His Painful Past

1.5K 117 54
                                    

Honestly, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa chapter na 'to. All I can say right now is:

READ AT YOUR OWN RISK.

~*~ ♥ ~*~ ♥ ~*~ ♥ ~*~

"Kapag nagmahal ka, wag mong ibigay ang lahat. Kailangan magtira ka ng para sa sarili mo dahil kapag dumating ang araw na biglang mawala ang taong pinaglaanan mo ng pagmamahal na ito, isasama nito ang puso at kaluluwa mo."
- NorikoTheGhost ©

~* ♥ *~

♥ CHAPTER 20: HIS PAINFUL PAST ♥

Alas ocho y media na ng gabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Alden gave a quick glance to where Dub was standing. Halatang gusto na nitong makauwi. He heaved a sigh. Medyo nagi-guilty ito sa inasal nya. Bigla na lang kasi nyang sinungitan si Dub kanina eh gusto lang namang umuwi ng dalaga.

Nakakainis! Bakit kasi ayaw pang tumila ng ulan? isip ng binata saka bumalik sa munti nitong opisina at nagpatuloy na lang sa ginagawa nitong report.

"Ate, mag-hot choco ka muna." alok naman ni Kenneth habang inaabot sa kanya ang bagong timplang swiss miss na may maliliit na marshmallows na lumulutang diti. Ngumiti naman si Dub sa kanila.

Nakiupo ang tatlong binata sa lamesa na kinauupuan din nito. Lahat sila nakatingin lang sa kanya.

"Ano..." panimula ni Kenneth. Napakamot pa ito ng ulo at halatang kumukuha ng buwelo sa sasabihin. Tinignan lang sya ni Dub at naghintay na magsalita ito. "Ate Dub, pagpasensyahan mo na sana si Sir Alden kanina." nakatungo ito at parang nahihirapang magsalita.

"Oo nga, ate." si Gab naman.

Napabuntong hininga na lamang si Dub sa mga naririnig nya. Sa totoo lang, masama talaga ang loob nito dahil sa inasal ng binata sa kanya. Gusto lang naman nyang magpaalam na uuwi na ito kaya lang ayaw naman syang payagan. Oo nga, sira ang payong nya pero puede naman sigurong hiramin yung payong kanina at ibalik na lang kinabukasan di ba?

"Alam mo ate, mabait naman si Sir Alden eh." saad naman ni Tommy habang tumango naman bilang pagsang-ayon ang mga kasama nito.

Napakunot ng noo si Dub. Yun? Mabait? May mabait bang naninigaw na lang basta? Hindi yun mabait. Masungit puede pa! Hindi pagsang-ayon ng isip nya. Pero kahit pa sabihin nya iyon, alam nyang ipagtatanggol sya ng mga ito. Siempre, boss nila eh!

"Minsan talaga may pagka-masungit sya at meyo suplado lalo na sa mga babae." tila nabasa naman ni Gab ang gusto nitong sabihin kaya napatingin sya dito. "Pero it doesn't mean naman na masama na syang tao." dugtong nito.

Huminga ulit ng malalim si Dub bago tinanong ang gusto nitong malaman. "Bakit nga ba ang sungit ni Sir Alden?"

Nagtinginan lang ang tatlo na tila nag-uusap sa pamamagitan ng palitan ng tingin. Kung may telekinetic powers 'tong mga 'to, gusto na rin ni Dub magkaroon nun para naman mabasa nya ang iniisip nila.

"Hindi sya masungit, ate." ulit ni Tommy.

"Sadyang ayaw lang talaga nya sa ulan. Galit kasi sya dito." dugtong naman ni Gab.

This time, napaangat ng ulo si Dub. Confusion was written all over her face. "Ulan? B-bakit? A-ano bang...m-meron sa ulan?" di nya na napigilang itanong. "A-ano ba ang dahilan kung...kung bakit ganun na lang sya makitungo?"

Marami syang kakilala na takot sa kulog at kidlat, pero taong ayaw at galit sa ulan? Si Alden lang yata ang kilala nyang ganun kaya naman sobrang nacu-curious ito kung bakit. Ikaw ba naman masigawan dahil sa galit ng isang tao sa ulan, hindi ka ba magtataka?

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon