Third Person P.O.V.
Sinadya talaga ni Dianne (trinity) ang bumangon nang kalagitnaan ng gabi para sa plano nilang pagtakas.
Nagising ito na nakadagan sa bewang niya ang braso ni kier. Sinubukan nitong gumalaw para alisin ang braso nitong nakapulupot sa bewang nito pero biglang gumalaw si kier at mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
Waa! Ano ba 'yan!? Huhuhu. Para naman siyang ahas kung makapulupot. Siguro isa siyang ahas nung past life niya. Waaa! Iniisip ko palang natatakot na ko. Sabi nito sa kanyang sarili.
Sinubukan uli nitong nitong alisin ang braso ni kier na nakapulupot sa bewang niya. Gamit ang dalawang kamay nito ay dahan-dahan niyang iniangat ang braso nito at sinubukang alisin pero sa ikalawang pagkakataon ay gumalaw na naman si kier kaya hindi na naman natuloy ang pag-alis nito sa braso ni kier.
Nagpalipas muna ito ng ilang minuto saka ulit itriny na alisin ang braso nito for the third time. This time mas naging maingat ang ginawa niyang galaw.
Halos nagtatalon itosa tuwa ng maiangat ang braso ni kier. Dahan-dahan itong bumaba ng kama matapos ipatong ang braso ni kier sa unan niya para iyon nalang ang kanyang yakapin.
She tip toe while going to the door and carefully open it without a sound.
Nang makalabas ito sa kanilang kwarto ay agad itong napabuga ng hangin.
Napatingin naman agad ito sa orasan sa may pader at nanlalaki ang mata niya ngmakita na malapit ng mag alas-dose.
Matapos makita ang oras ay wala na itong sinayang na oras at ahadlumabas ng bahay gamit ang backdoor.
Nadaanan nito ang mga guwardya ni kier na nag-iinuman sa isa sa cottage doon kaya walang roronda ngayong gabi. Para hindimapansin ng mga guwardya ni kier ay pagapang itong lumakad sa halaman sa may garden.
Nang makalampas ito sa hardenat samga nag-iinumang guwardya ayad itong tumayo at nagmamadaling tumakbo papunta sa hagdan pababa ng dalampasigan. Medyo madilim na ang parteng iyon kaya sigurado siyang hindi na siya mapapansin ng mga lasing na guwardiya.
Kahit pagod na ito ay pinilit parin niyang takbuhin ang madilim na dalampasigan patungong daungan ng bangka.
Hingal na hingal ito ng makarating ito sa kanilang tagpuan. Andoon na sila butler shin at xian dala ang dalawang bag.
Inilagay nila ang mga gamit sa bangka.
"Mag-iingat kayo." Paalala ng matanda sa kanila. "Sumama na po kayo sa amin." Paiyak na sabi ni dianne (trinity) na ayaw binatawan ang kamay ng matanda para makaalis na na ang bangkang inarkila nilang magtatakas sa kanila.
"Hindi po maaari." Malungkot na sabi ng matanda at may dinukot sa kanyang bulsa saka iniabot ito kay dianne (trinity). "Heto gamitin niyo muna ang konting perang ito."
"Naku hindi ko po ito~"
"Sige na tanggapin mo na. Para naring anak ang turing ko sayo." May iniabot uli ang matanda na papel na may sulat. "Puntahan niyo ang lugar na iyan."
Napayakap sa matanda si dianne (trinity). "Maraming maraming salamat po." Lumuluhang sabi nito.
"Sige na umalis na kayo! Wala na tayong oras baka maabutan na niya tayo dito." Utos ng matanda.
Ayaw pa naman sanang iwan ni dianne (trinity) ang matanda ay kailangan niya itong gawin kahit labag sa kanyang kalooban.
"Mag-iingat kayo." Huling sabi nila sa isa't isa bago umalis ang bangka.
Umiiyak ito ng lapitan siya ni xian. "Tama na po ma'am dianne." Sabi nito kaya napangiti siya ng bahagya sa bata at pinunasan ang tumulong luha niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/47347153-288-k594790.jpg)
BINABASA MO ANG
Seducing The Mafia Prince 2 (Completed)
Ação"I'll give you advice, Swetie.... Stop pushing my buttons into limit, Cause your like digging your own grave."