Sa Tamang Panahon

1.9K 103 138
                                    

Sa lahat po ng nagpakita ng concern thru comments and/or private message, thank you very much po. Ingat din po kayo lagi and I hope maganda po lagi ang mga gising niyo. (^_^)

FAST PACED.
UNEDITTED.

Enjoy Reading!

------------ ♥♡♥ - ♥♡♥ - ♥♡♥ ------------

"Hindi nasusukat ang pag-ibig sa tagal ng pagsasama lalo na kung kayo talaga ang naka-tadhana."

♥ CHAPTER 34: SA TAMANG PANAHON ♥

------------ ♥♡♥ - ♥♡♥ - ♥♡♥ ------------

Five days later...

"I'm really sorry, Frankie."

Frankie nodded and forced a smile.

"Well, me cannot do, you know?" malumanay nitong sagot sa dalaga. "There is help of me that needing, you call and I'll be there, okay?"

Tumango si Maine at tumawa silang pareho. "Have a safe trip." she told him at ngumiti naman si Frankie rito.

Kasalukuyan silang nasa lobby ng hotel na tinutuluyan ng mga Arenolli. Tamang tama at kabababa lang din ng mga Rogelios bitbit ang mga bagahe ng mag-lolo.

Sa may parking area ng coche ng mag-lolo ay sina Arnaldo, Doña Nidora at Don Francisco. "I am sorry, amigo." Doña Nidora apologized.

Kahit dismayado si Don Francisco, or Franing as they often call him, ay pinilit nitong intindihin ang sitwasyon. "It's okay, Nidora." he patted the old woman's shoulder saka tumingin kay Arnaldo. "We have to honor the wish of your late daughter, Isadora."

Both Nidora and Arnaldo gave a bitter smile on that note. "Sayang lang dahil maganda sana ang pagme-merge ng ating kumpanya." may halong panghihinayang na saad pa ng matandang Don. Tumingin ito sa gawi ng kanilang mga apo pagkatapos. "I know that Frankie only wants to marry your grand daughter because of his inherritance, pero aaminin ko na gusto ko ang apo mo dahil may delikadesa ito. Marunong rumespeto sa nakatatanda at lahat ay kayang isakripisyo para sa pamilya. Hanga ako sa apo mo, Nidora. Maganda ang pagpapalaki nitong si Arnaldo sa kanya."

"Thank you, Don Franing." was all that Arnaldo could say at ngumiti lang si Nidora dito.

"Hey, lolo! Are the wheels ready for the taking in the airport?" tanong ng apo habang papalapit ito sa kinaroroonan nila.

"Oh, yes!" sagot naman ni Franing sa apo.

Ngumiti si Frankie at bago pa sya pumasok sa sasakyan ay humarap ito kay Arnaldo at Nidora. "Thank you for being hospital persons! I will learning english more!" he told them na ang tinutukoy ay mag-aaral ito ng ingles ng maigi at nagpapasalamat ito sa pagiging hospitable ng pamilya.

"Come back anytime, Frankie." sabi naman sa kanya ni Arnaldo. "You're a family friend now."

Ngumiti ng malapad si Frankie. "I thank you. Bow!" sagot nito at nag-bow talaga. "Me will enter, bye for now!" at pumasok na nga ito ng tuluyan.

"Oh sya, mauuna na kami at baka ma-late kami sa flight namin." pamamaalam naman ni Franing at hindi na sya pinigilan pa ng mga ito.

--- ♥♡♥ ---
Samantala...

Narito naman ngayon sa isang bakanteng lote si Alden kasama ang Mamita Celia nito, ang tita Ruby nya at ang almost-always present na pinsang si Paolo at ang kanilang family lawyer.

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon