Epilogue
Trinity P.O.V.
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."
Unti-unting tinaas ni kuya harry ang belo ni ate lyn saka niya siya hinalikan. Syempre tinakpan ko ang mata ni xian. Hehehe, alam n'yo na bawal sa bata.
Nang matapos sila saka ko lang inalis ang nakatakip na kamay ko sa mata ni xian.
"I gladly present to all of you for the first time, Mr and Mrs Harry Sy." Sabi ng pari ng humarap na sa'min sila kuya ry.
Tumayo naman kaming lahat para palakpakan sila.
***
"Ano ba 'yan, ang baho!?" Sabi ni minamie ng iserve na 'yung main course.
Kasama kasi namin sila sa isang five seater table. Sila jersey naman nasa kabila kasama sila gio, raine, liam, at zaide.
Inamoy ko naman agad 'yung pagkain. "Teka, hindi naman, a." May sira siguro pang-amoy niya. Hay, kawawa naman siya. Masabihan nga mamaya si max na ipatingin sa doktor ang ilong ni minamie.
"Sayo na lang itong akin, trinity." Sabi nito sabay bigay sa'kin nung pagkain niya. "Cr lang ako." dagdag nito habang nakatakip ang panyo sa kanyang bibig.
"Okay, thank you." Sabi ko. Tumango lang siya sabay alis na.
Kita ko naman na napangiwi si max sabay kamot ng ulo at saka sila nagtinginan ni xavier.
Anong nangyayari sa mga ito?
Nang matapos ko ang strawberry shortcake na dessert ko ay 'yung kay minamie naman ang kinain ko.
Huh? Teka, ano 'to? Kinuha ko ang matigas na bagay na nakagat kung kasama sa may cake.
"Waaa!" Manghang sabi ko. Hehehe. May free ring ako. "Waaa! xavier, may free ring sa may cake ni minamie." Bida ko sa katabi kung si xavier. Napakamot pa si max sa ulo. "Uh... trinity... kasi...."
"Bakit max? Gusto mo rin ba nito?" Sabay pakita doon sa may singsing. "Tignan mo nalang d'yan sa may cake mo baka may free rin." Nakita ko naman na bigla itong napangiwi.
"Ma. / Wife." Sabay na tawag sa'kin ni xian at xavier. Napaharap naman ako sa kanila. "Bakit?"
"I think that's not yours." Sabi ni xian sa'kin. Na'ku mukang naiinggit si xian. "He's right wife." Kita niyo na naiinggit talaga sila dito. "Now, give that back to, max."
"Pero akin 'to. Akong nakakuha dito." Nakasimangot kung sabi. "Damn, trinity, if you want a ring, then i'll buy every ring you want just give that back to max."
Hehehe, sige na nga. Kawawa naman si max, e.
"Sorry for your ruined proposal." Sabi ni xavier kay max sabay tapik ng balikat nito.
***
"Jersey!" Tawag ko sa kanya. Napaharap naman ito sa akin sa ngumiti."Bakit?"
"Naibigay ma na ba kay kuya ry 'yung usb?" Naalala niyo pa ba 'yung napulot kung usb dati? Ang laman pala noon ay puro mga ebidensya ng mga pinaggagagawa ng triads kaya itinurn over ko na ito kila kuya. "Yes, actually, sinira na namin 'yun. Wala na rin kasi ang mga triads."
"Ahh!" Tumango-tangong sabi ko habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
"Tita jersey!" Napalingon kami ni jersey ng marinig naming tinawag siya ni xian. "O, xian, asan si papa mo? Akala ko mag kasama kayo?"
"Nandoon po." Sabay turo sa kanyang pinanggalingan. "Bakit xian, may problema ba?"
"Wait, jersey puntahan ko lang si xavier." Tumango lang ito. "Ikaw ng bahala kay xian."
"Okay."
Habang paalis ako ay rinig ko pa ang usapan nila. "Tita jersey, pinabibigay po ito ni tito pogi."
"Flowers?" Tapos ay tumawa si jersey. "Ayaw n'yo po ba 'yan?"
"Hahaha. Nope, pakisabi na lang kay tito pogi mo kung sino man siya, na kung gusto niyang manligaw ay magpakilala siya."
***
Natagpuan ko si xavier sa may dalampasigan.
"Xavier?" Napatingin siya sa'kin saka niya ako nginitian. Ngumiti rin ako habang palapit sa kanya.
"What took you so long, wife." He paused. "I've been waiting here for minutes."
"Hehehe, sorry. Ang hirap mo kasing hanapin." Ewan ko ba, tinataguan niya ata ako kanina, e. Kaya hindi ko siya mahanap.
"Silly." Sabi nito saka ako hinila at niyakap. "I love you, trinity."
"I love you, xavier."
....FIN....

BINABASA MO ANG
Seducing The Mafia Prince 2 (Completed)
Aksiyon"I'll give you advice, Swetie.... Stop pushing my buttons into limit, Cause your like digging your own grave."