POP
"Orchid, napansin ko lang kanina habang nagsasalita ka ha, laging may 'minsan', bakit minsan lang? Hindi 'lagi?" nakalabing pahayag ni Chester.
Oh, napansin niya pala iyun! Nandito kami sa bench malapit sa quadrangle. Nanunuod kami ng practice ng soccer team.
"Minsan lang naman talaga eh. Saka anjan din naman si kuya. Kapag sinabi kong lagi mo akong ipinagtatanggol at pinapatawa, papano na si kuya? Edi hindi niya ako pinapasa?" Sabi ko naman.
Napakamot nalang siya sa batok niya which I find really cute.
"You're so cute!" Hindi ko napigilang ibulalas bago ko pinisil yung cheeks niya. Ang lambot! Nahiya tuloy yung mukha ko sakanya.
"Aray...ah! Ay. Dahan-dahan nama--uy hinay hinay lang! Aish!! Mama!! Ang sakit! Orchid ang sakit na! bita--ayaayay!" Daing ni Chester. Oops, napalakas ata yung pagpisil ko ng pisngi niya
"sorry po Trenix baby!" I said before hugging him.
"H-how..did you know my...first name?" Takang tanong niya. Well, really, Chester is just his second name. Trenix Chester Men Villarama ang pangalan niya. Dahil nga sa mahaba ito ay 'Chester' lang ang ginagamit niya.
"Tinanong ko kay Anthony" sabi ko. Anthony is his cousin. Allison Anthony Villarama. Anthony is actually my bestfriend so...yeah!
"Aish. Anthony talaga oh" sabi niya habang umiiling-iling.
"Ayaw mo bang malaman ko ang second buong pangalan mo? Girlfriend mo na ako oh." Pagtatampo ko. Para kasing ayaw niyang malaman ko yung pangalan niya eh. Pangalan lang nga iyan.
"Hindi sa ganoon Orchid baby, nahihiya kasi ako eh. Ang weird ng pangalan ko." Napawi ang pagtatampo ko dahil sa sinabi niya. Huwag niyang sabihing...
"Aish. Kung itatanong mo kung ano ang storya ng pagkakabuo ng pangalan kong 'Trenix' ay huwag mo nang itanong." At doon na ako tuluyang natawa.
Ang pangalan niya kasing 'Chester' ay may istorya. Sabi niya, noong ipinagbubuntis siya ng mommy niya ay bigla daw itong nawili sa paglalaro ng Chess. Lagi naman daw nakasuot ng checkerds na damit ang daddy niya kaya...Chester ang ipinangalan sakanya.
"Hmp. Sige na nga. Pasalamat ka talaga at mahal kita boyfriend ko!" Sabi ko sakanya na naging dahilan ng pag-iwas niya ng tingin dahil sa namumula siya. Ang cute ng boyfriend ko!
"Trenix baby, pupunta lang ako sa locker ko ah, may nakalimutan kasi ako eh." Paalam ko. Nakalimutan ko kasi ang libro ko sa Math, haist.
"Samahan na kita"
"Huwag na. Ako na, kaya ko na "
"Ha? Eh pero----"
"Trenix Chester Men Villarama, dito ka lang"
"Pero kasi----"
"Titigil ka o magbebreak tayo?" Pananakot ko. Tss. Tigas kasi ng ulo!
" Sabi ko nga dito lang ako." naiilang na sabi niya.
"Good. Love you!" Tumayo na ako.at hinalikan siya sa cheeks. And here goes his blushing cheeks again!!
"Love you too"
---------------------------------------
Naglalakad na ako papuntang locker room ng biglang umihip ng malakas. Mainit naman ah? May bagyo ba? Tumigil naman ang pag-ihip ng hangin at nagdirediretso na ako sa locker ko.
What a coincidence. Andito si Treywen Meteor Perillio Villarama. Obviously, sakanya ipinangalan ang school na ito dahil siya ang nag-iisang anak ng may-ari ng school.Pinsan siya ni Chester kaya may shares din sina Chester dito sa school, which made him own the school too. Isa siya sa mga manliligaw ko pero ayoko sakanya dahil mayabang at possessive siya. Hindi pa nga kami, nag-aassume na siya na kahit na. Lagi niya akong sinusundan at.....manyak siya.
"Oh, Honey balita ko kayo na ng pinsan ko ah?" Pambungad na tanong niya. Kahit na magpinsan sila, nagkaroon sila ng alitan dahil sa parehas sila na manliligaw ko. Well, still, they remained proffessional with each other.
"OO, kami na. I hope it's fine with you" Wrong choice of words!! Syempre hindi yun okay sakanya!
"Actually, yeah. It's fine with me" sabi niya at mapait na ngumiti.
"Sige Treywen, I'll go ahead"
"Bye honey"
"Kanino galing toh?" Tanong ko sa sarili ko dahil may nakita akong sulat na naka-ipit sa pintuan ng locker ko. Binasa ko ang sulat at...hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko.
'Roses are red,
violets are blue,
Do you know how much I love you?
You'll regret you chose him and refused my love for you'
-TMP
-----------
Hi! sorry po maikli lang ito. Haha sorry din kung ngayon lang ako nakapagupdate. If you have questions, you can approach me. Don't forget to vote and comment.
Please support my stories po!!
-JAD

BINABASA MO ANG
Obsession
General FictionOne girl. One chance. One destiny. Will she escape? Or will she forever have no freedom at all? Phoenix Orchid "Pop" Pablo always dreamt of a happy ending, but will she experience that happy ending in reality if she will be a prisoner? A prisoner o...