Thinking Out Loud

1.6K 122 56
                                    

Update para sa lahat ng kinikilig at napapatili pa rin kapag napapanood yung replay ng nangyari noong sabado katulad ko. ♥

supermaxx07 salamat sa suporta mo dito sa story ko. :-)

_________________________________________

◀ Chapter 11: Thinking Out Loud ▶

< Maine/Yaya Dub's POV >

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal magka-kwentuhan ni Prince Charming. Nakakatuwa syang kausap. Nakakawala ng kaba.

Pero alam niyo ba? Sa tuwing magtatama ang mga tingin namin, nakakaramdam ako ng kakaiba, yun bang may kung ano'ng kumikiliti sa'kin at kasama ng pagsu-super bass ng puso ko sa lakas ng pintig nito kaya ayun, dinadaan ko na lang sa tawa ang lahat para hindi ko marinig yung puso ko. Feeling ko kasi eh, any moment lulundag na 'to palabas!

Habang tinititigan ko yung mata na, iniisip ko 'ano kaya ang itsura nya kapag wala yung maskara nya?' Sigurado guapo! May dimples eh, kaya guapo!

"Konting konti na lang ipapupulis na talaga kita." saad nito habang nagbibigay ng nakakalokong ngiti. Ayan na naman ang dimples nya eh!

Tinaasan ko sya ng kilay. "Sa ano'ng grounds naman?" pataray na tanong ko sa pabirong paraan.

"Kasi..." he paused and I saw how his smile widened upon saying the next few words. "...kanina ka pa nakaw ng nakaw ng tingin sa'kin!" he said confidently and winked.

Umirap ako. "Akala ko naman dahil ninakaw ko na ang puso mo." I responded and he chuckled in amusement. Kapag naririnig ko yung tawa nya, pakiramdam ko sumasaya rin ako.

TEKA WAAAAAAAAAIITT!!

Normal pa ba ako? Normal pa ba 'tong nararamdaman ko? Itong nangyayari ngayon, normal pa rin ba 'to? Pakisagot nga, please!!

Para kasi akong nananaginip eh.

Parang fairy tale ang nangyayari ngayon.

Parang wala na yata ako sa realidad.

Napatingin ako sa nakangiting labi ng Prince Charming ko at bakas na bakas pa rin ang dimple nya sa pagkakangiti nya.

Ibang klase pala ang epekto ng dimple! Lakas magpa-topak ng tao! At mas lalong ibang klase naman ako, kelan ko pa sya tinuring na Prince Charming KO?

"Kung ice cream lang ako, tunaw na ko sa titig mo."

Parang agad namang nagsi-akyatan ang dugo ko sa buong mukha ko. Pakiramdam ko pulang pula na ako. Mabuti na lang at nakamaskara ako kundi ilulublob ko sa pool yung buong muka ko. Ang init kasi ng pisngi ko. Bwisit na dimple yan!

"Kung facebook status ka, may 5 million likes na yang mga banat mo."

Nagtinginan kami saglit saka natawang pareho sa pinagsasasabi namin sa isa't isa.

Saglit kaming natahimik at parehong tumingala sa langit. Ang gandang pagmasdan lalo na't ang daming stars. I closed my eyes and gently felt the serene breeze caressing my face. At dahil sa katahimikan naming dalawa ngayon, dun ko lang ulit narinig ang musika sa di kalayuan.

And darling, I will be loving you 'till we're seventy.. ♬

Ang sarap siguro ng ganun 'no? Yung magmamahalan kayo ng taong mahal mo hanggang sa pagtanda niyo. Yung papatunayan niyo sa bawat tao that true love exists.

And baby my heart could still fall as hard as 23.. ♪
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways.. ♩

Sabi nga nila, ang pagmamahal hindi yan hinahanap dahil kusa yang dumarating. And when it hits you, it hits you. Dahil ang pagmamahal, hindi yan pinipilit kundi kusang nararamdaman.

Maybe just the touch of a hand.. ♬

Agad naman akong napamulat ng mata. Maybe just the touch of a hand. Tinignan ko ang kamay ko. Ng hawakan nya kasi ako kanina, nakaramdam ako ng kakaibang sensation. Yun bang para akong nakikiliti na hindi ko mawari. Hindi ko ma-explain eh pero iba yung pakiramdam ko kanina... with just the touch of his hand.

Well me, I fall in love with you every single day.. ♪
And I just wanna tell you that I am.. ♬

His eyes was still closed when I looked at him. Maganda na rin siguro yun para hindi na nya ulit ako sabihan na ipapupulis ako dahil sa mga nakaw kong tingin sa kanya.

Kung sya nga puso ko ninanakaw na nya, pero ipinapulis ko ba sya? Hindi naman ah!

Nanlaki agad ang mga mata ko sa isiping yun! H-hindi maari! Imposible yun! Sobrang napaka, as in, grabe, to the highest level ang pagka-imposible nun!

Paano'ng imposible eh kakasabi lang sa kanta na people fall in love in mysterious ways, di ba? Pati kanta ng MYMP sinasabing love moves in mysterious ways at isama mo na rin ang karaniwang definition of love ng mga tao na love is like a rosary that is full of mystery! So ano pa imposible dun, aber?

Mysterious siguro puede pa? Aaayss!!Nababaliw na yata ako dahil sarili kong utak kinakalaban ako!

So honey now, ♬
Take me into your loving arms.. ♪
Kiss me under the light of a thousand stars.. ♩

Kiss me under the light of a thousand stars...

Ngayon ko lang napansin, mamula-mula ang labi nya. Swerte ng babaeng hahalikan nito! Kilig to the bones siguro aabutin nun dahil mukha ring malambot ang lips nya ha. Grabe, nakaka-insecure! May dimples na, soft lips pa. Eh di wow!

Place your head on my beating heart.. ♬
I'm thinking out loud.. ♪

Napaiwas na lang ako ng tingin ng unti-unti nitong iminulat ang mga mata nya. Mamaya kasi ipapulis na talaga nya ako sa mga nakaw kong pagtingin sa kanya...ng matagal! O baka matunaw pa sya sa kinauupuan nya, wala akong dalang pamunas, mahirap na magkalat. May sign pa naman akong nakita kanina na bawal magkalat, ma-penalty pa 'ko ng 'di oras!

"Do you think that..." he started in an almost whisper tone enough for me to hear. Kung gaano nagulat ang puso ko ng unti-unti nitong hawakan ang kamay ko ay walang wala pa yun sa gulat ako nung sinabayan nya ang linya ng kanta habang tinitignan ako derecho sa mata.

"...maybe we found love right where we are?" ♬

________________________

NEXT CHAPTER'S PREVIEW:
"Chasing Midnight"

Habang tumatagal lalong lumalakas ang pagkabog ng puso ko. Feeling ko puma-party 'to kasama ng lungs ko at mukhang bibigay na rin pati ang ribs ko, ang balunbalunan ko, pero sana ang utak ko wag sumuko kundi baka mapasayaw ako dito bigla. Isipin pa nitong si Prince Charming nakatagpo sya ng isang Cinderellang sintu-sinto. *(>_<)*

** Votes & Comments are very much appreciated **

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon