Uncertainty

1.6K 115 53
                                    

♥ CHAPTER 22: UNCERTAINTY ♥

~* ♥ *~
< Maine/Yaya Dub's POV >

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Alam mo yung kahit may sama ako ng loob, may tampo ako o konting hinanakit dahil sa inasal niya ilang gabi na ang nakalipas pero lahat yun biglang nawala? Ganun kasi yung nararamdaman ko eh.

"H-hi." inilahad nya ang kamay nya. Nakatingin ito sa akin at ako naman? Siempre nakatingin din. Kaso gusto ko na ngang tumingin sa ibang direksyon. Ang guapo nya kasi! Ay, ang landi ah.

"Hi." bati ko rin sa kanya saka sya kinamayan. At ng mahawakan ko ang kamay nya, naramdaman ko na naman ang pagsu-super bass ng puso ko. (>_<) Bakit ba ganito ang epekto nya sakin?

Binawi ko agad yung kamay ko at pinilit ngumiti. Ano ba naman kasi tong pakiramdam na to? Umiwas na nga akong uminom ng kape eh, kahit yung swiss miss na may marshmallows iniwasan ko na rin. Pero bakit ganun din ang epekto nya ng hawakan nya ang kamay ko? Kelangan ba iwasan ko na rin sya? (>_<)

Napasulyap ako sa kanya. Nakapako ang tingin nya sa floor, nakapamulsa yung isang kamay at yung isa naman nasa batok nya.

Ang hirap umiwas sa guapo! Kahit sulyap hindi kaya.

Napaangat ito ng tingin at nagtama ang mga mata namin.

* Dubdubdubdubdubdubdubdub *

PUSO! KALMA, PWEDE? WAG KANG PUMARTY MAG-ISA LALO NA AT WALA NAMANG PARTY MUSIC!

Badtrip! Feeling ko talaga lalabas na yung puso ko at hihiwalay na sa katawang tao ko eh. Sobrang lakas kasi ng pintig ng puso ko. Dapat yata talaga magpa-check up na ako! Sabi ko na nga ba hindi rin magandang sumama dito kay Mhae eh, kaso masisisi ko ba sya kung niyaya sya ng dream guy nya? Haaaaays.

~* ♥ *~
< Alden's POV >

Bakit ba sya umiiwas ng tingin? Galit pa rin ba sya sa'kin? Eh kung OO, Alden? Magso-sorry ka ba? Malamang, magso-sorry talaga ako, di ba? Eh kung magso-sorry ka rin naman pala, bakit hindi mo pa gawin? Ang dami mong arte! Ako pa maarte? Hindi ba puedeng naghahanap lang ng tamang panahon?

Haaaaay. Nababaliw na yata ako at inaaway ko na ang sarili ko! Napahawak ako sa batok ko habang nakapamulsa. Umiwas na rin ako ng tingin sa kanya dahil parang ayaw naman nya akong makita. Kasalanan ko 'to eh!

Napaangat ako ng ulo at nakita ko namang nakatingin sya sakin. I was almost out of words to describe this sudden sensation that resided in my chest. It occupied me like it had been there all along just waiting for the right time to come out.

"Sir?" napakurap ako ng ilang beses as I had to snap my way back to reality. Napalingon ako kay Kenneth who has a quizical look on his face. "Uhm, y-yung phone niyo po."

I looked at my phone that was resting on the table. 1 Missed Call. Kinuha ko iyon para tignan kung sino ang tumawag.

1 Missed Call from Paolo.

And before I could even return the call, bigla na lang nag-appear ang isang pop-up message galing sa kanya.

From: Paolo
Message: Got a lead regarding Cinderella. Meet me at the mansion ASAP.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. May nalaman sya tungkol sa babaeng hinahanap ko? Pero, paano? Napatingin ako sa mga kasama ko sa loob ng shop, nasa counter na pareho sina Mhae at Dub habang inaasikaso naman ni Kenneth ang order nila.

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon