10

62 5 0
                                    

"Girl nakita mo ba yung gwapong lalaki sa college?"

" Oo!! Grabe makalaglag panty!"

"Oo yun nga! Ngiti palang niya nakakakilig na e!!"

"Tara kausapin natin? Mukhang type ako e. Haha!" Msayang masayang usapan ng mga malalanding babaeng nasa harap ko ngayon. -_-

"Hoy baka gusto niyong tumabi tabi at hindi kayo dito sa hallway lumalandi? Sa pagkakaalan ko din wala pang nakakabili ng right of way dito?" Napatigil naman sila sa kakasalita at tumingin sa akin. Ganda ko!

"Nako mga babaita kung ako sa inyo hindi ko siya sasagutin. Tsupi nalang kayo " Sabat naman ni Jada. Tong babaeng to ngayon din lang pumasok ulit! Masyadong abala sa career niya psh.

"Ang yayabang niyo namang dalawa? Porke sa tita niyo na tong school ganyan na kayo? Ha?!" ABAT sumasagot ang lokaret!

"Kahit hindi namin kamaganak ang mayari nito ganito padin kami dahil mas maganda kami kesa sayo."Sabi naman ni Jada habang nakasmile. Kaloka galit ba to?

"Isa pa bawal ibalandra sa daan ang mga pagmumukha niyong pangit. Mahiya naman kayo no! Baka matakot pa mga estudyante sa inyo!" ako

"Ang kapal naman ng mukha mo!" Sasapalin na niya sana si Jada pero napigilan ko yung kamay niya at hinawakan.

"Subukan mong dampian ng kamay mong nakakadiri ang kapatid ko. Baka gusto mong ihampas kita sa great wall of China? " Saka ko binitawan ng harshly yung kamay niya at nagpagpag. Magkagerms pa ako no.

"Tara na alis na tayo." Sabi ng kasama niya

"Tara na. Bwisit kayo. Ikaw wag ka nang mabibigla pag lumabas to sa press!" banta niy kay Jada. Loko to!

"Nako anong akala mo di alam ng fans ko ang ugali ko? Duh! Di ako plastic tulad niyo. " mataray na sabi ni Jada saka nag flip ng hair niya. Tuuurrraaayy!

"Samahan ka namin gusto mo?"Dagdag ko naman. At yun tuluyan na silang lumayas. Mga...

"Siena!" Lingon.

O.O

"Oh anong ginagawa mo dito?!!!" Sabay turo ko sa kanya.

"Dito na ako mag-aaral ano ka ba."

"Binabantayan mo ba ako? Ha?!" Sa lahat ng ayaw ko yung bibabantayan ako! Ang kapal niya di pa nga kami!

"Haha JOKE lang galit ka naman agad. "

"Ah so hindi ikaw yung gwapong college ?" Tanong naman ni Jada habang inaayos yung uniform niya.

"Ha? May gwapo dito? "

"Oo sabi ng mga malalanding yun." sabay turo ko sa mga nakaaway namin na kasalukuyang nagkatingin sa amin ng masama. Sipain ko pa sila e.

"Ah. Bat ang sama ng tingin sa inyo ng mga yon?"

"Si Siena kasi e. Ihahampas daw niya sa great wall of China haha!" Nagtatawanan silang dalawa dun. Ano kayang nakakatawa dun? PSH.

"Haha! Ansakit ng tiyan ko dun Hahaha!"

"Hay nako maiwan ko na nga kayo diyan. Magingat ka ha? Baka ihampas ka niyan sa great wall of China! Hahaha!" Sabi ni Jada na tawa padin ng tawa. Nyemas nakakainis sila. Pinagtatawanan ako.

"Haha! Sige. Ingat." Sabi ni Ace saka nagkiss sila sa cheek. Psh tinutuhog ba niya kaming magkapatid? Bwisit!

Nakaalis na si Jada. Naglakad na din ako. Bahala sa buhay niya yang babaerong yan.

"Boss. Hoy boss!"

"ANO?!"

"Uy galit ka nanaman sakin?"

When the PlayGirl PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon