POP
Nagising ako dahil may naramdaman akong humahaplos sa buhok ko. Minulat ko ang aking mga mata at nagadjust. Malabo kasi ang nakita ko pagkabukas na pagkabukas ko ng mga mata ko.
Tiningnan ko ang humaplos sa buhok ko at nakangiti niya akong binati ng good morning. Si mom lang pala. Nginitian ko lang din siya at binati siya pabalik.
"Bangon na anak. Baka malate ka sa school mo" Masayang pahayag ni mom.
"Sige po. Hintayin niyo nalang po ako sa baba." Tumango lang si mom at lumabas na ng kwarto.
Tumayo na ako at pumunta sa banyo. Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko ay bumaba na ako.
"Good morning dad, good morning kuya" bati ko kina Dad at kuya.
"Good morning Princess" bati din ni dad. Samantalang ang isinagot naman ni kuya ay"Good morning din Flower-Eagle"
Tiningnan ko lang siya ng masama at nginisihan niya naman ako.
"Hey! Hwag kayong magtinginan ng ganyan sa harap ng hapagkainan." Saway samin ni mom na kakagaling lang sa kusina. Nakaupo na kasi sina dad kanina at nagpeprepare naman ng agahan si mom.
"Si kuya kasi eh!"maktol ko at lumabi.
"Oh? Bat ako? Huwag ka ngang lumabi! Nagmumuhka kang pato haha" pang-aasar naman ni kuya.
"Hoy! Kung makasabi naman toh ng mukha akong pato parang hindi ka pa napalabi sa paghihintay ng kiss ni----" naputol ang sasabihin ko ng lagyan ni kuya ng bacon yung bunganga ko.
"Tss. Parang armalite yung bibib mo" seryosong sabi ni kuya. Boom! Nabadtrip siya! Yes. Well sanay na kaming mag-asaran ni Kuya.
Tulip Mockingjay Pablo is his name. Mj for short. Ganyan talaga yan. Kapag pinapaalala ko yung time na ngumusu siya kasi hinihintay niyang halikan siya nung girlfriend niya nung highschool kami. Kaso, iniwan siya nung girlfriend niya ng nakanguso dun sa quadrangle ng school at pinagtawanan. Kaya...ayaw na ayaw niya na pinapaalala sakanya iyon dahil first time daw siyang mapahiya.
Pangit naman yung babae. Tss. Ang maldita nga nun eh!
"Hey Pop, anak, hindi ka ba kakain?" Tanong ni dad. Oh, hindi pa pala ako nakakasimulang kumain. Kaya naman kumain na ako at hindi na inasar pa si.kuya.
"Nga pala mga anak, aalis muna ako ha? Pupunta ako ng probinsya. Mga tatlong araw lang naman ako dun" pagbasag ni mom sa katahimikan.
"Ano pong gagawin niyo dun mom?" Tanong ko. Biglaan naman ata.
"Ah, kailangan ko kasing tingnan yung mga tauhan natin sa branch ng shop natin doon anak." Sabi ni mom. Hindi naman sa pagmamayabang pero talagang may kaya kami. We own a company and hotels. May mga shop din kami like restos.
"Kaylan alis mo, ma?" tanong ni kuya.
"Mamaya na anak. Pagkaalis niyo na siguro. Kaya panigurado hindi niyo na ako maabutan mamaya.".-mom. Aww...
Natapos na kaming kumain at hindi ko sinasadyang mabitawan at mabasag ang baso.
"Okay ka lang anak?" Sabi ni mom. Tumango naman ako at umakyat na sa kwarto para mag-ayos.
---------
"Bye mom/ma" sabay naming sabi ni kuya at kiniss si mom sa cheeks.
"So ganon? Yung mom niyo lang yung may kiss, tapos ako wala" eto naman si dad!.nagtampo! Haha
Nagkatinginan kami ni kuya at kiniss si dad sa cheeks din niya.
Nagpaalam na kami pero bago kami umalis ay tinawag ako ni mom.
![](https://img.wattpad.com/cover/29332229-288-k262996.jpg)
BINABASA MO ANG
Obsession
General FictionOne girl. One chance. One destiny. Will she escape? Or will she forever have no freedom at all? Phoenix Orchid "Pop" Pablo always dreamt of a happy ending, but will she experience that happy ending in reality if she will be a prisoner? A prisoner o...