ANG BABAE:
Pwedeng asarin, pero hindi dapat lokohin.
Pwedeng halikan, pero hindi dapat galawin.Lalo na kung hindi pa handa.
Pwedeng tratuhing prinsesa, pero dapat panindigan.
Pwedeng pangakuan pero hindi dapat pagsinungalingan.
Pwedeng higpitan pero hindi dapat sakalin.
Pwedeng awayin, pero hindi dapat paiyakin.
Pwedeng pagalitan, pero hindi dapat saktan.
Ang babae pwedeng mahalin, at dapat sobra sobra.
Ginawa tayong mga lalake para alagaan ang mga babae at yun dapat ang hindi natin kinakalimutan.
Tayo dapat ang tumutupad sa mga pangarap nila sa isang lalaki at trabaho nating patunayan sakanila na hindi tayo pare-parehas.
Ang LALAKI:
Pwedeng utusan, pero alam dapat ang limitasyon.
Pwedeng awayin, pero hindi dapat paluhurin.
Pwedeng sigawan, pero wag na wag mong sasaktan.
Pwedeng pag selosin, pero hindi dapat paiyakin.
Pwedeng higpitan, pero hindi dapat sakalin.
Pwedeng tanggapin sa buhay, pero siguraduhing iisa lang siya.
Pwedeng pangakuan, basta gagawin.
Pwedeng asarin, pero kapag tinotoo namin dapat lambingin.
Pwedeng landiin, basta alam mong sayo.
Kaming mga lalake dapat mahalin, at dapat sobra sobra.
Oo, Malakas ang katawan namin, lalo na kapag nakikipag basag-ulo, pero kapag puso na ang pinairal at nasaktan, tandaan niyo, ginawa kayong mga babae para alagaan kami sa mga panahong hindi na namin kaya.
Kayo dapat ang tumutupad sa pangarap naming makahanap ng babaeng kayang umintindi sa amin at maniwalang hindi lahat ng lalaki ay pare-parehas.
BINABASA MO ANG
♡ Compilation of Things About Love ♡
Teen FictionPoems, Quotes, Tips, Experience, Stories,|| Compilation About LOVE and Loneliness ♡ ♡ ♡ Read,Vote and Comment for Questions, and Opinions ^______^