Chapter 16

3.6K 77 2
                                    

Jersey P.O.V.

Nakikinig lang ako sa kanila habang nag-uusap-usap sila.

"Pwede nating i-spy ulit si Mr. De Noir para makakalap tayo ng kahit anong info sa kung sino ang pwedeng suspect natin sa nangyaring pagbagsak ng eroplano." Suhestiyon ni Minamie.

Kanina pa kasi nila pinag-iisipan kung paano namin nalalaman kung sino ang suspect sa pagbagsak ng eroplano, ang kaso, ilang buwan na namin itong ginagawa pero wala parin kaming makuhang kahit isang detalye. Masyado kasing malinis ang pagkakagawa.

"No use.." Sabi ni Gio kaya napatingin ang lahat sa kanya. "Naalala n'yo ba ang unang subok natin?"

"Wengya, muntik na ngang magalusan ang gwapong mukha ko nun." Singit na sabi ni liam. GGSS ang isang ito.

Simula kasi ng mamatay si trinity ay nagsusulo na si Mr. De Noir, kaya nga ang apat na mga mokong ay umeextra ngayon bilang agent ng R.E.D.S.

Dahil nga sulo flight na si Mr. De Noir ay wala na rin kaming balita sa mga pinaggagagawa niya. Ang hula nga ni Harry ay alam na nito ang tungkol sa mga suspect sa pagbagsak ng eroplano kaya niya pinapasubaybayan si Mr De Noir. Ang kaso masyadong mautak at malakas makatunog si Mr De Noir na sinusundan siya kaya pumalpak ang mga plano namin.

Napatingin naman ako kay Harry na seryoso lang nakikinig ng usapan nila habang katabi naman nito si Dra. Bryant.

Ano na ang gagawin mo ngayon Harry?

"Gehenna Scourge." Napatingin ang lahat nang biglang magsalita si harry.

"What do you mean, harry?" Naguguluhang sabi ni Dra. Bryant.

"Try to dig some informations about her. I once heard De Noir said that name three days before the crash." He seriously said.

"Let me do it." Presinta ni Raine. Ngumisi si Harry sa kanya. "Okay, but.... you will be accompany by jersey and zaide."

What the heck!? Me plus that two person. Ugh, damn it!

Trinity P.O.V.

Ang creepy talaga nung lalaking 'yun kanina pa ito ngiti ng ngiti sakin.

"Kier, pupunta lang ako ng cr." Bulong ko sa katabi ko na busy sa pakikipag-usap sa iba pang mga bisita dito tungkol sa isang business.

"Okay." Walang lingong sabi nito habang busy sa pakikipag-usap.

Agad naman akong tumayo at umalis. Ang totoo n'yan ay hindi naman talaga ako naiihi, palusot ko lang iyon para nakaalis doon. Sobrang creepy kasi nung si Mr Belial. Nakangiti ito sa'kin na parang ineexamine n'ya ang mukha ko.

Teka! Saan nga ba dito 'yung cr?

Naglakad ako sa isang mahabang pasilyo. Nagbabakasakaling may tao akong pwedeng mapagtanungan.

Lumiko ako sa kanan bahagi nang mag-end na ang daan.

Waa! Lagot! Nawawala na ako. Huhuhu.

Napadaan ako sa isang pinto. Binuksan ko ito at tumanbad sa akin ang isang garden.

Ano ba 'yan!? Naliligaw na talaga ako! Huhuhu!Tulong!

Pabalik na sana ako ng 'di sinasadyang mamataan ko ang isang tao na naglakad papasok sa may garden.

Sa pag-aakalang matutulungan n'ya akong makabalik sa may grand hall ay sinundan ko ito.

Habang papalapit ako nang papalapit sa kinaroroonan ng lalaki ay naririnig ko na mukhang may kausap ito.

"You mean, that poor little wife of yours?" Tumawa nang pasarkasmo ang isang lalaki.

"Bastard, let's see, if you still can laugh after i kill you." Kinabahan ako sa boses nung isang lalaking nagsasalita.

Seducing The Mafia Prince 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon