5 (Mother's Day)

113 6 0
                                    

May 12,2013 ngayon. Sinasabi ko lang dahil baka hindi niyo alam.

Mother’s Day ngayon! Kaya lumipad kami ni Jada papuntang Korea ;) Pero syempre sumakay kami ng eroplano.

Excited na akooo!

Naready na namin lahat ni Jada ng kailangan para sa surprise namin para kay Mommy. Ang saya ko ba? Ganyan kasi ako pagdating sa magulang ko. Sila lang ang exempted sa katarayan ko at galit ko sa mundo!

At dahil diyan

Mabait ako ngayon ;)

That’s right. You’ll see the other side of me today. Yung side na sinira ng tarantado at hinayupak na gagong siraulo at punyeta kong EXboyfriend.

Unli ako sa badwords eh. Professional ako diyan.

Joke yun. Kung di ka natawa bibigyan pa kita ng chance para matawa.

1

2

3 Kdot.

Ano ba yan naaalala ko nanaman siya! Haaay, pag talagang naaalala ko siya umiinit ang ulo ko e! gusto kong manapak! Leche!

“Oh? Problema mo nanaman? Kunot nanaman noo mo.” Puna ni Jada saka umupo sa harap ko. Nasa living room kasi kami ng MANSION namin dito sa Korea.

“Paki mo?”

“Sungit mo! Akala ko ba mabait ka ngayon? PSH.” HAY! Ano ba yan. Nababadvibes ako e. Erase erase erase

Masaya ako ngayon!

Tama, masaya ako ngayon!

“Pipi ang peg?” tanong ulit ni Jada.

“Ha? Wala. Tara na nga. Ihanda na natin yung pakain. Paparating na siguro si Mommy.” Sabi ko saka ko siya hinila patayo at inakbayan habang sabay kaming naglakad.

“Sweet mo ngayon ah? ” natatawang sabi naman ni Jada. Kahit kelan di marunong mag shut up to! Sarap kutusan. Buti mabait ako ngayon. Oo paulit ulit dapat sabihin na MABAIT AKO NGAYON! Para ma-remind ko din ang sarili ko at makaiwas mag mataray.

When the PlayGirl PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon