1 Message Received

1.5K 127 83
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka-recover sa last episode ng ng Kalye Serye. Kinikilig pa rin ako! Hehehe.. :-D

Anyway, naka-receive ako ng bagong vote. Thank you, BhabieYanz, I super appreciate it. :-)

___________________________________

◀ Chapter 16: 1 Message Received ▶

Sunday, 09:43 PM
Sa Kwarto Ni Yaya Dub

Gabing gabi na at hindi pa rin sya makatulog. Malungkot pa rin ito dahil hindi nya nahanap ang isang napaka-importanteng bagay na tanging naiwan ng mommy nya sa kanya. Kanina pa din sya kino-konsola nina Nana Cora, Mhae at ng iba pa pero tila wala talagang epekto ito sa kanya.

Binuksan nito ang laptop at nakita ang isang application na naka-install dun, ang LipTunes. Binuksan nya ito. Naghanap ito ng kanta na ili-lip sync nya. Katabi ng laptop ay ang maskarang isinuot nya sa party.

Mas lalo tuloy niyang inisip kung nasaan na yung bracelet nya at mas lalo nyang namiss ang mommy nya. Kung buhay pa ito, siguro hindi sya ipapakasal ng daddy nya sa lalakeng hindi nya mahal. Kung buhay pa ito, siguro hindi sya naglayas. At kung buhay pa ito, siguro masaya sya.

Pero wala na ang mommy nya at ganun din ang bracelet nya. Sya lang kasi ang sandigan nya, ang kinukuhanan nya ng lakas loob sa bawat problema.

"I am always with you, anak." naalala nya ang sinabi ng ina. Malubha na ang kalagayan nito noon at umiiyak naman sya sa tabi nya. "Dito." dagdag nito habang tinuturo kung nasaan ang puso nya.

Napahawak sya sa kanyang dibdib, napapikit ito habang iniisip ang mommy nya. Gusto nyang mag-upload ng video na para sa mommy nya.

Kinuha nito ang maskara at sinuot, pinili ang kantang napili nya at sinimulan na nyang i-record yun.

For a shield from the storm, ♬
♬ For a friend, for a love ♬
♬ to keep me safe and warm ♬
♬ I turn to you. ♬
♬ For the strength to be strong, ♬
♬ For the will to carry on ♬
♬ For everything you do, ♬
♬ for everything that's true ♬
♬ I turn to you. ♬

And when she was satisfied with the recording, she uploaded it on her account. Pinalitan na nito ang settings at naging mapili sa mga iu-upload nya privately and publicly. Kapag private kasi, yung mga in-accept lang nya ang puedeng makakita ng video na ia-upload nya.

That song was for her mom kaya naman niramdaman nya yung kanta habang nili-lip sync nya ito.

Inalis na nya ang kanyang maskara, isasara na sana ang laptop nya ng biglang may nag-flash na isang notification box.

1 Message Received
From: AlexDenver_02
View | Ignore

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Sunday, 09:56 PM
Veranda - Alden's Room

Tumila na ang ulan at nakapagpalit na si Alden ng pantulog pagkatapos nitong maligo pagdating nya. Naisipan nitong magpahangin na muna sa veranda ng kanyang kwarto.

Kinuha nito ang kanyang laptop para tignan ang email nya at baka may importante itong mensahe regarding their business. Kabubukas pa lamang nito ng kanyang laptop ng biglang may nag-pop na notification box.

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon