The Abduction

1.5K 115 29
                                    

Sa mga readers ng story ko:

Hello! Sana po patuloy niyo itong subaybayan hanggang sa huli.
Salamat po sa mga nag-add nito sa reading lists nila, pati na rin po sa mga votes and comments na natanggap ko.
Pasensya na at hindi ko po kayo maiisa-isa. :)

Hello din po pala sa mga new followers ko kung binabasa niyo man ito ngayon. :)

At sa aming kapitbahay:
Maraming salamat po sa adobo.
Ano nga po pala ang wifi password niyo? :)

Nangungulit,
NorikoTheGhost

* U N E D I T T E D *
[ Enjoy Reading ]

------------ ♥♡♥ - ♥♡♥ - ♥♡♥ ------------

"We don't meet people by accident.
They are meant to cross our path for a reason."

CHAPTER 31: THE ABDUCTION

------------ ♥♡♥ - ♥♡♥ - ♥♡♥ ------------

Kasalukuyang inaayusan si Maine para sa kanyang prenup photo shoot with Frankie. Narito sila ngayon sa isang resort sa Batanes and Lola Nidora looked very pleased.

Labag sa kalooban ng dalaga ang pagpayag nya sa fixed marriage na ito. Kaya lang naman sya napapayag ay dahil sa tatlong rason: una, pagod na syang takbuhan ang problema nya. Pangalawa, nalulugi na ang La Dulce Vita Italian Restaurant nila at ang pagpapakasal lang kay Frankie ang paraan to save the restaurant that her parents built.

At ang pangatlong rason? Ito na yata ang pinaka-masaklap sa lahat and at the same time, the most lame reason she must have for marrying Frankie na kahit si Mika ay tataasan ka ng kilay at sasabihing "what a stupid reason!"

"Gusto ko syang makalimutan dahil hindi naman kami puede. Ayoko ng kontrahin ang tadhana. Nakakapagod na at ang sakit pa."

Yes. Maine herself have decided to marry Frankie dahil ayaw nitong ipaglaban ang damdaming meron sya for a certain guy she just met during her "paglalayas" days. A guy who made her heart beats so fast sa tuwing magkasama sila -- a feeling that is new and raw.

She have never fallen in love before and if this fast heart beat, difficulty of breathing and sudden redness of cheeks are the signs of falling in love, then Maine has gotten herself her first love -- si Alden.

"Ikaw na kaya magsabi?"

"No, ikaw na!"

"Ikaw na kasi!"

Napalingon si Maine sa dalawang babaeng nagtuturuan habang papalapit sa kinaroroonan nila. Inaayusan sya ngayon ng make up artist ng Ever After who is wearing a mask dahil allergic daw ito sa alikabok.

"Uhm, may problema po ba, Ms. Rhian, Ms. Glaiza?" she asked kindly.

Napatigil ang dalawang dalaga sa pagtuturuan at pagtatalo. Rhian is the assistant wardrobe coordinator while Glaiza is the assistant event's coordinator.

"Ah... eh..." panimula ni Rhian at pareho sila ni Glaiza na napatingin sa mga mata ng make up artist na parang sinasabing sabihin na ang pakay nila kundi lagot sila sa pang-iistorbong ginagawa nila.

Maine just stared at the two habang naghihintay ng sagot. "Eh kasi Ms. Maine tumawag po si Ms. Lanz." tukoy nito sa boss nya at napakamot pa ito ng ulo. "Nagka-problema raw po sa venue. So, lilipat po tayo ng location."

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon