PAANO NGA BA MAG MOVE-ON ULI? PART III ( Not Again ... )

162 1 0
                                    

Akala ko noon naranasan ko na yun pinakamasakit sa pakikipag relasyon… dami ko na na-experience na pain pero kanya kanya palang level ang sakit ano.. merong mild , meron naman super strong parang kape lang. Ang dami ko nang nasulat about moving on, at ang dami din nagsusulat tungkol dyan pero ewan ko ba bakit kapag moving on stage na dyan nagkakatalo talo.

Ang tao kasi prone sa sakit lalo na at lampa ito, idagdag mo na kung sensitive.. kapag nasaktan syempre uma aray. Nakagawaian ko nang mag bigay ng advice sa mga taong nakakasalamuha ko based on experience ika nga.. pero yun ibang advice ko galing lang sa utak ko kasi di ko pa na experience eh.. tama sila parang ang dali lang sabihin.. pero kapag ikaw na yun nandoon sa sitwasyon na yun mahirap nga pala talaga.

PAANO NGA BA MAG MOVE-ON ULI? PART III :LOL:

SCENARIO: MALING PAG-IBIG

Meron bang maling pag-ibig? Alam ko lahat ng pag-ibig maganda, masarap pwera nalang kung may mali talaga. Kelan ba nasasabing mali ang isang pag-ibig? Kapag umiibig ka na meron maaaring masaktan. Mali kapag umiibig ka tapos nasasaktan mo ang sarili mo sa kagustuhan mong mapagbigyan ang nararamdaman mo.

Mali kapag nakakarinig ka nang bulong na mali yan stop it. Mali talaga, dahil kung hindi mali wala kang maririnig sa safeguard ( konsensya) mo.

Hindi ko hawak ang puso ng bawat tao pero para sa akin mahirap kapag pumasok ka sa isang sitwasyon na alam mong masasaktan ka lang at makakapanakit ka pa ng ibang tao. Pero kung sadyang malakas ang tawag ng sinasabi mong pag-ibig sige magpakasaya ka… dun ka masaya eh.

Mali kapag akala mo dalawa kayong lalaban pero matatauhan ka nalang bakit ka nag iisa ngayon?

Minsan hindi rin pala sa sapat ang nararamdaman lang… is it enough? will that make you happy or your partner? Mabuhay ng puro nararamdaman lang.. kapag wala ka nang makita na tama sa pinasukan mong relasyon abay mag move on ka na? Paano ba uli?

Maging mapagpasensya sa sarili mo – Okey lang magwala , magalit,okey lang umiyak, natural nasaktan ka kaya ka nagkakaganyan.. hindi naman kaagad agad isang iglap lang eh mawawala agad yun feelings mo, na sa isang iglap lang mag di disappear agad ang heartaches.. yan si heartaches matindi kung kumapit yan… minsan kahit nililibang mo na sarili mo bigla yan papasok para palungkutin ka.. it takes time sabi nga.. okey lang yan… hindi ikaw si superman na kapag nasugatan eh gagaling agad.. unti unti yan.. pero ipaalala mo palagi sa sarili mo na makaka move on ka din.

Maging matatag at stay positive – Sakit sakitan fever -natural lang masaktan kapag yun pag -ibig na binuhos mo nang sobra eh hindi mo na uli makukuha sa kanya, yun mga pinagsamahan nyo eh mabubura na.. okey lang masaktan pero wag kang umarte na ikaw lang ang biktima. . syempre naman may mga taong umeffort talaga para mag work out ang relasyon pero sa wala din pala mapupunta ang saklap diba? Pero that’s life instead of acting like a victim kelangan maging

strong tayo .. stay positive ika nga.

Humanap ka ng kausap – alam ko masakit ang pinagdadaanan mo, pero kung sinasarili mo lang lahat ng iyan nakow! May posibilidad na mabaliw ka. Tawagin mo ang mga friendship.. mahirap mag isa kaya wag mo paikutin ang mundo mo sa isang tao.. dahil kapag ito ay nawala sa yo disaster ang labas non.. Makipag kaibigan ka sa mga totoong tao pwede mong mapagsabihan ng nararamdaman mo. Pwede mo rin ito isulat sa papel nakakatanggal din yun ng stress.

Open your eyes- Minsan masarap lumabas tapos mag observe ng ibat-ibang tao.. may kanya kanyang problema, magugulat ka nalang ay mas mabigat pala problem nya saken pero she can take it lightly. Hindi lang ikaw ang dumadanas ng lungkot, paghihirap na nararamdaman kanya kanyang level ika nga.

Bagong buhay- leave the past behind.. kung pwede i refocus mo yun buhay mo.. mag hanap ka ng bagong interest , yun trabaho mo pag butihin mo lalo, relasyon mo sa family mo.. o relasyon mo sa Panginoon. May sinasabi ba SYA sayo? ano ba ang binubulong sayo? Baka kasi hindi ka nakikinig sa KANYA kaya laging palpak ang lablyf mo may tinuturo sayo pero nakapikit ka at yun gusto mo lang tignan ang tinitignan mo. Minsan masarap rin pakinggan kung ano ba sinasabi NYA after all ang Panginoon lang naman nakakapag pagaling sa lahat ng sakit na pwede mong maramdaman dahil SYA ay healer..

Look forward – marami pang i ooffer ang life sayo.. may darating pa, sabi nga kapag may nagsara may magbubukas din. At kapag dumating yun time na yun yakapin mo ng mahigpit at sasabihin mo eto na yun!

In your life you search and search for the right person for you. Every time you break up with someone you get one step closer to that person. You should look at moving on as getting closer to meeting the one.

♡ Compilation of Things About Love ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon