Trinity P.O.V.
Kanina dumating ang family doktor namin at tinignan ang kalagayan ko. Sinabi nito na dahil lang daw sa pagod ang pananakit ng ulo ko at pinayuhan niya rin ako na magpahinga na lang muna ngayong araw.
Matapos niya akong matignan ay niyaya niyang lumabas ng kwarto si Butler shin. Hindi ko alam pero bigla akong kinutuban sa mga kinikilos nilang dalawa. Why, do i have this feeling na parang hindi lang dahil sa pagod ang dahilan ng pananakit ng ulo ko.
Ang daming tanong sa utak ko na gusto kung masagot. Pero wala namang kahit sino ang gustong sumagot sa mga ito kahit na si kier.
Makalipas ang ilang oras ay pumasok si butler shin sa may kwaryo namin ni kier na may dalang pagkain saka gamot na nireseta daw ng family doktor namin.
Pinakain niya muna ako bago pinainom ng kung ano mang gamot na reseta daw ng family doktor saka iniwan nya na akong mag-isa para daw makapagpahinga ako.
Pagkalabas niya ay tanging pagtitig lang sa kisame ang ginawa ko habang nag-iisip ng mga kasagutan sa mga tanong ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig sa kisame bago ako tuluyang makatulog.
Sa panaginip ko, nasa loob ako ng isang simbahan. Nakadamit ako ng pangkasal at nakangiting naglalakad patungong altar. Nakangiti ng malapad ang mga tao habang pinapanood nila akong sumapit sa altar.
Nang makarating ako ng altar ay kinuha nung lalaki ang kamay ko at marahan nito iyong hinalikan.
"I'll always love you, wife" Sabi ng lalaking blurred ang mukha. Hindi ko man maaninag ang mukha nito ay alam kung hindi siya si Rykier. Nang iginaya niya ako sa altar ay biglang nagbago ang paligid.
Nasa isa na akong kwarto habang nakapin ang dalawang kamay ko sa may kama at may nakasakal sa leeg ko habang nakakubabaw sakin. Tulad kanina ay hindi nakita ang mukha nito dahil nakablur. "Surprise!"
Bigla na namang dumilim ang paligid at nang bumalik uli ito sa dati ay nasa isa na akong mall kasama yung lalaking may blurred na mukha.
Masaya kaming naglilibot ng boung mall habang magkahawak ang kamay.
Halos matawa ako sa sumunod na nangyari. Sa scene kasi na ito ay todo ang ginagawa kong pamimilit dun sa may lalaki na sumali sa isang game na hindi ko malaman kung ano.
Ang sumunod naman na eksena ay nasa isa akong opisina. Mukha akong frustrated sa kung ano man ng biglang pumasok 'yung lalaking may blurred na mukha at binuhat ako palabas ng opisina habang nagpapapasag ako.
Sa isang kurap mata ay napalitan ang eksena kung kanina ay naaaliw ako sa napapanood ko ngyon ay parang gusto ko ng maluha sa nakikita ko. Although, nakablur 'yung mukha ng lalaki ay kita ang pagpatak ng mga luha nito sa sahig. It's looks like the man was really in pain.
Seeing that man, whoever he is, cried broke my heart. It feels like someone is stabbing me in the chest. Sa bawat pagluha ng lalaki ay napapaiyak din ako. Like, what the hell is happening!?
Nagising ako sa tatlong katok mula sa may pinto. Dahan-dahan akong bumangon at bumaba ng kama upang buksan ang pinto. "May kailangan po ba kayo, butler shin?" Tanong ko habang kinukusot ang aking mga mata.
"Mukhang naistorbo ko pi ang inyong pagtulog Ma'am dianne. Ipagpaumanhin niyo po sana ang aking paggsing sa inyo." Magalang na sabi nito.
"A, hindi naman po." Bahagya ko siyang nginitian. Mukhang nagulat naman ang matanda sa inakto ko. "Ano po ba ang sasabihin nyo?"
"Nais ko lang po sanang ipabatid sa inyo na nasa ibaba na ang mga kinuha ni Master Rykier upang kayo ay ayusan."
"A, sige po susunod nalang po ako pagkatapos kung ayusin ang sarili ko." Magalang na sabi ko sa matanda na bahagyang tumango bago umalis.
Pagkaalis nito ay agad kung sinarado ang pinto at pumunta sa bathroom para magtoothbrush at maligo na.
Habang pumapatak ang tubig sa katawan ko ay iniisip ko parin ang napanaginipan ko.
Sino kaya ang lalaking iyon? Bakit ganon na lang ang naramdaman ko ng makita ko siyang umiiyak? At tungkol saan ang panaginip kung iyon? Mas lalong nadagdagan ang mga tanong sa utak ko kaya mas lalo akong nainis sa sarili ko dahil feeling ko napakawalang-kwenta ko.
Ni hindi ko na nga maalala ang asawa ko, pati nakaraan ko at ngayon naman ang sarili ko hindi ko na nakilala sa sobrang gulo ng lahat.
Nang matapos ako ay nagsuot lang ako blouse at short saka na bumaba. Naabutan ko ang mga bisita sa may sala at masayang nagkwekwentuhan.
"Pasensya na kung natagalan ang paghihintay niyo sakin." Sabi ko ng medyo malapit na ako sa kinaroroonan nila.
Natigil sa pag-uusap iyong dalawang babae na mukhang kakatapos lang nagmeryenda at napaharap sakin. "Ay, andiyan na pala kayo, ma'am dianne, magandang hapon po sa inyo." Bati sa akin nung isang babae.
"Magandang hapon po, ma'am. Wala po iyon." Wika naman nung isa na mukhang kataunan ko pa.
"Ano? Magsisimula na ba tayo?" Tanong ko. "A, opo, ma'am."
Iginiya nila ako sa harap ng isang malaking salamin at doon pinaupo habang sinisimulan na nila akong ayusan. Ang isa ay 'yong buhok ko ang kanyang inasikaso habang ang isa ay minamanicure nito ang kamay ko.
Mga ilang oras rin ang inabot nila bago nila ako matapos ayusan. Nakapusod ang buhok ko habang may ilang buhok ang natirang nakalugay sa harapan ng mukha ko na nakakulot. Light lang din ang ginawa nilang make-up sa mukha ko.
"Ang ganda-ganda niyo na ma'am!" Tuwang-tuwang sabi nung isa. "Oo nga, ma'am, sigurado kaming mas lalong maiinlab sa inyo nyan si Sir Rykier!" Sabat naman nung isa na medyo numingning ang kanyang mga mata pagkasabi ng pangalan ni kier.
Dumating bigla si butler shin, "Ma'am, nariyan na po ang sundo nyo." Sabi nito. Marahan naman akong tumango sa kanya. "Sige, susunod na ako." Nag-bow muna ito bago umalis.
"Ma'am dianne ito na po 'yong maskara ninyo." Iniabot sakin nung kaedadan kung babae ang isang half mask na may display na glitters at mga makukulay na balahibo ng manok sa may gilid.
Now, i'm ready to go.
***
Nang makarating ako sa may venue ay sinalubong ako agad ni kier na nakalagay ang kanyang maskara sa kanyang ulo. "What took you so long, babe?" Bulong nito sakin at ikinawit niya ang kamay ko sa braso niya.
"Traffic." Simpleng sagot ko. Pinagbuksan kami nung lalaki ng pinto matapos ibigay ni kier ang hawak niyang invitation.
Sa pagpasok palang namin, unang bumungad sa 'min ang isang engradeng hall. Puno ito ng palamuti sa gilid at may display na paintings sa mga pader tapos sa may gitna ay may isang malaking chandelier. Lahat ng mga bisita ay nakaformal attire.
Halatang isa itong business party dahil sa mga nadaanan naming kumpol ng mga lalaking nakasuit na nag-uusap tungkol sa kani-kanilang business na hawak.
Umupo kami sa isang table kung saan may nakaupong isang lalaki na nakalagay rin ang maskara sa may kanyang ulo kaya ibinaba ko na rin ang maskara ko. "Mr Silvercast, mabuti at napaunlakan mo ang aking paanyaya."
"I can't say no to your very tempting offer, Mr Belial." Nagngitian ang dalawa. Pero napansin ko na may kakaiba sa mga ngiti nilang iyon. Parang kakaiba.
"By the way, who's with you?" Tapos ay tumingin ito sa 'kin at nginitian niya ako. Nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pagtitig nito sakin. Why do i have this feeling that this man will only cause trouble.
"This is Dianne Silvercast, my wife." Pakilala ni Rykier sakin. Mukha namang nagulat 'yung lalaki sa sinabi ni Rykier. What's so shocking about being Rykier's wife?
"Is that so?" Tapos tumingin sakin 'yung lalaki at ngumisi. "You are really a lucky one for having a very beautiful wife, Mr Silvercast." Tuloy-tuloy na sabi nung lalaki habang nakatingin sakin. "By the way, let me formally introduce to you myself, I'm Adrian Alexis Belial." Tumigil ito at nginitian niya ako ng makahulugan bago uli nagsalita. "It's a pleasure to finally meet you Mrs Dianne Silvercast."
What does that smile mean!?

BINABASA MO ANG
Seducing The Mafia Prince 2 (Completed)
Hành động"I'll give you advice, Swetie.... Stop pushing my buttons into limit, Cause your like digging your own grave."