Breaking Free

1.7K 114 38
                                    

Sa mga laging nagvo-vote at nagbibigay ng mga makahulugang comments, nakaka-good vibes po kayo. Pati na rin sa mga bagong followers and readers ng story ko. Salamat po sa appreciation na pinapakita ninyo.

Kahit lately pagod ako at muntik na naman akong ma-hospital, ayos lang dahil may mga good news naman. Tapos nandyan pa kayo na pampa-good vibes. Hehehe

Huuuugs!! \(^__^)/


------------ ♥♡♥ - ♥♡♥ - ♥♡♥ ------------
"Adventure begins when you take yourself out of your comfort zone."

♥ CHAPTER 33: BREAKING FREE ♥

------------ ♥♡♥ - ♥♡♥ - ♥♡♥ ------------

"Ate, sorry na..."

"Insan... bati na tayo!"

"Ate, kausapin mo naman ako."

"Uy, insan... wala namang deadmahan!"

Mika and Paolo were apologizing the day after. Parehong naka-simangot sina Alden at Maine.

Nasa loob pa rin sila ng cottage kung saan nila ni-lock ang dalawa because they were all playing cupids for the two.

"Ate..."

"Insan..."

Wala pa rin. Hindi pa rin sila pinapansin nung dalawa. They remained silent and torture iyon sa kanila. At dahil sa takot, sa labas na lang naghintay si Sam.

Sa totoo lang, hindi naman na galit yung dalawa dahil sa ginawa nila. Handa na nga dapat nilang patawarin ang mga ito sa oras na susunduin sila. Kaya lang kasi, sadyang pasaway talaga ang dalawa!

--- ♥♡♥ ---

< Mikaela's POV >
One hour ago...

Pinarada namin ang sasakyan malapit sa cottage. Nagpaalam ako kay Lola na kunwaring hahanapin ulit si ate pero ang totoo nyan, nakipagkita ako kina kuya Paolo para sunduin sina ate.

"Teka, hindi kaya masyadong maaga pa para sunduin yung dalawa? 24 hours ang sinabi natin, di ba?" tanong ni kuya Paolo.

Oo nga, medyo maaga pa. Pero kasi excited na ako eh! Isa pa, di hamak na mas gusto ko na si kuya Alden para sa ate ko kesa dun sa Frankie na yun.

Basing on what kuya Paolo's story, matagal naman na daw nakalimutan ni kuya Alden ang tungkol sa galit nya sa nangyaring aksidente noon.

Nagulat na nga lang din ako nung na-receive ko ang tawag mula sa kanya asking if I'd be willing to help kuya Alden and ate Maine be together. Aba! Siempre payag ako noh!

Maganda ang ate ko, dapat lang na guapo ang makatuluyan nya and unfortunately, hindi si Frankie yun! Iniisip ko pa lang yung muka nya namamatay na brain cells ko, idagdag mo pa kayabangan nya parang kinulong na ako sa ilalim ng nagyeyelong tubig!

I shook my body para matanggal sya sa utak ko. Ang aga pa para ma-bad vibes ako.

"Oh, anyare sayo?" tanong ni kuya Sam.

Tumingin lang ako sa kanya saka ngumiti ng malapad. "Wala. Hinahanda ko lang yung sarili ko na kiligin sa dalawa. Hehehe."

"Tss. Akala ko naiihi ka na kaya ka nanginginig."

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon