2

178 5 0
                                    

"AAAAAAAAAARRRRRGGGGGGGGGGHHHHHH!" Sigaw ko ng bonggang bongga with matching sabunot pa sa buhok. Paano ba naman kasi sobrang sakit na ng ulo ko! Yung walanghiyang teacher ko kasi nagbigay ng project tapos kailangang matapos daw bukas! Pakshet siya ah! Ikaw ba naman pagawin ng 10 pages na essay na kabibigay lang tapos submit na bukas. Bruha talaga siya! Ang sarap hambalusin ng balde! Paano kasi laging nakikipaglandian sa mga ibang teachers kaya pati kami nadadamay pag rush na ng grades.

"Ma'am may problema po ba?" Nyemas bigla bigla nalang pumapasok sa kwarto ko tong katulong.

"MERON, MALAKI! AT WAG KA NG DUMAGDAG PA! LUMAYAS KA SA HARAP KO NAIISTRESS AKO SA MUKHA MO!" Halata namang gulat na gulat yung katulong sa sinabi ko. ABA care ko ba?

"Ah kas-" ABA sumasagot?

"Sinabi ko bang sumagot ka! Imbyerna ka a! Gusto mo bang tsinelasin ko yang pagmumukha mo diyan?! LAYAS!" Kumaripas naman siya ng takbo. Dapat lang dahil hindi ako nananakot lang sa sinabi ko. Kaya ko yung gawin no!

"Oh? Problema mo? Takot na takot yung maid a. Naiistress ka daw sa pagmumukha niya? Hahahaha" bigla namang sumulpot tong babaeng galing sa balon. Para sa mga mahina ang IQ ibig sabihin non mukha siyang SADAKO!

"Sige tawa pa. Palamon ko sayo tong dictionary e!" sabay hinambalos ko talaga sa kanya yung dictionary. At oo yung makapal na dictionary yon hindi yung pocket size, pang poor yon ayoko non.

"ARAY! Sapatusin kita diyan e! " pagbabanta naman niya saken. ABA! Akala naman niya matatakot niya ako.

"Try mo ng mabawas bawasan ang mga sadako sa mundo."

"Sadako ka diyan, Rapunzel ako no! If I know inggit ka lang sa long and silky hair ko." Binelatan pa ako!

"Ah ganon? Akin na yang buhok mo ng ma-head&shoulders ko!"

"Anong head&shoulders?"

"Sasabunutan ko! Tignan natin kung kayanin ng hair mo!" At dahil akmang sasabunutan ko na siya bigla nalang siyang humiga sa kama ko.

"JOKE!" Weird akala niyo mabait yan pero kasing taray ko din yan. On and Off yan magmataray ako naman ewan ko ba nasira yata ang switch at sa kamalas malasan sa on natiyempuhan.

"Tumayo ka diyan baka madumihan pa yang kama ko at magka-rashes ako. Teka bakit ka ba nandito? Hindi tuloy ako maka-concentrate dito!" reklamo ko naman sakanya.

"Arte mo ah! At hindi ako pupunta dito kung hindi ka sumisigaw diyan na parang engot. Alas tres na sumisigaw ka pa?! Akala mo iyo lang tong mansion." Sabay binatukan ako. ABA!

"Aray ko! Pag di ka tumigil diyan ikaw ang isusunod ko sa teacher kong malandi!" takot ko sakanya.

"WOW! Nahiya naman ako sayo! Kung makaparatang ka ng malandi diyan e ikaw nga tong playgirl e!"

"Playgirl nga ako pero may class naman." Umalis na ako sa kwarto dahil tinatamad na akong magsalita at makinig. Bakit ba? Tinatamad nga ako e!

"O? San ka pupunta? Di mo pa to tapos." Sigaw naman niya. Kung makasigaw nakakairita! Ako lang ang pwedeng sumigaw dito!

"Sa kwarto mo. Dun ako matutulog. Tapusin mo yan total inistorbo mo ako." Plain ko namang tugon sa kanya habang patuloy padin sa paglalakad.

"HOY! Ano ka siniswerte?!" Hindi ko siya pinansin.

"JADE! TAPUSIN MO TO!" Di ko padin pinansin.

"JADE I'M STILL TALKING TO YOU!!" Di ko siya papansinin. Hayaan na maputulan ng ugat sa kakasigaw.

"PUNYATERA KANG BABAE KA! KAKALBUHIN KITA! AAAHHHHH!" Binilisan ko ang paglingon dahil siguradong hindi siya nagbibiro sa tono niya. Pero too late kaya sinabunutan niya ako. Well syempre di ako papatalo diyan kaya sinabunutan ko din siya! Mukha niya maganda!

When the PlayGirl PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon