Chapter 11

1.1K 24 2
                                    

Pop

  Kanina pa ako nakakaramdam na may nagmamasid saakin. Kinikilabutan na ako sa mga tingin na hindi ko naman alam kung saan nanggagaling.

  "Pop okay ka lang ba?" Alalang tanong ni kuya. "Kanina ko pa kasi nararamdaman na may nagmamasid saakin kuya eh,"sagot ko naman.

   "Hayaan mo lang, Pop. Maraming tao ngayon eh." Sagot nya.

  "Ahh, sige kuya baka nagooverthink lang ako"

  "Diba sabi ko sayo magrela--" naputol ang sasabihin ni kuya nang biglang magring ang cellphone niya.

  "Sandali lang Pop ha?" Tumango ako at nakita ko nalamang ang likod ni kuya na tumalikod at naglakad palayo.

  Bigla akong nakaramdam ng kamay sa may bewang ko. Nilingon ko ang nagmamay ari ng kamay na iyon at nakita ko si Anthony. Ngumiti sya sakin na sya namang sinuklian ko ng isang tipid na ngiti.

  "Malakas ka Pop, alam kong malalampasan mo 'to. Andito lang ako para sayo. Hindi kita iiwan."
 
Hindi ako nagsalita, bagkus ay ngumiti na lamang ako na puno ng kalungkutan dahil hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin ko

"Bitawan mo ang kapatid ko" isang malamig na tinig ang pumukaw sa atensyon naming dalawa ni Anthony. Pamilyar ang tinig na iyon at alam ko kung sino ang nagmanay ari ng boses na iyon, si kuya.

"Chill pare, hindi ko naman kukunin sayo si Pop" tumatawang pahayag ni Anthony.

"Nawalan na ako ng ina't ama, huwag mong sabihin na pati kapatid ko ay mawawala pa sakin.  Mababaliw ako. Ikababaliw ko iyon. " madamdaming wika ni kuya. Hindi ko alam pero para bang may kakaiba sa bawat katagang binabanggit niya.

"Alam kong masakit pa pero para sainyong dalawa ni Pop ito, magpakatatag kayo" Iyon lamang ang sinabi ni Anthony at tinawag na kami ng pari dahil magsisimula na ang misa para sa libing ni daddy.

Masakit pa rin ngunit nandito na eh. Hindi ko na muli pang mabubuhay si dad at hindi niya magugustuhan na makitang naghihirap kami dahil sa pagkawala niya.

Alam kong gusto niya na makitang masaya ako sa buhay ko ngunit hindi ko maiwasang malungkot at muling alalahanin ang mga panahon na buo pa kaming pamilya.

At heto na nga ang pinakamasakit na parte ng araw na ito, ang magpaalam ng tuluyan kay dad.

"Ba't ang aga ata dad. You don't deserve to die so soon. You were a  loving father and you're the best father i ever had." Hindi ko na napigilan ang mga nagbabadyang luha na tumulo mula sa aking mga mata. Nag-unahan sila sa pagtulo at tuluyan na akong napaluhod.

Dinaluhan ako ni kuya at Anthony. "Phoenix, please be strong." Malungkot na wika ni kuya at alam ko na ano mang oras ay tutulo na rin ang mga luha na kanina nya pa pinipigilan.

Unti- unting isinarado ang maliit na parte ng kabaong na nagsisilbing daan upang makita namin si dad. Dahan-dahan nila itong inilipat sa bagay na unti-unting bababa upang mailibing si dad.

I can't afford to see this kind of scenario so i turned my back and hug my brother tightly. He hugged my back and i can feel his tears, his sadness.

That was the longest hug i ever had. Thst was the most miserable time of my life. A nightmare.

Nagpaalam na ang mga bisita ngunit nandito pa rin kami ni kuya sa harapan ng pinaglibingan kay dad. Tulala kami pareho at wala ni isa saamin ang gustong magsalita.

"Bukas ng umaga pupunta ang abugado ni dad para ipaalam saatin kung ano ang mangyayari saatin." Hindi ako umimik kaya napalingon sya.

"Phoenix" malungkot na tawag niya ngunig hindi ako lumingon

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon