Si Yaya At Si BAEker

1.6K 113 30
                                    

Kyaaaaaaaaaaaaaaaah~~♥♥♥
Mula sa "IKAW LANG ANG AKING MAHAL" nauwi agad sa "ENDLESS LOVE"... TNT as in True Na True na ba ang kilig nila para sa isa't isa?? Grabeee!! Pati commercial hinihintay ko na... Kawawa yung teddy bear ko, kung tao to binatukan na siguro ako dahil lagi ko itong nasasakal sa kakiligan ko... Hahaha :-D

Hello sa mga bago kong followers: BhabieYanz & sapphire_925.

Thank you sa mga votes/comments at sa pag-add niyo ng fanfic ko sa reading lists ninyo supermaxx07, truelelei, ceijhey14, RoSeLoVeHeArT & JishaMae28.

Ngayon pa lang gusto ko ng humingi ng sorry sa mababasa niyong ending ng chapter 18. :-) ALDUB YOU PO! ♥

_______________________________

◀ Chapter 18: Si Yaya At Si BAEker ▶

< Maine/Yaya Dub's POV >

Kung may isang bagay akong kinaiinisan ngayon, yun ay ang biglang pagkasira ng payong ko dahil sa lakas ng hangin na sinabayan ng pagbuhos ng napakalakas na ulan! Lamig na lamig na ako sa kinatatayuan ko, tapos eto pa at inaalala ko ang tatlong dosenang cupcakes ni Doktora.

Idagdag din natin na hanggang ngayon nalulungkot ako dahil wala pa rin sa'kin ang bracelet ko. Yung totoo lang ha, nakaka-emo ang panahon!

Heto akooooo
Basang basa sa ulaaaaaan
Walang masisilungaaaaan
Walang malalapitaaaaan

Pramis! Pakiramdam ko it's me against the world. Nakalabas na ako ng BAEkery eh, mas lalo akong mababasa kapag bumalik pa ako. Tsaka ano na lang ang sasabihin ko kung bakit ako bumalik, di ba? Baka pagalitan pa ako kung magdadala ako ng tubig ulan sa loob ng shop eh ang linis-linis pa man din dun, nakakahiya mag-kalat!

'Dios ko, Lord. Help naman dyan, please?' dasal ko sa isip-isip ko.

Grabe! Kung wala 'tong punong 'to, malamang sa malamang basa na ako pati na rin ang tatlong kahong cupcakes na hawak ko.

Anyone, HEEEEEEEELP!

~*~*~*~*~*~*~*~*~

< Alden's POV >

"Hala, kawawa naman sya!" dinig kong sabi ni Tommy, isa sa mga nagta-trabaho sa amin bilang waiter.

"Oo nga, eh!" sagot naman ni Gab.

"Puntahan ko na nga at dalhan ng payong!" saad naman ni Kenneth, akmang paalis na ito mula sa pagkakakumpol nila sa may bintana.

Wala naman na kaming mga customer kaya hinayaan ko silang mag-break na muna. 9 PM usually nagsasara ang shop at 6:30PM pa lang naman, yun nga lang, masyadong malakas ang ulan kaya halos walang pumupunta dito ngayon.

Nandito ako sa counter para tignan ang log book kung ilan ang sales namin today and so far, maganda naman ang resulta.

"Sa locker, may payong akong malaki dun!" dinig ko ulit si Tommy na tinanguan naman ni Kenneth ng napatingin ako sa kanila.

Curiously, I asked them "ano'ng nangyayari?" and they all looked at me na parang gustong mag-unahang magsabi kung ano ang pinag-uusapan nila.

Hindi ko na sila hinintay na magsalita at nilapitan na sila, sumilip ako sa bintana at nakita ko kung sino yung pinag-uusapan nila. Sa di kalayuan, nakita ko si Dub na sumisilong sa ilalim ng malaking puno. Hawak nya sa isang kamay yung tatlong box ng cupcakes na pina-order ni ate Dora at sa kabilang kamay naman yung sirang payong nya.

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon