Nagmahal ka na ba? Mahal ka ba nya? O may mahal syang iba?
Kung ang kaligayahan mo ay ang kaligayahan nya, at ang kaligayahan nya
ay sa piling ng iba, kaya mo kayang ibigay ang kaligayahan mo para sa
kaligayahan nya? Kung ang sagot mo ay oo, mahal mo nga sya. Dahil ang
kalagayan mo ay ang kabiguan mo, at ang kabiguan mo ay ang mismong
kaligayahan mo. Para yan sa taong mahal mo, pero para sa taong yun,
walang halaga ang kaligayahan mo. Masakit isiping ang nararamdaman mo
ay mismo ring nararamdaman nya. Ngunit hindi para sayo pero para sa
iba! Nasaktan sya. Nasaktan ka, Umiiyak sya. Umiiyak ka. Ngumingiti
sya. Ngumingiti ka. Sumasaya ka dahil sa kanya at sumasaya sya dahil sa
iba. Nagmahal kayo sa taong parehong hindi kayo mahal. Eh bakit kasi
hindi na lang kayo ang magmahalan? Eh bakit kasi sya pa ang minahal mo?
Tanong din nya sa sarili nya “Bakit kasi sya pa ang minahal ko?” Eh
kasi tanga kayo! Katangahan ang magmahal, sabi nila. Hindi naman totoo
yun. Tao lang ang nagpapakatanga, pero hindi ibig sabihing pag may
minahal ka, tanga ka na. Bakit? Nasa sayo naman yun kung pipiliin mong
lokohin ang sarili mo o hindi. Matalino ka naman. Hindi naman masamang
magisip. Love Is Blind daw… Hindi din. Tao lang din ang nagpapakabulag.
Swerte mo na lang kung yung iniibig mo o ang Pinili mong iibigin ay
iniibig ka din. Yung tipong pareho kayong nararamdaman. Pareho ng
Wavelength. May Chemistry. At biologically compatible. Equals. Perfect
Match kayo di ba?. E pano kung hindi?
Pano kung pareho kayong
magnet? Magnet? Eh diba dapat attract. Hindi Magnet, kasi kayo yung
north pole at south pole sa iisang magnet. Opposite. Hatiin mo man,
north at south pa rin kayo. Sa kabilang dulo, kahit tadtadin mo pa
kahit sa pinakamaliit na piraso, hindi pa rin kayo mapaghihiwalay para
pagsamahin. Pwede ang ibang magnet. Ibang north at south pole. Pero
kayo, hindi, kasi dulo’t dulo kayo. Parang ganito, opposite poles
attract pero nagkataun na opposite poles nga kayo pero nagkataun din na
iisang parte kayo. Parte nyo ang isa’t isa pero hindi maaaring maging
kayo. Gets mo ba? Malabo ba? Ah basta yun na yun. Kung nalalabuan ka
mag hanap ka ng magnet na diretso lang. hanapin mo yung north at south
pole nito. Tignan mo kung mapagsasama mo nang naka hiwalay
Kung
magkagayon man, na ginawa mo na ang lahat para maging kayo pero wala pa
ring nagyayari, eto ang mabuti mong gawin; gumising ka sa katotohanan!
Hindi ikaw ang kanyang mahal at hindi kayo magiging kayo. Kaya wag mo
nang pangaraping maging baliw para rin lang sa isa pang baliw na
katulad nya. Wag mong sayangin ang pagkakataong hinihingi ng iba. Dahil
kung nagmamahal ka ng taong walang pakialam sayo, maaaring may
nagmamahal sayo pero wala sa kanya ang puso mo. Sabi nga sa mga titik
na to; “It hurts to love someone who doesn’t give you time of day but
what will hurt you more is to realize that someone you don’t give the
time of day loved you and gave up because you love someone else.”
Nakokornihan na ako sa mga sinasabi ko. Pero totoo naman di ba? Baka
yung taong binabalewala mo, sya pala yung taong pinapangarap mo. Sya
pala yung para sayo. Kaya Kung ako sayo, simulan mo nang pansinin ang
mga taong nasa paligid mo.
BINABASA MO ANG
♡ Compilation of Things About Love ♡
Teen FictionPoems, Quotes, Tips, Experience, Stories,|| Compilation About LOVE and Loneliness ♡ ♡ ♡ Read,Vote and Comment for Questions, and Opinions ^______^