na 'Entrance' napatingin din si Vice at napayuko na lang. Bumalik sya sa kinatatayuan ng kapatid nya.

"Saan ba? Sensya na ha? May jetlag?" Tumawa sya at hinampas ang balikat ni Emma

"Baliw. Tara na nga!" Sabi nito at tinulak palabas si Vice kung saan nagaabang ang kotse ni Emma.

~

"Direk?" Sabi ni Karylle habang papasok sa opisina ni Direk Bobet

"Yes K?" Tanong ni Direk habang inaayos ang mga nagkalat na papel sa desk nya.

Let Her Go | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon