Magkano Ang Pangarap Mo

160 3 0
                                    

Narinig mo na ba to: “Libre lang ang mangarap.”

Pag mukhang walang direksyon ang buhaymo, sasabihin nila,

“wala ka man lang kaambi-ambisyon! ”

Pag andami-dami mong guston gawin, sasabihin naman nila,

“ambisyoso ka!”

Ayos ba?

May mga nagtatagumpay sa buhay, may sumisikat at nalalaos,

may gumaganda ang buhay pansamantala ngunit pagkatapos ay

bumabalik sa dati at kung minsan ay mas masahol pa.

Tignan mo yung kapitbahay mong nag Saudi o kaya’y

pumunta sa Dubai at Italy o kaya si ate sa Hongkong. Wag na

tayo lumayo…. Musta kaya ang buhay sa call center sa

bandang Libis o Ortigas? O yung

teller ng banko sa Makati .

Ano ba ang kasalukuyang sinasalamin ng buhay nila.

Kaginhawaan? Kasaganahan? O kahirapan pa din.

Marahil marami ang nangarap sa buhay. Kahit siguro yung

kaibigan mong ewan, marahil ay may pangarap din ngunit libre

nga ba ito? At kung libre, bakit madami pa din ang di

nakakaabot sa kanilang mga pangarap. Kasya ba ang take home

pay mo? Musta ang credit card mo? Max up na yung pangatlo?!

Palagay ko hindi libre ang mangarap. Tulad na lang ng

kalayaan, subukan mong isalin sa ingles ang salitang ito –

freedom. Libre nga ba ito? Kung libre ito, bakit may Ninoy,

bakit may Evelio Javier, at madami pang nagbubuwis ng buhay?

Tsk tsk. Nakakatuwa ang paggamit ng ating mga salita.

may kakilala akong nag-Saudi. Nakapag pundar ng bahay,

umabot sa mahigit isang milyon ang nahawakang pera. Tuloy

tuloy na sana pero nalulong sa droga, nawala lahat ang

kabuhayan.. Nangarap ba siya? Marahil. Pero somewhere along

the way, nawala ang focus niya.

Tapos si ManongEd, istokwa, bata pa tumira na sa palengke.

Sabi sa kanila, “black sheep” ng pamilya. Di na

inintindi ng magulang. Ang batang palaboy-laboy sa palengke

ng Surigao, kamuntik naging sundalo, kamuntik din nakatapos

ng engineering at nag-mekaniko. Nasaan na siya ngayon?

Nag-abroad na, tangay ang limang kaibigan at kapamilya. Saan

kaya niya hinugot ang kanyang lakas upang makaalis sa

palengkeng naging kanlungan niya habang siya ay nag-iisa?

Listen, yung

nanay ng friend ko at age 44, nag-nursing. San

na siya ngayon? Nag to-tour na. She has all the money to do

just that. Ano! matanda ka na? Eto isa pa. Yung lola ng

friend ko, nag retire at age 65. Bumalik sa skul, kumuha ng

Law. Sabi ng mga apo at anak, “Matanda na kayo. Pahinga

♡ Compilation of Things About Love ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon