Stranded

1.6K 110 51
                                    

iambravequen21 salamat sa support na pinakita mo sa story kong ito. Natuwa ako sa mga sinabi mo sa comment mo. (^_^)

Ang chapter na ito ay para sa lahat ng matiyagang naghihintay ng update, sa mga patuloy na nagvo-vote at nagco-comment, at sa mga silent readers. Pasensya na kayo at ito lang po ang nakayanan ko.

* U N E D I T T E D *
[ Enjoy Reading ]

NorikoTheGhost

------------ ♥♡♥ - ♥♡♥ - ♥♡♥ ------------

"El amor no se oye, se siente. Por eso no hay que decirlo, hay que demostrarlo."

♥ CHAPTER 32: STRANDED ♥

------------ ♥♡♥ - ♥♡♥ - ♥♡♥ ------------

Ramdam ko ang panghihina ko ng magising ako. Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit unti-unti akong nagkakaroon ng malay. Nararamdaman ko kasi may kung anong malamig na bagay ang dumadampi sa kamay ko, particularly on my wrists. Para itong yelo eh.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Medyo blurred pa ang tingin ko pero sure ako na nakakaaninag ako ng isang pigura ng isang lalaki.

Ilang beses pa akong napakurap dahil feeling ko ay nakakakita ako ng isang aparisyon ng isang anghel na kamukang kamuka ni...

"Alden?"

Napatigil ito sa ginagawa nya dahil sa pagkagulat ng narinig nya akong magsalita. He even put the ice bag on the side table ng makita nyang nagkakamalay na nga ako. Kumurap ulit ako just to make sure.

'Si Alden nga!!!'

Napabangon ako ng di oras at tinusok ko pa ang pisngi nya. Tinignan nya ako na nanlalaki ang mga mata at nakakunot ang noo. Pinisil ko pa nga ang mga balikat nya eh.

Oh, wag kayong ano dyan! Gusto ko lang siguraduhin na authentic 'tong Alden na nakikita ko. Baka kasi dala ng gutom ko kaya siya yung nakikita ko. Mahirap na at baka mamaya maging si chuckie doll 'to bigla!

At hindi pa rin ako nakuntento. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya, nilapit ko ang muka ko na syang ikinagulat naman nya kaya napaatras ito ng kaunti.

Inamoy ko rin sya. Ang bango nya!

Tinignan ko sya sa mata at ganun din ang ginawa nya. Unti-unti kong naramdaman na lumalakas na naman ang pintig ng puso ko hanggang sa tuluyan na itong pumarty-party at hindi pa rin nagta-transform si Alden.

Last na 'to para masiguro kong totoong Alden ang nakikita ko.

Pinisil ko ang mga pisngi nya.

"A-ARRRAAAAAY!"

Nanlaki ang mga mata ko at naluwagan ko ang hawak ko sa pisngi niya. "Halaaa. Totoo ka!"

Napapikit ito at nag-pout habang hawak ang magkabila nitong pisngi. "Bakit, muka ba akong fake?" halos naiiyak nitong tanong sa'kin.

Na-guilty naman tuloy ako. "S-sorry." mahinang sagot ko. "Akala ko kasi likha ka ng imahinasyon ko, malay ko bang dreams do come true pala talaga?" kamot-ulong paliwanag ko.

Bigla namang lumiwanag ang muka nito habang tinitignan ako at halatang nagpipigil ito ng ngiti. May nasabi ba ako?

Yung ngiting kanina pa nya pinipigil ay tuluyan ng kumawala at kitang kita ko na naman ang dimples nya habang naniningkit ang kanyang mga mata. "Dreams do come true pala ah."

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon