Chapter 2

7.4K 111 2
                                    

Chapter 2

Trinity P.O.V.

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng umalis si xavier at hanggang ngayon hindi parin nya ako tinatawagan o tinetxt man lang.

Wala kaya syang load? Siguro.

Napabuntong-hininga ako sabay simangot.

Ang kuripot talaga nun ang dami nya ngang pera pero 20 pesos lang na pangload wala sya.

Natigil ang pag-iisip ko ng may biglang kumatok sa pinto.

"Come in." Sabi ko at saka bumukas yung pinto at pumasok yung sekretarya ni xavier.

"Good morning ma'am." Bati nito saka ngumiti.

Waaa! Mukha talaga syang manika pagngumingiti. Hihihi!

"Ma'am kailangan nyo po itong pirmahan. ASAP!" Paliwanag nito at saka inilapag yung folder sa harap ko.

Agad ko naman itong binuksan at pahapyaw na binasa ko ang mga nakasulat bago ko ito pirmahan at iabot uli dun sa mukhang manika na sekretarya ni xavier.

"thank you ma'am." Sabi nito pagkabalik ko nung folder na kakatapos ko lang pirmahan saka na sya nagmamadaling umalis.

Dahil nga umalis si xavier kaya ako muna ang mag-isang umaasikaso ng gawain dito sa kompanya. Hay! Naalala ko tuloy yung nag-uumpisa palang ako.

Flashback

Unang araw ko ngayon sa trabaho kaya dapat galingan ko.

Go! Trinity, kaya mo yan F-I-G-H-T-I-N-G!

"Trinity." Tawag sakin xavier habang busy pa rin sa pagpirma.

Agad naman akong lumapit sakanya. "Bakit xav~ este bakit po sir?"

Napatigil ito saglit saka napailing. "tsk!" Kinuha nya saka inabot sakin yung isang folder sa kaliwa nya. "Read that and give me a summarize details."

"aye, aye, captain." Sagot ko saka naglakad na papunta sa desk ko pero bago pa ako makaupo ay agad akong bumalik sa kinaroroonan ni xavier. "computerize ba? O handwritten, xavier?"

Napatigil naman ito saglit saka napatingin sakin na parang may sinabi akong hindi kapanipaniwala. "it's handwritten." Sarcastic at medyo may pagkainis na sabi nya.

Tumango-tango lang ako at agad bumalik sa table ko. Pagkaupo ko palang ay agad ko na itong binasa at ng matapos ko na itong basahin ay agad akong kumuha ng coupon saka ko dun sinulat yung summary na nilalaman nung folder na ibinigay nya sakin.

Aray! Ang sakit na ng leeg at kamay ko. Huhuhuhu! Pero hindi dapat ako sumuko. Kaya ko to! Takot ko lang na maalis sa trabaho 'no!

Nang matapos ko nayung isummary ay nilagyan ko pa iyon ng design. Nagdrawing ako ng mga flower, bunny, butterfly,at iba pang mga hayop at bagay pati pagkain na naiisip ko at pagkatapos kumuha ulit ako ng isang coupon saka ko sinulat ang Trinity's Work with matching lettering at doodle sa paligid nito. Syempre para makumpleto na ang aking wonderful work ay kinulayan ko pa ito.

Hihihi! Ang talino ko talaga di ba?

Nang matapos ako ay agad ko itong pinagsama-sama at inilagay ko ito sa isang folder saka lumapit kay xavier.

"Ito na po." Sabi ko sabay abot sa kanya. Huminto sya sa ginagawa nya saka kinuha yung folder na inabot ko.

Agad namang kumunot ang noo nito pagkabuklat nya ng folder na kaaabot ko sa kanya kaya nakisilip din ako dun at nakita ko na sa mga drawing ko sya nakatingin. "Ganda ng drawing ko di ba?" Masama nya akong tinignan kaya agad akong napaayos ng tayo.

Seducing The Mafia Prince 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon