POP
"She's gone.M-mom's gone...forever" he said before a tear escaped in my eye.
"W-what?" Nanginginig na tanong ko. Parang gumuho ang paligid dahil sa balitang iyon. At kahit pa tanungin ko siya kung nagbibiro lang siya alam kong 'hindi' ang magiging sagot niya. Nasa kanyang mga mata ang kasagutan.
"She…she's gone...she's on her way home pero, nawalan ng break ang kotse niya. Nabangga siya sa isang puno and.…she..died" patigil-tigil pa sapagsalita si kuya habang binibigkas ang mga inusal niya. I know. I know nasasaktan din siya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagkaseryoso sa mga binabanggit niya.
Hindi ko na kaya. Nanghihina na ang mga tuhod ko at masagana ang luha na tumutulo sa mga mata ko.
"K-kuya...*sobs* I...I c-can't believe--" Nanlabo ang paningin ko and..everything went black.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Nagising ako sa isang puting kwarto. Hindi ito pamilyar saakin at hindi ko ito marecognize.
Puti ang dingding..puti ang pinto at puti ang mga kagamitan sa kwarto.
Nasa langit na ba ako?
Sinubukan kong gumalaw pero medyo nangatog yung tuhod ko. Mukhang matagal-tagal din akong nakaratay dito. Sa palagay ko ay nasa hospital ako.
Napatingin ako sa gawing kaliwa ko at may nakita akong bulto ng tao..I bet si Chester toh. Nakapangko ang ulo niya sa dalawang braso niya at nakaupong natutulog sa may tabi ng hospital bed ko.
Mukhang naalimpungatan siya kaya napa-angat siya ng tingin at nagpungas ng mga mata. That gesture looks cute on him though.
"Hey there Orchid baby.," he called.
"Hmm..." I tried to smile.
Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at nakita ko si Kuya at si dad.
"Maiwan ko po muna kayo…" paalam ni Chester at lumabas na ng kwarto.
"Dad..." naiiyak na sambit ko. Lumapit si dad at niyakap ako ng buong pagmamahal. Doon na ako tuluyang napahagulgol sa bisig niya.
"Shh...tahan na anak." Dad said. Kuya also embraced me.
"Everything will be fine" sabi ni kuya. I hope so. I really do hope so.
"Dinala ka na namin dito sa ospital dahil hindi ka kinaya ng mga nurse niyo sa school. One day kanang hinimatay at nung nagising ka ay nagwala ka. Tinurukan ka na ng pampakalma dito at nakatulog ka for almost...2-3 days" kuya explained but I remained silent. Tulala parin ako dahil sa...wala na si mommy. That thought made me cry again. And as I can see ay nagsisimula nanamang magpanic sina kuya, especially dad.
"Anak...anak tahan na. Shh...anak, masakit din sakin na mawala ang mommy mo but we have to...we have to accept that...that she's...she's gone. Kung nasan man siya ngayon, sigurado akong masaya na siya kasama ang nasa itaas." Dad blurted out while sobbing.
"Phoenix, let's just pray for mom. Hindi siya magiging masaya kapag nakita niya tayong nagluluksa. Let's just move on" kuya said at
Doon naman ako napatigil.
Move on? Accept it?
"Ganoon ba kadali para sainyo yon? Ang magmove on? Ang tanggapin na wala na siya?Kung kayo kaya niyo, pwes ako hindi! Wala na si mommy! Hindi niyo ba yun naiintindihan ha?! Wa-w-wala na si mommy…wala na siya." napahikbi pa ako lalo at ipinagbabato ko yung unan. Nakayukong pinigilan nila ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/29332229-288-k262996.jpg)
BINABASA MO ANG
Obsession
Ficción GeneralOne girl. One chance. One destiny. Will she escape? Or will she forever have no freedom at all? Phoenix Orchid "Pop" Pablo always dreamt of a happy ending, but will she experience that happy ending in reality if she will be a prisoner? A prisoner o...