POP
Tulala ako. Bakit hindi siya dumating? Bakit? Anong ginawa ko? Nagsisisi ba siya na naging fiance niya ako?
Kasi kung oo, nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako. Bakit ba iniiwan ako ng mga taong mahal ko? Bakit?
Nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan ko kaya pinahid ko ang luha na tumulo sa mata ko. Hindi ko nga napansin na umiiyak na pala ako.
Binuksan ko ang pinto at si kuya lang pala. Pinapasok ko siya at agad na niyakap, tinugon niya naman ang yakap ko.
"Shh...tahan na" pag-aalo niya ng bigla nanamang bimuhos ang mga luha ko. Hindi ko nanapigilan ang sarili ko na mapahagulgol sa mga bisig niya, masakit kasi talaga, masasakit na masakit, at higit pa iyon sa iniisip ng iba.
"Kuya? Bakit mahirap magmahal? Bakit ba hindi ko magawang maging masaya? Nawala na si mommy satin, ngayon pa pati ba naman si Chester, nawala din sakin? Bakit kuya? Ano bang nagawa ko at pinaparusahan ako ng ganto?!" Hikbing sumbong ko. Mas pinahigpit lamang ni kuya ang yakap niya sakin at bahagyang hibaplos ang likod ko.
"Hindi siya karapat-dapat para sayo, may mas dapat kang pag-alayan ng pagmanahal mo. Andito pa naman si dad eh, nandito pa ako. At hindi kita iiwan. Tandaan mo yan, lagi lang akong nasa tabi mo kapag kailangan mo ako" sagot ni kuya. Sobra akong nagpapasalamat at may kuya akong katulad niya.
"Thank you kuya. You don"t know kung gano ako kathankful na may kuya akong katulad mo. I love you kuya" sabi ko
"Aww..I love you too sis." Sagot ni kuya.
"Tulog kana. Bukas ng umaga, isipin mo, walang nangyari ha?" Kuya. Hindi ko kaya. Hindi ganon kadaling kalimutan yun. At dahil sa ayoko ng makipagtalo kay kuya ay tumango nalang ako.
Tinulungan niya akong makahiga ng maayos sa kama at kinumutan niya din ako. How I miss this, someone tucking me to bed. I remembered mom again. Haist.
"Sleep well sis" He said.
"Kuya, pano yung...yung preparations?" Tanong ko.
" Si dad na ang bahala dun. Humingi narin ng tawad ang mga magulang ni Chester sa nagawa ng anak nila. I'm sure, maaayos din ang lahat, so don't worry na. Go on, sleep tight." Sabi ni kuya. Tumango nalang ako.
Ginawaran naman ako ni kuya ng isang masuyong na halik sa noo bago siya lumabas sa kwarto ko. Sana nga makatulog ako. Kung makakatulog man ako, sana huwag na akong magising. Ganoon ako nasaktan, gusto ko nang mamatay. Hindi ko nanaman namalayan na umiiyak na pala ako.
Ahad ko naman itong pinunasan. Haist. Tama na Pop, tama na.
*****
Samantala, sa labas naman ng kwarto ni Pop ay may nagmamasid-masid lang sakanya.
Bakit ba iniiyakan ng mahal ko ang lalaking iyon? Andito naman ako, naghihintay lang na mahalin din niya, pero yung Chester na iyon padin ang mahal niya!
*****
POP
Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Namumungas pa ako ng mata ko, pero tumayo na ako. Hindi ko na ieenumerate ang mga ginawa kong morning rituals dahil alam niyo na kung ano yun.
"Dad! Ano ka! Kapag sinabi natin yun kay Pop, mas masasaktan siya!" rinig kong sigaw ni kuya.
"Pero anak, atleast, mabubuhayan siya ng loob! Hindi siya magmumukmok! Ayokong makita ang anak ko, ang kapatid mo na nagkakaganoon. Nakita mo kung gaano siya nasaktan hindi ba?!" sigaw ni daw pabalik.
BINABASA MO ANG
Obsession
Fiksi UmumOne girl. One chance. One destiny. Will she escape? Or will she forever have no freedom at all? Phoenix Orchid "Pop" Pablo always dreamt of a happy ending, but will she experience that happy ending in reality if she will be a prisoner? A prisoner o...