Baekhyun POV
Pagka-uwi ko sa bahay na may dalang ngiti..
Haaaysss. Salamat naman at wala na akong pro-problemahin sa Taeyeon na yon at, ipapalinaw ko sa EXO na friends lang talaga kami.
Sus. Hindi ako manghihinayang na ibigay si Taeyeon kay Kris-hyung no!
Bakit naman ako manghihinayang diba?
(This is Baekhyun's past. Not Kris)
---
Sa dala ng pagod ko, nakatulog ako at hindi ko namalayang nakapasok na ako sa EXO dreamland.
(Flashbacks)
(Actually, di naman talaga to panaginip.. Para lang may maextra)
"Kailan mo na ba ako sasagutin?" malambing na tanong ni Baekhyun kay Yoona.
"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong sa kanya ni Yoona atsaka nag pout.
"Hehe. Wala lang." sabi ni Baekhyun at kinuha ang kamay ni Yoona.
"Basta, ha? Tayo ang magkakasama habangbuhay!" masayang sabi ni Baekhyun.
Hindi kaagad nakasagot si Yoona kaya naman, natanong siya ni Baekhyun
"Is there something problem, Yoona?" tanong ni Baekhyun.
"N-nothing, Baek." sabi ni Yoona at nagbuntong hininga.
Naramdaman ni Baekhyun na pinipilit pakalmahin ni Yoona ang sarili kaya naman, hindi na natiis ni Baekhyun.
"Yoo--" pagtingin niya kay Yoona.. para itong mamatay sa paghinga ng mabilis.
"T-teka.." sabi ni Baekhyun.
"H-hos..p-pi.." habol hiningang sabi ni Yoona kay Baekhyun.
"T-tal.." tuloy nito.
"HOSPITAL?!" agad tumakbo si Baekhyun at kinuha ang kotse niya.
***
"A-anak?!" tanong ni Mrs. Park.
Unti unting dinilat ni Yoona ang mata niya at pinilit na ngumiti.
Nandito sila sa hospital ngayon.. pinagpahinga pa si Yoona dahil stress daw ito.
Mamaya pa sasabihin kung ano ang resulta ng sakit niya... or kung sakit nga ba talaga.
"I-ikaw ba si B-baekhyun?" tanong ni Mrs. Park.
"Opo." magalang na sagot ni Baekhyun.
Biglang yumakap si Mrs. Park at sinabing.. "Salamat sa pagdala dito kay Yoona, Baekhyun."
Tumango si Baekhyun at ngumiti bilang tugon, "Okay lang po yun." sabi ni Baekhyun at ginantihan ang yakap ni Mrs. Park.
Naghintay pa ang dalawa ng ilang oras...
Hanggang sa mag madaling araw na.
"Kumain ka na ba, Baekhyun?" tanong sa kanya ni Mrs. Park.
"H-hindi pa ho" sabi ni Baekhyun kahit kanina pa siya nagugutom.
"Eh, kung umuwi ka muna kaya, tapos magpahinga ka." sabi ni Mrs. Park, "Tapos balik ka na lang dito bukas."
"A-ah, eh, hindi na ho. H-hindi pa naman ho ako gutom." sabi ni Baekhyun at ngumiti.. na halatang pilit.
"Gutom ka na, iho. Sige na." sabi ni Mrs. Park at tinulak tulak si Baekhyun para maka alis sa kwarto.
Hindi naman nakapalag si Baekhyun dahil pagod na rin siya at wala pang kain.
Kaso may nahalata si Baekhyun sa mga ikinikilos ni Mrs. Park
'Weird'
Binaniwala niya na lang ang nangyari at umuwi na.
***
Kinabukasan.
Nagising si Baekhyun sa liwanag ng araw.
Tinignan niya alarm clock niya..
"WHAT?!" bigla siyang napabangon.
10:57 na?!
Agad tumayo si Baekhyun at naligo.
Habang nagbibihis siya.. may natanggap siyang text.
Galing kay... Yoona?
"Magaling na ba siya?" punong pag alala na tanong ni Baekhyun sa sarili.
"Babalik ako Baekhyun.. Pangako ko sayo yan."
Yan yung nasaba ni Baekhyun sa text.
Dahil medyo slow siya.. Hindi kaagad niya na text.
"Saan ka pupunta?" reply niya kay Yoona.
Kaso.. Lumipas ang ilang minuto, kaso wala paring text na nakuha si Baekhyun kaya nagmadali siyang pumunta sa hospital.
Pagdating niya, agad niyang pinuntahan ang room ni Yoona.
Kaso..
Wala siya eh.
Nakita niyang nagliligpit na ang mga nurse sa mga gamit.
"A-ah, *hinga* Asan po yung p-pasyente dito?" tanong niya sa nurse.
"S-si Ms. Park po?" tanong nung nurse.
"O-oo." sagot niya.
Teka lang.. Medyo kinakabahan si Baekhyun ahh. Bakit kaya?
"Umalis na sila kanina lang. Mga 3 hours ago siguro?" sagot nung nurse.
Biglang nanlumo si Baekhyun.
"A-asan daw siya?" tanong niya parin.
'Ayaw kong sumuko..' sabi niya sa sarili niya.
"Di po sinabi eh. Basta lumipat sila ng hospital," sagot nung nurse. "Alis po muna ako." magalang na sabi nung nurse.
'What the fck'
'Bakit mo ko iniwan Yoona? Diba sabi ko naman sayo, sasama tayong tumanda?'
***
Yan ang dahilan kung bakit ayaw ni Baekhyun sa mga babae. Dahil ang gusto lang niya is si Yoona.. at wala ng iba pa.
Wala na.
***
Heeyeyeyeyey! Sobrang drama ng chapter na to no?
Sorry pa din kasi.. ang sho-short ng mga updates ko.
Hehehehe. Pasensya narin kung si Yoona ang kontrabida ha! Basta, wag kayong mag aalala. Hindi ko siya papatayin kaya, Dont ya worry!
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a GAY?! [EXO Fanfic-- Baekhyun]
Teen FictionSi Byun Baek Hyun ay isa sa myembro ng isang kilalang grupo na pangalang EXO. Hindi niya feel makipag kaibigan sa mga babae kahit na bakla siya. Si Kim Tae Yeon ay isa sa mga fangirl ni Baekhyun na hinahangad na mapansin siya, no matter what. Paano...