Chapter 24

4.8K 84 3
                                    

Trinity P.O.V.

Mag-iisang linggo na rin simula ng tumira kami ni xian sa dating bahay namin ni xavier.

Syempre bago kami lumipat dito pinaliwanagan muna namin si xian. Tapos pinakwento rin nila sa'kin kung anong nangyari sa'kin pagkatapos ng plane crash.

Hindi ko alam na tsismoso na pala sila ngayon. Dapat kasi kay xavier ko lang sasabihin kaso nagtawag pa siya ng iba. Akala siguro niya magstorytelling ako. *pout*

Si xian, medyo nasasanay na rin siyang tawaging papa si xavier. Sabi nga ni kuya harry magkasing ugali daw sila, e.

Sila kuya harry at ate lyn, busy sa pag-aayos ng kasal nila. Si gio, may ginagawa siyang mission na inutos ni kuya. Si xavier, inaasikaso 'yung adaption paper ni xian. Sila liam, jersey, raine, at zaide, and'yan sa sala kasama si xian.

Inilagay ko na sa tray ang ikaanim na baso na may lamang juice.

Nagulat pa nga ako ng may magsalita sa likuran ko. Muntik pa ngang malaglag ang dala ko. "Tulungan na kita."

"H'wag ka namang mangulat, jersey!" Sabi ko. "O, sorry. I just want to help you."

"Ganun? Sige ikaw na magdala nung isang tray." Sagot ko. Binuhat naman nito 'yung tray na may lamang cake saka sabay na kaming pumunta ng sala.

Naabutan namin na nagkukulitan doon 'yung apat.

"Ang gwapo ko 'di ba?" Tanong ni liam kay xian. "Hindi po, mukha kasi kayong hamster." Sagot ni xian na nakapoker face. Nagtawanan naman silang lahat.

Si liam? Hamster? Tinignan kong mabuti si liam at iniimagine kong tumatakbo siya sa doon sa loob ng bilog na umiikot-ikot.

Hehehehe. Medyo bagay nga niya. Siguro hamster siya nung past like n'ya. Matanong ko nga mamaya.

Inilapag na namin ni jersey sa may center table ang dala namin. "Meryenda muna kayo." Sabi ko saka umupo sa tabi ni xian.

"Ma, 'di ba po masama ang magsinungaling?" Tanong sa'kin ni xian. "Oo, naman, lalo na sa mga katulad kung gwapo kaya ikaw h'wag kang magsisinungaling. Nakakapangit kasi 'yun." Sabi ni liam na syempre, hindi pinansin ni xian.

"Shabu pa 'tol!" Sabi naman ni raine. "Ulo~ aray, princess!" Sabi ni liam ng bigla siyang sikuin ni jersey.

Sinamaan siya ng tingin ni jersey. "Bawal magmura."

"Oo, nga 'tol, saka h'wag ka na ring mangarap mas gwapo nga ako sayo." Singit ni zaide. "Kita mo 'tong si raine..." Inakbayan ni zaide ang katabi niyang si raine. "Nananahimik... Alam kasi n'yang mas gwapo ako sa inyong lahat."

Nakatanggap ng dalawang batok si zaide mula sa dalawa. "Tang~" sinamaan agad ni jersey ng tingin si raine. "Tanggapin mo na lang kasing nababaliw ka na!" Sabi ni raine na hindi naituloy ang kanyang pagmumura. "Nangangarap ka na naman, Halata naman na mas gwapo ako sa inyo. Tanong n'yo pa sa bata." Dagdag pa nito.

Hindi siya pinansin ni xian sa halip at tinanong ulit ako ng anak ko. "Ma, 'di ba po masama ang magsinungaling?"

"Syempre naman, kaya ikaw h'wag mong gagawin 'yun. Bad 'yun." Paliwanag ko.

"E, bakit po sila?" Sabay turo kila liam na mukhang nagulat sa biglang sabi ni xian.

Nagtataka naming tinignan si xian. "Naku, xian, masama ang magbibintang, a."

"Hindi po ma, sabi kasi nila mga gwapo daw sila pero hindi naman po. Kita n'yo po mga mukha silang hamsters." Hehehe, sabagay.

Laglag ang panga ng tatlo habang si jersey ay biglang bumunghalit ng tawa.

"Ang galing mo talaga, xian. Apir tayo!" Tumatawang sabi ni jersey. Nakipag-apir naman sa kanya si xian.

Halos lahat naman ay kasundo ni xian pwera lang talaga sa tatlong 'yan. Mayayabang daw kasi. Buti nga at hindi siya masyadong close sa kanila kasi baka mahawaan siya ng sssshhh h'wag kayong maingay, atin-atin lang 'to, a. Feeling ko kasi bakla sila liam, e.

Seducing The Mafia Prince 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon