The Exception

1.6K 129 44
                                    

Received some new votes and I think I forgot to thank them, so allow me to thank you supermaxx07 and hoodbuckx for those votes, and siempre sa kabsat kong si ceijhey14 na laging may vote at comment sa bawat chapter ng fanfic ko. :-)

Para sa lahat ng mga kinikilig, kinikilig at kikiligin pa sa tambalang Alden at Yaya Dub. ♥

____________________________________

Chapter 10: The Exception

< Alden's POV >

"Prince Charming."

Dinig na dinig ko iyon kahit na pabulong lang ang pagkakasabi nya. Narito kami ngayon sa part ng garden kung saan tahimik at konti lang ang tao. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya rito samantalang lahat ng tao ay nasa venue kung saan may music, may pagkain, at may inumin.

Hindi ko hilig ang makihalubilo sa mga tao, wala ako sa mood eh. I just want to have my own peace of mind kaya lumayo ako dun. Sakto namang nakita ko ang babaeng bumulong kanina ng 'follow the red polka dot ribbon' na mahuhulog sa hagdan. Patalikod kasi maglakad eh! Kaya bigla akong napatakbo para saluhin sya.

"Ha?" tugon ko sa sinabi nya kanina. Bigla naman itong humingang malalim saka tumayo at umalis mula sa pagkakasalo ko. Inayos ko ang suot kong coat at sya naman ay humarap na sakin.

"Uhm, sabi ko y-yung costume m-mo." turo nya sa suot ko. Tinignan ko ang kabuuan ng damit ko saka ako tumango-tango sa kanya. "T-thank you." nauutal pa rin sya. I must admit, I find her gestures cute.

Ngumiti ako ng bahagya. "You're welcome." matipid na sagot ko. Palinga-linga pa rin sya sa paligid. Mukhang may iniiwasan! "May problema ba, miss?" tanong ko.

Napatingin sya muli sa akin saka umiling at ngumiti ng matipid. "Eh, a-ayoko lang sa ingay."

I studied her in that simple light blue gown. Natatakpan ang mga mata nito ng glittered na maskara pero masasabi kong maganda sya. Kapag may mga ganitong events, lahat ng kababaihan dito pagarbohan ng damit. Ayaw magpatalbog sa isa't isa. But not this girl. Definitely not her.

"Ako rin eh."

"Ha?"

"Sabi ko, ako rin." ulit ko. "Ayoko rin sa maingay kaya umalis ako dun." dugtong ko sabay turo sa mga taong naghihiyawan dahil sa musika.

Bukod dun, ayoko ring ma-interrogate ng mga tao. Alam kong marami na namang gustong sumagap ng chismis lalo na yung mga matatanda. I just want my privacy.

"Dun tayo." turo ko sa isa sa mga bench malapit sa swimming pool. I wasn't demanding her to come with me, pero ang pangit naman kung bigla ko na lang iwan ang isang babae, di ba?

Nagpalipat-lipat ito ng tingin mula sa bench na itinuro ko at sa akin. "Don't worry, miss. Hindi ako masamang tao." I told her and winked.

"HAHAHAHAHA!"

Nangunot ang noo ko ng bahagya sa pagtawa nito. Normally if I tell that to any girl, lahat sila kikiligin eh. Yun bang pipigilan ang paghagikgik at may konting hampas pa sa braso.

Except her.

The way she laughs just makes me want to laugh too. Nakakagaan kasi ng pakiramdam yung tunog ng boses nya habang tumatawa.

"Makatawa wagas?" komento ko habang pinapanood ko sya. I put my finger on my lips while it was resting on my other hand.

Napatigil ito sa pagtawa at inayos muli ang sarili nya. "Lakas kasi maka-Mr. Pogi ng kindat mo." sagot naman nito habang tumatawa kaya napatawa rin ako. "Hay naku, tara na nga!" pag-anyaya nito sa akin at sya na ang naunang maglakad patungo sa upuan, sumunod na lang ako sa kanya.

Karamihan ng mga babaeng nakikilala ko ay tipid tumawa, de numero ang kilos, at hindi masyadong umiimik.

Except her.

She's different. Hindi sya nahihiyang tumawa ng malakas. Hindi sya conscious sa itsura nya. At hindi rin sya takot to speak her mind or to even talk back.

"Uy!" pitik nito sa harap ng mukha ko. "Konting konti na lang matutunaw na ako sa mga titig mo." pang-aasar nya habang tinataas-taas ang mga kilay nya.

Napatawa tuloy ako. "Benta sa'kin yan ha!"

"Bayad?" Saad nito habang nilalahad pa ang palad nya sa harapan ko. Kunwari namang dumukot ako ng pera sa bulsa ko at ipinatong iyon sa palad nya.

And as soon as I touched her soft hand, I felt electrified. I blinked and pinned my eyes to hers and once again, the sensation that I was feeling a while ago came back. Pakiramdam ko naglaho ang buong mundo at tanging sya lang ang nakikita ko, at yung ngiti nya...

Agad kong binawi ang kamay ko at napatingin na lang sa may pool. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Imposible kasi. Isa pa, ni hindi ko nga kilala kung sino yung nasa likod ng maskarang yun.

"P-pasensya na." sh*t! Bakit ako nauutal? I looked at her and confusion is all over her face. "Baka kasi nawi-wirduhan ka na sa'kin." palusot ko na lang sa kanya at ngumiti.

Tumango sya ng bahagya saka sumagot ng "I'm not worried. Hindi ka naman masamang tao." panggagaya nya sa akin habang pilit nyang pinapalalim ang boses nya at kumindat pa.

"HAHAHAHAHA!"

Grabe! Ibang klase talaga ang trip ng isang 'to. Lahat ng pinakilala sa akin ng mga pinsan ko, ng mamita ko, o kahit pa mga kaibigan ko, sila lang yung tumatawa pero never nila akong pinatawa. Yun bang kahit na sobrang corny na nung sinasabi ko, which is sinasadya ko minsan, tatawa pa rin sila. No one even dared try to make laugh.

"Ang ganda ng dimples mo."

Except her.

Sabi nga nila, "in every rule, there will always be an exception". At siguro nga, sya ang exception sa lahat ng mga babaeng nakilala ko.

to be continued...

*** Votes and Comments are very much appreciated. :-) ***

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon