LONG DISTANCE RELATIONSHIP

275 1 0
                                    

Sabi nila ang sarap daw mainlove.

Yung tipong parang nasa langit ka. Kumbaga CLOUD NINE. Minsan nga hindi mo alam nainlove ka na pala. Na nagmamahal ka na. Ang tagal-tagal mong hinintay na maramdaman mo ang feeling na yun. Yung di mo maexplain.

Yung alam mo talagang nagmamahal ka na ng lubos. Di ka makatulog. Di ka makakain. Lagi kang nakangiti. Blooming. Inspired.

Ang sarap kasi ng may kayakap. Yung may naghahatid sundo sayo. Yung may ka-holding hands ka. At higit sa lahat, yung alam mong mahal na mahal ka niya kahit malayo kayo sa isa't isa. 

Long Distance Relationship ( LDR ) alam ko na sa panahon ngayon maraming nasa sitwasyon na ganyan. Paano ba naman kasi pwede kahit sa chat lang o kaya sa cellphone. Pero alam mo, bilib ako sa mga taong sumusubok sa LDR.

Karamihan kasi sa mga tao ngayon gusto nila lagi nilang nakikita at nakakasama yung mga taong mahal nila. Kulang na nga lang dapat 24/7 sila magkasama eh. PERFECT ATTENDANCE PA! 

Minsan nga naiisip ko, hindi ba sila nagsasawa na lagi silang nagkikita at nagkakasama? Kunsabagay, kung talagang mahal mo ang isang tao hinding hindi ka talaga magsasawa.

Pero teka.. Teka.. Paano naman yung mga nasa LDR? Alam mo you don't have to see someone everyday to be in love. Pwede kang magmahal kahit hindi kayo lagi nagkikita. Pwede kang magmahal kahit hindi mo pa siya nakakasama.

Hindi yan nasusukat sa kung gaano karaming haplos, yakap, halik, at titig na napagsaluhan niyo na.. Nasusukat yan sa kung gaano niyo tinitiis na ituloy ang relasyon niyo sa kabila ng distansiyang nakaharang sa pagmamahalan niyo.

EFFORT, LOVE, TRUST, COMMUNICATION and LOYALTY. Ilan lang siguro yan sa mga bagay bagay na pwedeng maging dahilan ng isang matatag at matibay na Long Distance Relationship.

LOVE - Alam naman nating walang relasyong mabubuo kung wala ito. Maliban na lang kung landi ang pinairal. Mehehehe. Kung talagang nagmamahal ka, kahit gaano pa kalayo yan, walang wala yan. Kayang kaya mo yan. Don't measure the distance, measure the love. Kasi kung lagi mong sinusukat kung gaano kayo kalayo sa isa't isa, WALA! Hinding hindi ka makukuntento sa relasyong meron kayo. Kahit malayo siya, basta isipin mo lang na mahal na mahal ka niya at sobrang masaya kayo sa piling ng bawat isa sapat na yan! Sapat na yan para magtagal at sumaya kayo.

TRUST - Ito. Ito na siguro ang isa sa pinakamahirap gawin kapag nasa LDR ka. Hindi mo naman kasi sila masisisi kasi nga malayo sila sa isa't isa. Hindi nila alam kung ano na bang ginagawa ng karelasyon nila. At hindi nila alam kung seryoso ba talaga ito o hindi. Or worst, baka may karelasyon pa itong iba. Pero wag masyadong maging mapanghinala, minsan kasi hinala tayo ng hinala kahit wala naman tayong dapat ipanghinala. Minsan sa sobrang pagmamahal natin sa taong yun, napakahirap sa ating magtiwala ng ganun ganun na lang, lalo na kung malayo siya sayo. Hindi naman na kasi mahirap manloko ngayon eh. Mag-type ka lang ng I LOVE YOU sa phone mo then send to many kina Baby1, Baby2, Baby3, tapos! Hehe. Pero kung talagang mahal mo siya magtiwala ka. Wag puro hinala. Ang taong nabubuhay sa relasyong puro hinala, hindi nagiging masaya. Maaburido ka lang. Maniwala ka sakin.

LOYALTY - Ito daw ang kadalasang nawawala sa mga lalaki. Lalo na sa mga chickboy. Nakakita lang ng cleavage at matambok na pwet makakalimutan na agad na may girlfriend sila. Yung mga babae naman, nakakita lang ng gwapo at artistahin lalandi na. Hindi yan pwede kay Enrile! Charot. Pero seryoso, hindi talaga yan pwede. Tandaan mo, may isang taong nagtitiwala sayo kahit malayo ka. Na umaasa siya na kahit malayo siya, hinding hindi ka manchichix. Hinding hindi ka manlalalaki. 

COMMUNICATION - Ito na siguro ang isa sa mga pinakamahalaga sa LDR. Hindi man kayo magkita lagi, kailangan niyo pa ring magusap. Magparamdam sa isa't isa. Anjan Facebook, Skype, YM, Cellphone at marami pang means of communication. Hindi porke't malayo na, hindi na nagpaparamdam. DO YOUR BEST NA IPAKITA PA RIN SA KANYA NA MAHAL NA MAHAL MO SIYA KAHIT MALAYO SIYA. Walang mas hihigit pa sa kasiyahang mararamdaman niyan kapag naaalala mo siya.

EFFORT - Hindi lang sa pagyayang mag-date, paghatid-sundo sa karelasyon mo maipapakita ang effort mo sakanya. Kahit malayo kayo sa isa't isa, pwede mo pa rin ipakita yan. Isang pag-alala mo lang sakanya effort na yun. Pagtext at pagtawag sakanya. Paglaan ng oras para makachat mo siya sa Facebook at Skype effort ng matatawag yan. Yung paglaan mo nga lang ng kunting oras sakanya masayang masaya na siya eh. Jan mo kasi nakikita kung gaano kaseryoso sayo ang isang tao kahit na malayo kayo. Nasa kung gaano siya mag-effort. 

MADAMI PANG MGA PARAAN PARA PATIBAYIN ANG LDR. Kung isa ka man sa mga nasa LDR ngayon, ipagmalaki mo yan. Kasi iilang tao lang ang nakakatagal jan. AT ISA KA NA DUN. 

Having someone who is as committed to you as you are to them even when you are 1,500 miles away from each other and only see one another at most 4 or 5 times a year is a rare thing. And realizing that just makes you want to hold on even tighter.

Feeling beyond lucky to have a guy in your life even in his absence.

People in LDR's are some of the strongest and amazing people. You stay so faithful and strong because of hope that one day, you'll finally close the distance.

Each of you are just truly amazing. It takes a special kind of person to make it work.

Long distance relationship only can measure how patient is love is.,and can prove that true love can waits. Hayyyy un ngalang mababaliw ka kakaisip qng kelan kau mgsasamang dalawa.

Kaya kung su2bok man tau sa ganyang klacng relati0nship,u must prepare kung anu ang pwding mangyayari sa iny0ng dalawa.

Wag mag'expect na talagang kau na kahit feel n feel nyong dalawa na talagang tot0o kay0ng nagmamahalan kasi di natin maiwasan ang pwding mangyayari.

Kahit iiyakan m0 pa yan lageh,titiisin kung ndi talaga kau,mangyayari talagang mer0ng magbabago sa iny0ng dalawa,

Kahit babad to the max kau sa ph0ne and laptop wla parin yan kung ndi talaga kau sa isa't isa.

Kaya wag mag expect ng t0o much,lage m0 2ng paghahandaan kasi ang pr0mises ay pwding ndi magawah!!

Kaya palakasan lng talaga ng LOob ang LDR...

 masaya masarap at insperation ka kahit ano man ang ginagawamo pero huwag mong lahat ibibigay sa kanya kailanagan magtira ka para sayo pasa ganon dika masyadong masasaktan

..hndi nman dpt sinusukat ng mga ngmamahal at minamahal kung gno sila kalayo bxta b mhal mo mraramdaman muhng pra lng syang nxa tabi muh..TAMA?

Maganda rin naman talaga kung nasa long distance relationship ka jan mo makikita talaga kung mahal niyo ang isat isa at jan niyo rin maipapakita ung tiwala at loyal niyo sa isat isa,. love ko na din ang LDR :))

Yung pinaglalaban niyo parin ung pagmamahalan nyo kahit na mahirap, masakit,nakakapagod na maghintay. STILL the feelings are mutual. 

Have faith.. Patience.. Keep fighting for each other!

Goodluck sa atin

Those who doubt you and say you won’t make it work are so judgmental because they probably know they could NEVER be as strong as you! So hold on to hope and faith and just keep believing it will work out! AJA!

♡ Compilation of Things About Love ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon