Chapter 9

2.5K 49 9
                                    

POP

Sa mga nakalipas na araw ay nas naging close ulit kami ni Anthony. Yep. Nagbalik na ang closeness namin at talaga namang nakatulong ito saakin. Ewan ko ba. Iba talaga ang kamandag ng pagkakaroon ng bestfriend.

Pero sa nagdaan ding panahon na iyon. Naging mas maingat na ako. Dahil....dahil unti unting magsisiwalaan ang mga taong malalapit saakin. May mga umiiwas....mga lumalayo..at hindi na pumapansin saakin. Pati narin mga katulong namin.

Hindi ko maintindihan pero...ang weird diba?

"Pheonix, what's wrong? Mukhang malalim ang iniisip mo?" Biglang pukaw sakin ni kuya na katabi ko lang ditto sa upuan sa garden.

"It's nothing kuya. Its just that, everything seems weird now" pahayag ko habang tumitingin sa kawalan.

"Bakit mo naman nasabi?"

"Masyado ng marami ang nangyari kuya. Hindi ko na alam ang gagawin ko...May nagbabanta sa buhay natin, Hindi parin mahanap si Chester at hindi pa nahuhuli si Treywen. Kuya natatakot talaga ako.." Mahabang litanya ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na talaga alam...

"Ano ba ang ikanalulungkot mo? Andito naman ako, tutulungan kita" he said with a reassuring smile.

"Kuya, hindi ko din alam eh. Hindi ko alam kung ano ang rason pero..pero nalulungkot ko. Mabigat ang loob ko na para bang may mangyayaring hindi maganda" pahayag ko naman. Nagtagis naman ang bagang niya at napa-iwas ng tingin.

"Hindi ako natutuwa na malungkot ka. Gusto ko masaya ka. Andito lang ang kuya ha? Mahal na mahal kita" sabi niya at niyakap ako. Mabuti pa si kuya, andito lang siya.

"Senyorito~! Senyorita~!" humahangos na sigaw ng katulong namin. Agad naming napakalas sa yakap si kuya at napatayo, maging ako ay napatayo nadin.

"Yaya bakit po? May problema ba?" tanong ni kuya na naka-kunot noo.

Agad naman napatango ang katulong . "Nako po senyorito Mj, si Senyorito po, nasa peligro po ang buhay niya~!" Nagkatinginan kami ni kuya at nanlaki ang mata.

Napatakbo na kami at nadatnan naming si dad na isinasakay sa ambulansya.

"Dad...." mahinang sambit ko habang may namumuong mga luha sa aking mga mata. Niyakap ako ni kuya at doon na ako napahagulgol..

Dad..anong nangyare?

"Let's go. Susundan natin ang ambulansya papuntang hospital" natango naman ako at sumabay kay kuya sa kotse niya. Sinundan naming ang ambulansya at nakarating na kami sa hospital.

Nadatnan naming na ipinapasok si dad sa Emergency room at dahil don ay hindi na kami pinapasok. Naghihintay nalang kami ditto ni kuya at sa totoo lang, hindi ko maiwasan na kabahan.

"Cr lang ako Pop." Paalam ni kuya. alam ko, kahit hindi sabihin ni kuya ay kinakabahan din siya.

Dahil sa lungkot ko ay tinawagan ko si Anthony.

[Hey Phoenix~ Oh, bat parang umiiyak ka?]

"Anthony...si d-dad. Nasa hospital.]

[Saang hospital?]

"Sa MSJ Hospital" Sagot ko

[I'll be there in a minute.] then he hang up. Napa-iyak nanaman ako

Hindi nagtagal ay dumating na nga si Anthony at agad akong niyakap. "Shh...everyhthing will be fine.." he murmured.

"Ehem" we both broke the hug when we both heard a familiar voice.

"Na-ospital na nga si dad, naglalandian pa kayo jan" And oh, si kuya nga.

"Hindi kami naglalandian, niyayakap ko lang si Phoenix kasi umiiyak siya at kailangan niya ng masasandalan ngayon." sabat ni Anthony

"Andito naman ako para yakapin siya " Matalim naman na tiningnan ni kuya si Anthony.

"Unfortunately, kanina habang umiiyak siya ay wala ka kaya ako ang yumakap sakanya."

"Well andito na ako kaya makaka-uwi kana" sagot ni kuya.

"Pwede ba tumigil na kayo?!" galit na awat ko sakanila. Critical ang condisyon ni dad ngayon kaya pwede ba, imbes na mag-away kayo ay magdasal nalang kayo~!" napa-iwas naman sila parehas ng tingin.

"Sorry.." sabay nilang sabi.

Someone's POV

*phone rings*

Text message from: ***

'Nasa ospital na si tanda.S ana matuluyan na '


I smirked immediately upon knowing his case. Sana nga mamatay na siya. If killing those people who will block our way to Pop's heart, then we will be more than willing to do it. Mapasaamin lang si Pop.

"Sana matuluyan kana nga tanda"

"Mmmmph~!!!!!"

"Anong problea mo Chester? Alam mo ba na mamamatay na ang tatay ni Pop?" mapang-asar na ngiti ang pinukal ko.

Matalim niya naman akong tiningnan at nagpupumiglas lalo sa upuan kung saan siya nakatali at may busal ang bibig. Poor Chester, wala siyang magawa para isalba ang mahal niya. Too bad dahil..magiging amin na si Pop.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~*****~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Vital Stats?" Tanong ng doctor habang nagsusuot ng hospital gloves.

"Not normal. Ctitical Condition na po doc" sagot ng nurse.

*Tiiiiiii~* (sound nung line kapag mamamatay na)

Agad naman nagpanic ang mga nurse at doctor sa emergency room pagkakita nila sa straight line na nasa monitor, indicating na patay na ang pasyente.

"Prepare for revival." sabi ng doctor at kinuha na ng mga nurse ang aparato na may kuryente upang mabuhay mula ang pasyente.

"One, two *hnkqjoxjsll*" hindi parin nabubuhay ang tatay ni pop kaya inulit ito mula ng doctor ngunit sa mas mataas na voltage.

"One, two *jhtfjfuffbjgj*" hindi parin kaya inulit ito sa ikatlong bese ngunit napayuko na ang doctor at tumingin sa relo.

"Time of Death...9:43 pm"

----------------------------------------------------------------

A/N: Sorry for this lame and short ud. Sorry din sa long wait. Maraming salamat dahil sinusuportahan niyo padin  ang kwentong ito . Mageexam na kami next week kaya super busy na talaga and sinikap akong magud ngayon so yeah :) enjoy hindi ko pala na-edit ito so yeah sana pagtiyagaan niyo na muna :) goodnight~


10/15/15

10:31 pm


ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon