PAG-IBIG: para sa'yo at para sakin

399 2 0
                                    

Ang pag-ibig ay napakalakas na emosyon ng isang tao. Madalas mas marami tayong nagagawang mga bagay ng dahil lang sa pagi-ibig. Maraming mga sakripisyo at pagbibigay nang dahil lang sa pag-ibig. Ngunit hindi lamang ito basta basta nabibigay at nakukuha mula sa isang tao. Ito ay kinakailangan ng tiyaga at pagiging totoo, nde lamang sa iba kundi pati narin sa ating mga sarili. Dahil kung hindi natin kayang mahalin ang ating mga sarili, maaaring magiging mahirap na buksan ang ating mga puso para sa iba. Ang totoong pagmamahal ay hindi nasusukat sa kung anong meron ka sa buhay. Hindi mahalaga kung san ka nakatira at kung may kapansanan ka sa iyong katawan. Ang tunay na pag-ibig ay hindi namimili kung sino ang karapat dapat nating mahalin. May kasabihan ngang dapat natin mahalin kahit ang ating mga kaaway, hindi ba? Kaya kahit na sa mata ng ibang tao ay mali, huwag nalang natin pansinin sapagkat tayo ay my karapatang magmahal at mahalin ng kahit na sinong gusto natin at kahit sinong may gustong mgabigay nito sa atin.

Sa mundo ng pag-ibig, nandyan ang pag-ibig galing sa Diyos, sa ating mga magulang, mga kamag-anak, at ating mga kaibigan. Ngunit my isang klase ng pag-ibig na tila hinahanap-hanap ng lahat ng tao. At iyon ay ang wagas na pagmamahalan ng isang babae at isang lalaki. Umaasa na balang araw ay makita na ang taong nakatakdang makakasama habang buhay. Sa henerasyon natin ngayon, ang dami kong naririnig na mga iba’t ibang kwento tungkol sa pag-ibig. Halimbawa na lamang ay ang mga palabas sa telebisyon at mga pelikula na pumapatok sa halos lahat ng tao dahil ito ay nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa atin. At hindi naman mawawala ang mga kwento na galling sa ating mga kaibigan. Mga kwento ng mga nabigo at nasawi sa pag-ibig at ang mga kwentong tila parang teleserye narin kung pakikinggan. Maraming tao ang nabibigo dahil sa hindi pa iyon ang tamang tao para sa kanila o kaya’y simpleng hindi pa iyon ang tamang panahon para umibig. Minsan nang dahil sa kakulangan sa pasensya, tayo din ang nasasaktan sa huli. Hindi talaga dapat minamadali ang mga ganitong bagay dahil wala naman sa atin ang pagdedesisyon kundi nasa Diyos lamang. Siya ang magsasabi sa atin kung sino at kalian tayo iibig.

Napakasarap ng pakiramdam kapag ika’y umibig sa isang tao. Halimbawa nalang yung magsisimula sa pagiging magkaibigan hanggang sa mahuhulog ang loob sa isa’t isa. Minsan hindi pa agad mamamalayan dahil sa sobrang malapit lng talaga sila sa isa’t isa. At isang araw, mapapansin nalang bigla na may espesyal na palang namamagitan sa kanilang dalawa. Yun nga lang ay hindi pa agad malalaman kung totoong pag-ibig na nga ang namamagitan sa kanila hanggang tuluyang makilala nila ang isa’t isa. Maaaring sabihin na sila na talaga habang buhay pero kapag may dumating naman na pagsubok sa relasyon nila at hindi nila malampasan, malamang sa hindi ay magkakahiwalay din sila. Pero kung ang isang magkasintahan ay kayang lampas an ang kahit anong pagsubok na dumating sa relasyon nila, meron na silang panghahawakan na talagang habang buhay na sila magsasama dahil doon malalaman ang katatagan ng kanilang pag-ibigan. Katulad nga ng sinabi ko na ang tunay na pag-ibig ay hindi namimili, dapat ay inuunang bigyan ng pagiintindi at pagmamalasakit ang iba bago ang ating sarili. Kahit na gaano pa ito kahirap para sa atin, magagawa natin iyon kung talagang mahal natin ang isang tao.

Kaya ko pang magsulat ng magsulat tungkol dito, pero sadyang napakalawak ng usaping ito. Ang masasabi ko lamang ay huwag tayo mawalan ng pag-asa pagdating sa pag-ibig sapagkat kahit hindi dumating ang nag-iisang tao para sa atin, wag nating kalimutan na hindi tayo nag-iisa sa mundo. Maraming taong ngmamahal sa atin at un ang mahalaga. Hintayin lang natin kung ano man ang plano ng Diyos sa buhay natin dahil sigurado namang hindi Niya tayo pababayaan. At hindi rin Niya gugustuhin na maging malungkot nalang tayo habang buhay. Magtiwala lang tayo sa Kanya at lahat ay magiging maayos sa ating buhay.

♡ Compilation of Things About Love ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon