Saan ba natin puwedeng makita ang tunay na pag-ibig? Teka san ko ba puwedeng matagpuan ito? Karaniwan ito ang tanong nating lahat.At bilang isang taong nilalang ng Diyos naghahanap tayo ng pagmamahal.
Si God ang first love ko, first love nating lahat, pero minsan nagtatanong tayo “bakit hindi ko maramdaman ang love ni God?”, “bakit kailangan niya ako pahirapan ng ganito?”, “minsan ayaw ko ng maniwala sa kanya dahil wala naman talagang nangyayari”, “Lord asan na yung lalake/babaeng para sa akin, tumatanda na ako wala pa rin siya?”.
Simple lang ang sagot, kulang tayo sa “FAITH”, sabi nga ni Christian Bautista sa the kitchen musical, “We gotta have faith!”.Masyado tayong nagiging negative sa buhay natin, and always remember negative are come from evil. Satan is trying to deceive us but throwing us negative thoughts, “what if pag ganito?, ganon,” walang katapusang what-if at pagwoworry.
Balik tayo sa paghahanap ng tunay na pag-ibig. Ang sarap siguro kapag nahanap mo na yung tunay na pag-ibig mo, hindi ito yung sweetest moments, romantic scenes, kundi ito yung state of love na talagang kahit bagyo o gumunaw ang mundo eh hindi maglalaho ang pagmamahal niyo para sa isa’t isa , parang “even death do us part!” imbes na “till death do us part”.
Natanong mo na ba kung magkakaroon ka rin ng “true love”, or love story katulad ng ibang tao na nakuha nila ito?.
Para tayong mga libro, mga sulatin, meron tayong tinatawag na “author of our life”.Merong iba sa atin na tayo mismo ang nagpapaandar ng buhay natin which is ok rin naman at mas marami sa atin na pinapaandar ng buhay natin ng ibang tao, pano? pinapaandar nila tayo sa pamamagitan ng relihiyon, gobyerno, paniniwala, media at marami pang iba.Pero ako si God lang ang author ng life ko sana ikaw din.
Si God , writer din yan kung maituturing. Siya kasi yung nagsusulat ng magiging istorya ng buhay natin, siya ang nagdedesisyon kung may maganda bang ending para sa atin. Hindi siya yung diyos na inaakala mo na nakaupo lang dun sa kalawakan, nakaupo na parang nanonood lang ng t.v at tayo ang pinapanood niya. Nagsusulat siya at nagdedesisyon kung ano bang nararapat na love story ang ibibigay niya sa bawat tao na humihiling nito sa kanya. Naghahanap siya ng tao na malayo sa kahilingan mo ngunit nararapat para sa pagmamahal mo at pagnahanap na niya saka lang uli siya magsusulat at pagsasalubungin ang mga landas ninyo.
Alam ni God na hindi magiging masaya ang isang tao na walang kapareha, meaning God knows na we cannot feel his inner and greater love by loving Him invisibly, the perfect way para iparamdam ni God kung gaano niya tayo kamahal eh by giving us partners in life. Pansin mo , ang panget ng asawa mo pero mahal na mahal mo, ibig sabihin niyan, marumi ka, makasalanan ka pero mahal ka ni Lord di ba?
Gusto niyang matutunan natin at maintindihan kung paano tatanggapin ang pag-ibig, pano magbigay nito, paano aalagaan ito, paano natin maapreciate ito in the best way we could ever imagine. Gusto niya matagpuan natin yung tao na tatanggap sa atin sa kabila ng kapangitan ng itsura natin, sa kabila ng pagiging mainipin natin, sa kabila ng mga negative traits na maiimagine mo. Hindi niya talaga ibibigay yung taong inaasam asam mo na maganda, pogi, mabait,mayaman ang gusto niya eh yung taong tatanggap sa atin.
Ang iba sa atin natagpuan na ito pero alam niyo ba na maraming tao parang iba yung ginagawa para matagpuan ito. Ang mga sumusunod ay karaniwang ginagawa natin through the quest of finding romance.
1. Ang paghahanap kay “The One” – ibig sabihin makikipag-date tayo kung kanino lang, pupunta ng disco clubs, makikipaghangout there, makikipagkilala sa mga lalake/babae diyan sa labas.At kapag may nakita ng mukhang intersado sayo at intersado ka sa kanya..
2. Fall in “love” – ito na yung magic, mahuhulog ka sa tao, merong first sight, kapag tumibok ng malakas ng dibdib ibig sabihin siya na at iclaim na fall in love ka na sa taong iyon.In love ka na hindi mo pa nakikilala yung tao.
3. Nagsisimula ka ng “mangarap” – ibig sabihin, sinisimulan mo ng pangarapin siya na ang magiging asawa mo, magkakaanak kayo ng isandaan at limampu..joke lang.. ito yung gagawa ka ng paraan para makita siya, para makasama siya kahit iwan mo na ang trabaho mo, iwan mo na magulang mo at makipagtanan ka.
4. At last step, kapag nabigo ka , iniwan ka niya, niloko ka niya ok lang yan repeat step 1, 2 and 3. Oh di ba paikot-ikot lang ang buhay pag-ibig mo, kawawa ka naman.
O, tapos magtatanong ka ngayon, paano ko mahahanap yung taong yun eh ginagawa ko yang sinabi mo sa steps sa taas para lang mahanap iyon, ilang luha na ang naidilig ko sa lupa.
Well ganito yon, hayaan mong si God na ang magsulat at magdesisyon para sa buhay mo, stop authoring your own life! that’s it!
BINABASA MO ANG
♡ Compilation of Things About Love ♡
Teen FictionPoems, Quotes, Tips, Experience, Stories,|| Compilation About LOVE and Loneliness ♡ ♡ ♡ Read,Vote and Comment for Questions, and Opinions ^______^