Chapter 10

2.5K 54 14
                                    

A/n: Hiiii~ okay, unang una sa lahat, gusto kong humungi ng sorry dahil sa sobrang tagal ko mag ud :( sorna. Daming gawain eh. Sana masayahan kayo sa update na toh :) kung may requests kayo about sa story, sure, feel free to approach me about your requests :)
-------------------------------------
Pop

    Lumabas ang doctor sa pintuan ng Emergency room kaya naman napatayo kami mula sa pagkaka-upo.

    "Sino ang pamilya ng pasyente?" Tanong ng doctor.

     "Doc kami po ang pamilya ng pasyente. How's my dad?" Sagot naman ni kuya.

   "I'm sorry pero hindi namin siya nailigtas." Mahinang wika ng doctor.

   Tila naman bumagsak ang langit sa ulo ko. First, my mother got into an accident. Then, my fiancé went missing during our wedding day. And now, my father died. Who's next? My brother? My bestfriend? Sa tingin ko ay ikababaliw ko kung may mawawala pa saakin na malapit sa puso ko.

       "You've gotta be kidding me" usal ng kuya ko at tila ba may mga nagbabadya ng luha mula sa mga mata nya.

    "K-kuya..." tawag ko sakanya at nakuha ko naman ang atensyon nya. Ibinukas nya ang kanyang mga bisig at agad ko syang niyakap. Tuluyan na akong napahagulgol sa kanyang mga bisig. Si kuya nalang ang lakas ko ngayon.
  
     "My condolences.." narinig kong sabi ni Anthony. Oo nga pala, narito pa ang aking matalik na kaibigan. Kahit papaano ay nabawasan ang tinik sa aking puso dahil andito ang aking kaibigan para damayan kami ni kuya.

   "Kuya pano na tayo?" Tanong ko kay kuya habang nakayakap parin sakanya.

    "Hindi ko alam Pop, hindi ko alam" mahinang wika nya at bahagya pa syang suminghot, senyales na umiiyak sya.

   Lumipas ang mga araw at hindi parin nababawasan ang sakit. Bukas na ang libing ni dad.

  "Dad, alam kong masaya kana kung nasan ka man ngayon. Sana gabayan mo kami dad. Sana maayos na ang lahat ng gulo. Sana..sana.." mahinang usal ko.

Marahan namang hinaplos ng ina ni Chester ang aking likod at kalaunan ay niyakap ako. Naalala ko si Chester...asan na kaya sya? Maayos ba ang lagay nya?

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa namin nahahanap si Chester. Hanggang ngayon, palaisipan parin saakin ang lahat ng nangyayari saakin--saamin.

"Hija, Pop, kumain ka muna" alok sakin ng mommy ni Chester. Ayoko. Wala akong gana. Sino pa ba ang gaganahan mabuhay sa mga nararanasan ko ngayon? Oo siguro nga pagsubok lang lahat ito pero sobrang hirap at sakit na eh. Ang sakit sakit na.

Chester's POV

   Ilang araw o linggo na nila akong kinukulong dito. Tang*na naman tubig lang ang laman ng tiyan ko lagi. Pinapahirapan nila ako at kapag tinatanong ko kung anong kailangan nila ay si Pop ang lagi nilang hinihingi. Sino sila? Nako, sobrang nabigla ako nung malaman ko kung sino ang nagpadukot sakin sapagkat ay nagpadukot sakin ay walang iba kundi sina---

"Hahaha grabe pare~ Ang galing ng acting skills ko. Ang galing ko talaga! Paniwalang paniwala silang lahat sakin" sabi nya. Bigla nalamang may pumasok sa loob ng silid na kinalalagyan ko.

"Mabuti kapa, nayayakap mo ang prinsesa natin. Samantalang ako, hindi nya pwedeng makita. " wika ng kasama nya.

"Konting tiis nalang pare"

"Tiis? Ang tagal ko nang nagtitiis ah?! Lagi nalang ikaw ang nakikinabang! Lagi nalang ikaw ang nakakasama nya? Pano na ako? Hanggang kaylan ako magtatago?! Gustong gusto ko nang mahagkan si Phoenix, pare" galit na sigaw ng kasama nya.

"Pwede bang isantabi mo muna yang longing mo na makasama si Pop?! Kailangan nating gumawa ng paraan dahil mukhang hadlang sa daan natin ang bestfriend ni Pop!"

"Pero hindi ko na talaga kaya! Gusto ko na syang makasama!"

"So pano? anong gusto mong mangyari?"

"Gusto ko na syang makita, kahit sandali lang"

"Sige, bukas na ang libing ng matandang yun. Pumunta ka para makita mo ang mahal natin" wika nya.

"Pero paano si Chester? Baka makaalis sya dito"

"Hindi sya makakaalis dito. Nasisigurado ko yan sayo"

"Libing? Sinong namatay?!" Hindi ko na napigilang itanong.

"Bakit hindi mo hulaan?" Tanong nya.

  "P*ta hindi ako nakikipaglaro" inis kong sabi.

"Sa tingin mo nakikipaglaro kami?" Tiningnan ko silang dalawa ng matalim.

  "Sige, sasabihin ko kung sino ang namatay Chester." Sabi nya at lumapit saakin. Pumunta sya sa likod ko at ibinulong ang mga salitang "Namatay lang naman ang ama ng pinakamamahal mong si Pop." At bigla na lamang syang may itinurok na matalim na bagay sa tagiliran ko. Then everything went black.

Pop's POV

    Araw na ng libing ni dad at hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali.

"Phoenix nahihilo ako sayo. Pwede bang huminahon ka muna?"
Sabi ni kuya.

"Sorry kuya, hindi kasi ako napapakali eh. Para akong kinakabahan na ewan. "

"Kalma ka lang, okay?" Tumayo sya ay lumapit sakin. T-teka..bakit lumalakas ang tibok ng puso ko? "Everything's going to be fine, phoenix" he said and hug me from behind.

  "K-kuya..." I stuttered.

   "Hmm?"

   "B-baka hinihintay na nila tayo sa labas" Nandito kasi kami sa kwarto ko at naghahanda na kami para sa libing ni dad. Oo nakakalungkot, pero wala kaming magawa eh, kailangan naming tanggapin.

  Biglang nagring ang cellphone ni kuya at nagpaalam siya na sasagutin nya ang tawag. Siguro isa nanaman iyon sa mga taong hindi makakapunta sa libing ni dad at makikiramay kaya tinatawagan nalang kami ni kuya.

  Sana walang mangyaring masama sa libing ni dad. Sana.

Someone's POV

Sa wakas! Makikita ko na ang pinakamamahal ko. Ito na ang pinakahihintay kong araw.

"Hintayin mo lang ako mahal ko.."

  Tinawagan ko ang isa sa mga kaibigan ko at "Salamat pare, makikita ko na sya. Makikita ko na ang mahal natin"

  Mahal na mahal ko si Pop at papatayin ko ang lahat ng aagaw sakanya. Akin lang si Pop. Akin lang sya.

-----------------------------------------------------------
A/n: Yaaaaaaay~ Chapter 10. So kamusta naman?? Nagustuhan nyo ba?? Sorry na kung laaaame. Ito lang nakayanan ko eh. Pagod na pagod kasi ako sa training.

Vomment guys!! Sorry nga pala at di ko na ito naedit. Sana maintindihan nyo.

4/21/16

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon