With You

2.1K 117 83
                                    

Para sa lahat ng sumusuporta sa fanfic ko. Tuloy ang poreber! :-*

UNEDITTED ♥ Updating via mobile

< ♥ > ♥ < ♥ >

♥ CHAPTER 25: WITH YOU ♥

"Teka, nasan na tayo?"

"Ewan ko! Does it matter?"

"N-not really, but..."

"We need to get away from them and fast!" I saw how worried he was habang nagmamaneho ng mabilis at tinitignan ang itim na coche na sumusunod sa amin from his rearview mirror.

Napalingon ako at napatango na lang ng makita kong malapit na nila kaming maabutan. Ibinalik ko na yung mga mata ko sa daanan and silently prayed na sana matakasan namin sila.

Paano ba kami napunta sa ganitong sitwasyon? Kanina lang ay maayos naman kami ah. Wala pa ngang 30 minutes ng mag-reunite kaming magkapatid at heto, nagkahiwalay ulit kami with mala-fast and furious car racing pang nangyayari.

Akala ko ba RomCom ito? Bakit parang naging action naman na? May kidnapan pang nangyari all in one day! Ang intense! I kennaaaat! (>_<)

~*~*~
FLASHBACK
30 Minutes ago...

Nagpalitan ng tingin sina Mika at Alden, nagtataka kung bakit sa magkaibang pangalan nila ako tinawag. Buko pie na ako! As in mabubuko na yata ang sikreto ko. Ang bilis, samantalang sa teleserye umaabot ng taon bago nagkakabukingan. Where is the hustisya?

Magsasalita na sana si Mika ng biglang pumasok sina Paolo at CJ na parang nakakita ng multo.

"We need to go!" si CJ habang nakatingin sya sa aming magkapatid. "Nasundan tayo ng mga bodyguards ng lola niyo!"

Pagkarinig namin iyon ay nagmadali na kaming umalis sa coffee shop. Hello, heart attack! 5 minutes lang talaga ang pahinga mo. (>_<)

"Gamitin natin ang sasakyan ko!" sabay na saad nina Paolo at Alden saka sila nagpalitan ng tingin.

"Pero nasundan nila kayo!" saad ni Alden.

"At mas kailangan ni ate ang tumakas!" dagdag pa ni Mika.

"AYUN SILA!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa mga Rogelio na ngayon ay bumabalik na sa kanilang sasakyan.

Balisang-balisa na ako at naramdaman ko na lang na may kamay na humatak sa akin. "Let's go!" and without any further ado, sumunod na lang ako sa kanya. Binuksan nya ang pintuan ng sasakyan at ng makasakay na kami ay agad nya itong pinaandar at nagmaneho paalis ng lugar na iyon.

"Mika, are you..." Napatigil ako sa pagsasalita when I saw the vacant seat at the back of his car. Hindi ito yung sinakyan ko kanina. Napalunok ako bago tignan kung sino ang nagmamaneho.

Napalunok ulit ako ng makita ko ang nakasimangot ngunit napaka-guapo nitong mukha. His eyes are pinned on the road.

* Dubdubdubdubdub *

Yung totoo, puso! Kelan ka matututong kumalma? Ganun ba kasarap ang swiss miss na ipinatimpla nitong si Alden kaya ganyan ka na lang kung makapag-react?

Hindi ko na alam kung gaano kami katagal na hinahabol ng mga Rogelio pero sigurado akong wala na kami sa EB Town. Para kaming nasa NLEX sa luwang ng daan. Kung gaano ka-traffic ang EDSA dahil sa dami ng sasakyan ay sya namang ikinaluwang ng kalsadang kinaroroonan namin.

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon